Chapter 22

32 0 0
                                    

CTBL - Red Velvet

Rhea's POV

Ayy! Nakakainip dito! Mabuti pa itong mga ibang nerd dito nag-e-enjoy kakabasa. Ano bang meron at walang gaanong tao sa mga classroom? Bwiset naman itong si Ella! Binabaan ako ng tawag. Mabuti pang magpasounds na lang ako.

Kinuha ko ang earphones ko at nilagay sa magkabilaang tainga ko. Hay, music world muna ako. Habang nagpapatugtog ako pinikit ko muna ang mga mata ko. You know, para feel ko ang kanta. Sabay ng pagpikit ko ang pagtap-tap ko sa aking lamesa gamit ang aking hintuturo.

"I knew I loved you then
But you'd never know
'Cause I played it cool when I was scared of letting go
I know I needed you
But I never showed
But I wanna stay with you until we're grey and old
Just say you won't let go
Just say you won't let go"

Sinabayan ko ang kanta pero saktong lakas lang ng boses ko ang aking ginamit baka mamaya pagtinginan pa ako ng mga nerds dito.

Maya-maya nagtaka ako kung bakit sa right side na lang ng tainga ko ang naririnig kong tumutugtog. Sira na naman ata ang earphones ko. Hinawakan ko ang kaliwang tainga ko at nagtaka na lamang kung bakit walang nakasulpak doon. Dinilat ko ang mga mata ko at napatingin sa left side ko.

Nagulat naman ako dahil nakapikit siya at nakaupo rin sa upuan habang nakalagay ang isang earphones sa kanyang kanan na tainga. Kanina pa siya dito? Ba't hindi ko man lang naramdaman na may nagtanggal ng earphones ko sa kabilang tainga?

Mukhang naramdaman niya atang gumalaw ako kaya napadilat din siya. Nag-iwas naman ako ng tingin sa kanya.

"Sorry, did I bother you?" tanong niya atsaka tinanggal niya ang nakasulpak na earphones sa tainga niya at ibinigay sa akin.

"Uhhh.. Hindi!" sabay kuha ko sa earphones.

"You picked a nice song, Say you won't let go." medyo natatawa niyang sinabi.

"W-Well, I was bored!"

Anong gusto niyang gawin ko dito? Makipag halubiruan sa mga nerds dito? Ask them questions like what's their favorite books? Gaano nila gusto ang algebra? Anong favorite nilang number sa electric fan? I maybe a Dean's listener, pero hindi ko gaano kalibangan ang pagbabasa.

Bigla naman siyang tumahimik kaya napatingin ako sa kanya. Parang may iniisip siya pero nakatingin siya sa akin. Nag-iwas na lamang ako ng tingin.

"Then, let's get out of here." sabay hawak niya sa papulsuhan ko at hinila palabas ng pinto

"Saan tayo pupunta?" Nagtataka kong tanong.

But all he did was smile. Napatigin naman ako sa kamay niyang nakahawak pa rin sa papulsuhan ko. I don't know why I am blushing. Parang 'di na ako nasanay na hinihila niya ang kamay ko.

Nagtaka naman ako at kung bakit nasa department kami ng mga HRM. Napadaan pa nga kami sa mga maraming taong nag-iingay dahil sa mistulang kumakanta. Wala nga akong maintindihan sa kanta, korean, eh.

Pumasok kami sa kitchen at walang katao-tao doon, malamang nasa labas silang lahat.

"Okay.. anong gagawin natin dito?" takang tanong ko.

Binitawan na niya ang papulsuhan ko at kumuha lamang siya ng apron atsaka nilagay sa kanya.

"Magluluto ka? Hindi ba tayo mapapagalitan niyan?" tanong ko atsaka kumuha rin siya ng isa pang apron at lumapit sa akin.

"Taas mo ang kamay mo." baliwala niya sa tanong ko. Nagtaka naman ako sa kanyang sinabi pero sinunod na lamang ito.

Sinuot niya ito sa akin at kinuha niya ang magkabilang tali atsaka tinali niya ito sa likod ko. Ang mukha niya ay nasa gilid ng aking mukha habang tinitignan niya ang kanyang tinatali. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Nang naitali na niya ito humarap siya sa akin.

