Chapter 42

15 0 0
                                    

CTBL - Camping

Ella's POV

Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman dahil sa balita ngayong nabasa ko. 'Di ko maisip kung gaano nila kadaling sinabi yun na parang hindi man lang sila pumasok sa loob ng butas ng karayom. I felt guilt, nagi-guilty ako dahil sa nangyari. Hindi ba sila napagalitan ng kanilang agency dahil sa kanilang sinabi?

Matapos kong pinabasa kay Rhea ang article, agad siyang umalis. Siguro para hanapin si Shin, at para pagsabihan niya siguro. I'm sure nag-aaway na naman yung dalawang yun. Actually, I still haven't seen Chan. Gusto ko rin siyang sigawan dahil sa walang prenong bibig nila. Nakakainis sila ni Shin.

Nakatanggap din ako ng text kanina galing kina Kuya Mj at tinatanong nila ang issue na nangyari kagabi. Tinext din ako kanina ni Ell, kung okay lang ako at si Rhea. I'm sure kahit siya ay na-shock dahil sa interview kagabi.

"Hey.. Tulala ka diyan?" naputol ang aking pag-iisip nang biglang may nagsalita sa aking tabi.

"H-Hindi, ah.." defensive kong sinabi atsaka ako nag-iwas ng tingin.

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya.

"Is it about the interview?" tanong niya.

Napatingin naman ako sa kanya habang siya ay nakatingin sa kawalan.

Now, I think that it is better that Hyun didn't mentioned anything about him liking a girl. Edi lalong dagdag sa problema nila. But for some reason. I want to know kung ano ang naramdaman niya noong sinabi ni Chan ang tungkol sa pagkagusto niya sa akin. May karapatan din naman kasi si Hyun na sabihin yun. Well, hindi naman yung kailangan i-broadcast nila. But suddenly, I think this courting thing is getting unfair for him.

"H-Hyun.. Why didn't you mentioned anything about you liking someone? Hindi sa gusto kong sabihin mo ito pero.."

"Ayaw ko lang na madamay ka sa issue namin. At first, I want to tell them that I like someone else, too. Pero hindi ko ginawa dahil ayaw kong sa huli, ikaw ang maiipit sa sitwasyon namin." He said, still not looking at me.

"Ayaw ko naman sabihin na meron, but when the time comes na tanungin nila kung sino ito. Syempre ikaw ang sasabihin ko, but how? Kung ang babaeng gusto namin ng kagrupo ko ay iisa lang."

Napakagat ako sa aking labi. 'Di ko alam kung anong sasabihin ko. He thinks before he acts. Pwede niyang sabihin din ito na may gusto siya pero hindi niya ginawa dahil ayaw niya akong maipit sa sitwasyon. I don't think I will ever deserve Hyun dahil sa nagawa niya sa akin.

Tumayo siya kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.

"May camping tayo ng Black Kings in just a few days. Semestral break na rin naman natin, diba?" tanong niya.

Marahan na lamang ako tumango sa kanya.

"I'll get going, Ellie.." malungkot niyang ngiti sa akin atsaka naglakad na paalis.

I'm sorry, Hyun.

Medyo lutang ako habang nagpupunas ng lamesa dito sa FFC dahil pa rin sa nangyari sa Black Kings at sa sinabi ni Hyun. Nabasa ko rin kasi ulit ang nasa article na kalahati daw sa fans ay umalis and most of them ay kay Shin at Chan.

Napabuntong hininga ako at pinagpatuloy ko na lamang ang paglinis ng matapos na.

Nagpaalam na rin ako kay Alex pagkatapos ng trabaho namin. Kanina rin may gusto siyang itanong sa akin, pero parang pinipigilan na lamang niya ang kanyang sarili.

Napahinto ako sa aking paglalakad nang makita ko siyang nakatayo sa tabi ng kanyang sasakyan at nakatingin sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at nagsimulang maglakad paalis sa FFC pero hindi pa ako nakakalayo nang bigla niyang hawakan ang aking papulsuhan at iniharap sa kanya. Binawi ko ang aking papulsuhan at tumalikod na sa kanya, ayaw ko siyang makausap ngayon. Pero mukhang wala akong takas dahil hinawakan niya ulit ang aking papulsuhan at iniharap sa kanya.

Could This Be Love?Where stories live. Discover now