Chapter 3

62 0 0
                                    

CTBL - Here I Come

Ella's POV

Umalis na rin ako kaagad pagkatapos ng usapan namin ni Kuya Mj. Napahinga na lamang ako ng malalim. Sorry to say this Korea, I guess I can't accept the offer.

Habang naglalakad ako papuntang school biglang sumulpot sa harap ko si Rhea.

"ELLA!!" Hay ang ingay naman nitong bruha na ito.

"Oh bakit?" mahinahon kong tanong.

"Anong, oh bakit ka dyan? Iniwan mo ako kahapon dun sa unggoy na yun!" pagmamaktol niya sa akin.

"Tinext naman kita kahapon, ah. Atsaka busy ka masyado sa pakikipag-landian mo kay Josh." sabay irap ko.

"Anong landian ka diyan?! Tss! As if! Oo nga pala, yung scholarship natin ano na?" she said changing the topic.

"'Di ko na tatanggapin ang offer." walang gana kong sagot

"Huh? Bakit? So, ako lang mag-isa ang tatanggap doon? Hindi ba pumayag si Kuya Mj mo?" sunod sunod niyang tanong.

"Obvious ba?" Sarcastic kong sagot.

"Tss! Ako talaga hindi pwedeng hindi pumayag. Natanggal sa trabaho si Papa kaya sa ayaw man o sa gusto ko kailangan pumayag ako. Baka rin kasi mamaya magulat na lamang ako dahil papahintuin nila ako sa pag-aaral kahit na scholar ako dito sa St. Nicholas. Kaya this offer will be a great chance and opportunity for me at para walang intindihin sina Mama at Papa sa pag-aaral ko." mahabang explanasyon ang sinabi ni Rhea at sabay nito ang pagbuntong hininga niya.

"Natanggal sa trabaho si Tito?" gulat kong sinabi.

"Oo, eh." mukhang laki ng problema nito.

"Halika na nga, baka ma-late pa tayo!" biglang umaliwalas ang kanyang mukha atsaka hinila na lamang ako.

Tumango na lang ako at sabay na kaming pumasok sa school. Nang papasok na kami halos ang mga estudyante ay nakatingin sa amin at mukhang may binubulong pa sila.

Teka kailang pa kami pinagtsi-tsismisan ng mga estudyante dito?

"Grabe ang swerte nila." bulong ng isang kaklase namin.

"Shet na malagket nandoon yung asawa ko eh!!"

"Si Shin ang pogi no'n grabe!"

"Nag da-drugs ba ang mga estudyante dito?" bulong ni Rhea sa akin nang mapansin din siguro ang bulungan ng mga estudyante.

Pinagkibit balikat ko nalang ang tanong niya at pumasok na kami sa room namin. Ganyan ang paulit-ulit na narinig namin simula nang pumasok kami.

Pagkapasok namin ni Rhea sa room halos ang iba namin kaklase nakatingin sa amin, yung iba naka ngisi, yung iba parang kinikilig na ewan, at meron din naman wala lang pake. Umupo naman na kami ni Rhea sa upuan namin. Siya yung nasa harapan ko.

Maya-maya biglang may lumapit na isa sa mga kaklase namin sa amin.

"Diba, Ella, kayo ni Rhea ang nakatanggap ng scholarship sa Park University?" Tanong ni Rose ang kaklase namin na parang kinikilig.

Medyo nagulat naman ako dahil sa kanyang sinabi.

"Ahh.. oo, paano mo nalaman?" nagtataka kong tanong sa kanya.

Bigla naman na paharap si Rhea sa amin at nagtaas ng kilay kay Rose.

"Umm.. duh. Kalat na sa buong school yung tungkol dyan." sagot niya na para bang sinasabing, tanga na lamang ang hindi nakaka-alam niyan.

Could This Be Love?Where stories live. Discover now