Chapter 28

38 0 0
                                    

CTBL - Eh, Ano Naman?

Ella's POV

Bigla naman lumapit sa amin si Jung Suk atsaka tinignan kami.

"Gwaenchanayo?" (Are you okay?) tanong niya sa amin.

Pero bago pa kami makasagot, nagulat kami dahil sunod sunod na nagsi-pasok ang iba pang Black Kings. Anong ginagawa nila dito? Humarap naman sa akin si Ell na parang nabasa niya ang nasa isip ko.

"Mianheyo, but I called them here.." (Sorry) pagpapaliwanag niya.

Huling pumasok sina Chan at Shin na sobrang nag-aalala ang mga itsura. Nakatitig sa akin si Chan habang sinusuri ako. Naputol lang ang titigan ko sa kanya namg bigla akong yakapin ni Hyun.

"Ya! Why did you get in trouble?" nag-aalala niyang sinabi sabay kalas sa yakap.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil fresh pa sa utak ko ang pag confessed no'ng dalawa sa akin. Nagulat ako nang kinuha ni Hyun ang ice pack at siya na mismo ang naglalagay sa pisngi ko. Napatingin naman ako kay Chan pero expressionless lang siya.

"Who did this to them?" tanong ni Ace.

"Rhea, what happened to your hair? 'Di naman maikli kanina yan, ah." nagtataka na tanong ni Taehun sabay hawak sa buhok ni Rhea.

"Joon.. She slapped Ella then recklessly cut Rhea's hair. Hindi naman ganyan kanina yan, I just fixed it a while ago." pagpapaliwanag ni Ell.

Nagtaka ako dahil biglang umalis si Shin na walang sabi-sabi atsaka biglang sumunod naman si Chan sa kanya.

"Kailan ka pala dumating dito?" tanong ni Min atsaka nilapitan si Rhea.

"Kaninang umaga. And I was about to go to the studio, but Jung Suk told me that you were here. So, I decided to come here at doon ko na rin narinig na may nag-aaway sa dulo ng corridor."xnakita ko naman na tumingin si Ell kay Jung Suk.

I don't know parang may something akong nafe-feel.

Napangiwi ako dahil medyo napadiin ang paglalagay ng ice pack ni Hyun sa aking pisngi. Mukhang napansin niya ito kaya nag sorry siya sa akin.

"But why would Joon do that to them?" nagtatakang tanong ni Luis.

"Kapag ako talaga nakita ko yun makakalbo ko siya!" nanggigil na sinabi ni Rhea.

Humalakhak naman sina Ace dahil sa sinabi ni Rhea.

"Forget about her. Bagay naman sayo yang buhok." sabay gulo ni Taehun sa buhok ni Rhea.

"Eh, kung ikaw kaya ang kalbuhin ko?" naiinis na sinabi ni Rhea kay Taehun kaya natawa kami sa kanya.

Salakuyang nagtatawanan kami nang biglang nagsalita si Jung Suk.

"Because of jealousy, again.." sabay napatingin si Jung Suk kay Ell na tahimik lang.

Ilang minuto lumabas na rin kaming lahat sa clinic. Hindi na rin bumalik sina Chan at Shin nakakapagtaka nga, eh.

Narinig ko naman na kausap nina Rhea sina Taehun atsaka nakangiting umalis na ang mga ito. Humarap naman ako kay Ell atsaka ngumiti.

"Ell.. thank you, ulit."

"You know, Ella, nakailang thank you ka na sa akin." nakangiting umiiling siya sa akin.

"That's because kung 'di ka dumating, baka naging semi kalbo na ang buhok ko." biglang nagsalita si Rhea. "Atsaka ang laking coincidence na similar ang name niyo ni Ella, Ell." Natatawang sinabi niya.

Could This Be Love?Where stories live. Discover now