"They're all outside hindi tayo mapapagalitan." after that nilayo na niya ang kanyang mukha atsaka pumunta sa gripo.

'Di ko alam na pinipigilan ko pala ang aking paghinga dahil namg huminga ako parang sumikip ang apron sa akin. Nagbalik ako ng diwang nang tinawag niya ang pangalan ko.

"Don't you want to wash your hands?" lumapit naman din ako sa sink atsaka naghugas.

"Ano bang lulutuin mo, Shin?" takang tanong ko.

"I'm gonna bake." sabay gulo niya sa buhok ko atsaka pumunta sa counter.

I don't know but somehow he made me smile.

Kumuha siya ng mga gamit para sa kanyang ibe-bake at mga ingredients. I saw how he beat the butter and sugar in a large bowl using an electrical mixer after that he put some eggs and other ingredients I didn't know what he put in kasi nakatingin na ako sa kanya. Serious ang kanyang itsura. Kung titignan natin siya, maliit siya, compared to his other members. Pero kung pagdidikit kami mas lalo pa rin siyang malaki sa akin. His eyes are a bit big pero kapag titignan mo ito they're like pitch black parang nakakatakot. He has a pale and smooth skin, but what's gotten my attention was his heart shaped lips.

Napahinto lamang ako sa kakatingin sa kanya nang bumaling siya sa akin. 'Di ko alam sa sobrang tagal kong nakatingin sa kanya naglalagay na pala siya ng flour at iba't ibang sangkap.

"Is there something on my face?" takang tanong niya habang nakakunot ang kanyang noo.

Namula naman ako sa kanyang tanong.

"Uhhhh..." tinignan ko ang flour na nakalagay sa bowl at dinip ko ang aking daliri at nilagyan siya sa ilong.

Gulat siya sa aking ginawa.

"Now there's something on your face." sabay halakhak ko.

Napahinto ako nang 'di siya kumikibo. Nakakunot lamang ang noo niya sa akin at parang naging malamig ang expression but somehow I feel like there's a hidden ghost smile on his face.

"Sorry." then, I made a peace sign.

Kinuha ko ang malinis na cloth sa tabi ng counter at tinapat sa kanya. Pero hindi pa niya kinukuha.

Hala parang flour lang naman, ah. Galit na agad? Patuloy kong inaangat sa kanyang mukha ito pero marahan niyang tinabig ang aking kamay. Nanlaki ang mata ko namg kumuha rin siya ng flour sa bowl atsaka nilagyan ako sa pisngi. Bumelat siya sa akin atsaka tumakbo palayo.

"Hoy!" Kumuha din ako ng flour at tumakbo papunta sa kanya. Naitabig ko pa ang bote na may laman na tubig doon pero pinanabayaan ko na lamang.

Natatawa akong hinahabol siya, well ganoon din naman siya. All we did was run around the kitchen parang ginawa nga naming track and field ito imbis na kitchen.

Eventually, huminto rin kami pero grabe punong puno kami ng flour sa mukha. Nailgay naman namin ang red velvet cupcakes sa oven. While we're waiting for it. Napatingin si Shin sa akin.

"Kukuha lang ako ng cloth para mapunasan natin ang mukha natin." aniya atsaka umalis.

Ilang minuto ang lumipas at naisipan kong tignan ang red velvet cupcakes. Naglakad ako papuntang counter para kunin ang pot holder. Pero nakalimutan kong basa pala ang sahig dahil sa mistulang naitabig ko ang tubig. Napapikit na lamang ako pero nagtataka ako kung bakit hindi pa ako nahuhulog. Dinilat ko ang mga mata ko at nanlaki ito. Nakahawak si Shin sa aking baywang at ang isa ay nasa aking batok. Aayos na sana ako ng tayo pero dahil talagang madulas ang sahig nadulas ulit ang isa kong paa kaya nahila ko ang batok ni Shin papalapit sa akin. Parehas nanlaki ang mgamata namin dahil... me and Shin are now.. accidentally kissing each other!

Could This Be Love?Where stories live. Discover now