Chapter 45

27 0 0
                                    

CTBL - Under The Moonlight

Ella's POV

Our kissed break and all of the people around us were crying, the fans actually. Narinig ko naman ang pang-aasar ng mga kagrupo nila Chan dahil sa ginawa namin.

Suddenly, embarrassment crept into me. Ngayon ko lang na realized na nakakahiya ang ginawa ko kanina. I didn't know what came over me, basta na lamang nagkaroon ng sariling utak ang mga paa ko atsaka naglakad papunta sa kanya.

Narinig ko naman na nagpaalam na sina Jung Suk dahil sa natapos na concert nila. There were other fans who took some pictures doon sa ginawa ko, some of them were crying and the others were just shocked. Hinawakan naman bigla ni Chan ang aking kamay at hinila na papunta sa backstage. Nakita ko rin na may iilang taong lumapit at parang kinausap si Rhea na mukhang staff dito.

Puro pag-aasar ang nangyari pagdating namin sa backstage, some of them congratulated us, even the staffs. Pero nakikita ko sa mata nila ang lungkot din nito. I know the consequence will come because of what I chose.

Nagulat naman ako nang biglang may humampas sa braso ko. Pagkalingon ko si Rhea pala. Nakangiti siya sa akin pero nakikita ko ang mga luha sa kanyang mga mata. I guess, she was also surprised because of what I did. Niyakap naman niya ako, kaya napangiti ako sa kanya at niyakap ko rin siya pabalik.

"Finally! Nabasag na rin ang pagiging NBSB mo.." mahina niyang bulong sa akin atsaka humagikgik.

Nang kumalas siya sa yakap agad ko siyang sinamaan ng tingin pero agad din kaming nagtawanan dalawa.

May naramdaman naman akong kamay na pumalupot sa baywang ko at pagtingin ko ay si ito Chan with his usual cold eyes but other than that, I can see happiness in it. Narinig ko naman tumikhim si Rhea kaya agad akong nakaramdam ng ilang.

Tumabi naman si Shin kay Rhea pagkatapos kausapin ang iba niyang kagrupo. Hinawakan naman niya ang kamay nito.

"Come on, let's leave them alone. I'm sure they have to do something private." nakangising sinabi ni Shin. Well, that's new. Ngayon ko lang nakitang ngumisi si Shin. Pero ano raw? Something private?

Pabirong sinapak naman ni Rhea ang braso ni Shin kaya ito natawa. "Anyway, congrats." ngiti niya at ambang hihilain na si Rhea pero kumalas si Rhea sa hawakan nila kaya agad kumunot ang noo ni Shin sa kanya.

"Teka.. May sasabihin lang ako kay Chan." ani Rhea atsaka lumapit ulit sa amin.

Sinenyasan naman niyang yumuko ng konti si Chan dahil maala namsan tower ang height niya. Yumuko naman si Chan at binitawan muna ang paghawak niya sa baywang ko. Nilapit naman ni Rhea ang bibig niya sa tainga ni Chan atsaka may binulong ito na nagpataas ng kilay ni Chan at unti-unting napalitan ng ngisi.

Parehong nakakunot ang noo namin ni Shin dahil sa bulungan session nila Chan at Rhea. Pagkatapos bumulong ni Rhea agad naman hinila ulit ni Shin ito sa tabi niya. He gave Chan a look tapos kay Rhea naman. Umirap lamang si Rhea kay Shin at nauna na itong naglakad  na agad naman sinundan ni Shin.

Napabaling naman ako kay Chan na nakangisi pa rin ngayon. Anong binulong ni Rhea dito?

"What did she said to you?" tanong ko sa kanya.

Tumikhim naman siya atsaka tumingin sa akin with a poker face but I can still see the smile behind that poker face.

"Nothing.."

Agad naman akong napasimangot sa sinabi niya. Nahagip naman ng mga mata ko si Hyun na nakatingin sa amin. Ngumiti siya ng isang malungkot na ngiti nang makita niya akong napatingin sa kanya.

Could This Be Love?Where stories live. Discover now