Chapter 20

32 1 0
                                    

CTBL - Shirts

Ella's POV

Pumunta kami ngayon ni Rhea kung saan namin pina-print ang mga t-shirts namin. Naganda ang pagkagawa nito. Except for the fact na napakasungit no'ng bakla dito. I'm really curious though, kung kanino tinanong ni Rhea ito.

After namin kinuha ang damit, pumasok na kami sa school. Kahapon kasi wala kaming pasok dahil nga sa bagyo noong isang araw. Normal day lang naman ngayon busy, lahat ng mga estudyante sa kung ano man ang ginagawa nila.

"Ella, tara suotin natin ngayon yung pina-print natin." malaking ngiting sinabi ni Rhea.

"Mamaya na lang. May first subject pa akong papasukin ngayon, Rhea. Before lunch na lang?"

"Fine, Fine! Basta before lunch, ah!" pagsisigurado niya.

Tumango naman ako at pumunta na sa first subject ko, which is katabi ko si Chan. Change my mind na. Mag cutting na lang ako kaso... baka isipin no'n na may gusto ako sa kanyan dahil hindi ako sumipot sa klase, hindi! Hindi maari yun! Papasok ako! Go, Ella!!!

Naglakas loob akong pumasok at nakita ko sa tabing pwesto ko na wala pa siya. Oh, my! Thank you po! Huminga ako ng malalim at pumunta na sa upuan ko para umupo.

Sana hindi siya pumasok, sana hindi siya pumasok! Yan ang paulit ulit na sinasabi ko sa utak ko. Nang biglang may humapas sa lamesa ko at nagulat naman ako dahil sa ginawa niya. Nakapatong ang isa niyang kamay sa lamesa which is yung ginamit niyang pang hampas. Ang isa naman niyang kamay ay nakapamewang sa kanya.

"You just can't understand what I've told to you!" mahina niyang sinabi pero may halo itong diin.

Kumunot naman ang noo ko sa kanyang sinabi.

"What are you talking about?"

"Seriously? I told you to stay away from Chan, but you just kept on sticking to him!" pagalit na sinabi Joon sa akin.

"I'm not sticking to him. In fact, the way I see it.. it's the other way around."

"So? You think he's the one who's sticking to you? Don't get your hopes to high because he will never like a bitchy, slut like you!" sabay nag smirk siya.

Ni minsan walang nagsabi sa akin niyan, kahit pa si Rhea na bungangera, hindi niya na sabi sa akin yan. Ta's sa isang katulad niya sasabihan lang ako ng ganyan dahil sa isang lalaki na napakayabang! Hindi ako yung tipong nang aaway ng iba pero kapag napuno na ako sasabog na ako. Hindi ko papalagpasin ang kanyang sinabi sa akin. Now, it's my turn to smirk.

"Oh.. I think you misunderstood.. you're the one I'm referring to.."

Unting-unti napawi ang kanyang ngisi sa labi at napalitan ito ng galit.

"Mwo?! So, you think I'm the one who's sticking to him?" 'di niya mapakaniwalang sinabi.

Ang kaninang walang nakatingin na estudyante sa amin ay nasa amin na ang kanilang atensyon.

"What else?"

"You–" sasampalin niya sana ako nang may biglang humawak sa kanyang kamay para mapigilan ito.

"I think you're the one who shouldn't get your hopes high.." malamig na sinabi niya ito.

Nanlaki ang mata ni Joon at pati ako. Binitawan naman kaagad ni Chan ang kanyang kamay at unting-unting binaba ni Joon ang kanyang kamay. Humarap naman siya kay Chan na medyo na luluha ang kanyang mata.

Could This Be Love?Where stories live. Discover now