Chapter 13

52 0 0
                                    

CTBL - Number

Rhea's POV

Kamusta na kaya ang dalawang yun? Nakatanggap kasi ako ng text galing kay Ella na mala-late daw siya ng uwi at nakatanggap din ako ng text galing kay Chan na hihiramin niya muna daw si Ella. Edi silang dalawa ang magkasama ngayon. Hindi pa naman siguro nagpapatayan yung dalawang yun, 'no?

Nandito ako ngayon sa apartment. Grabe nakaka-inip. Sarap mag suicide. Pero syempre joke lang yun. Sayang kasi wala si Ella pero okay na yun. At least lumabas sila ni Chan hihi.  Pero ewan, bigla ko naman naalala ko kung paano ko sinauli ang payong ni Shin.

Flashback..

"Hmm.. It's weird that Shin isn't here." sabi ni Yoon habang kasama ko siya sa counter.

1 week ko na rin kasing hindi nakikitang pumpunta si Shin dito. Hindi ko pa nga naiisauli ang kanyang payong dahil wala naman siya dito.

"Is he a regular customer?" Sabi ko habang pinupunasan ang counter.

Tumango lamang siya.

Pagkatapos ng trabaho nagpaalam na ako sa boss ko at kay Yoon. Pagkalabas ko nakaramdam naman ako ng pagpatak ng ulan, umaambon ngayon. Hindi ko na binuksan ang payong ni Shin. Oo, lagi ko kasing dala para maibigay na sana sa kanya. Habang naglalakad ako medyo nababasa na rin ang damit ko dahil sa ulan pero pinabayaan ko na lang. Malapit na rin naman ang apartmen,t eh.

"Para saan pa ang pinahiram kong payong sayo, kung hindi mo rin naman pala gagamitin?" nagulat ako nang may nagsalita sa tabi ko.

"S-Shin!" gulat kong sinabi.

"Where's the umbrella? I'm getting wet, too." sabi niya.

Agad ko naman nilabas ang payong niya sa loob ng aking bag at inabot sa kanya. Agad naman niya itong kinuha at binuksan.

"Let's go." yaya niya.

"Hindi na, Shin, malapit na rin naman ang apartment, eh."nahihiya kong sinabi.

Umirap lamang siya at inakbayan niya ako atsaka dinikit sa kanya para hindi ako mabasa sa ulan kahit ambon lamang ito. Namula naman ako sa ginawa niya. Tinignan ko siya at mukhang nagpipigil siya ng ngiti.

"Let's eat outside." hindi tanong ang kanyang sinabi kung hindi parang utos.

Hindi pa ako nakakasagot, naglakad na siya. Dahil syempre naka-akbay siya sa akin pati ako nasama. Maraming tumitingin sa amin baka anong isipin ng mga ito. Tinext ko rin si Ella na sa labas na ako kakain.

Pumunta kami sa isang maliit na restaurant 'di ko alam ang pangalan nito. Umupo kami sa malapit sa may bintana. Um-order na siya ng pagkain. Tinanong niya ako kung anong gusto ko dahil syempre wala akong alam sa pagkain nilang masarap sinabi ko na lang na kung ano sa kanya, yun din ang sa akin.

Pagkatapos niyang um-order bumaling na siya sa akin. Medyo naiilang ako sa kanya dahil titig na titig siya sa akin. Ilang minuto ang lumipas gano'n pa rin siya nakatitig pa rin sa akin.

"Why are we eating here, by the way?" tanong ko sa kanya para mawala naman ang pagka-ilang ko sa kanya.

"Nothing.." sabi niya nang hindi pinuputol ang titig niya sa akin.

"Ahh.. ba't nga pala wala ka ng 1 week sa coffe shop?" Rhea nang hihimasok ka na, ah. Ba't kailangan niya ba mag-explain sayo? Girlfriend ka? Girlfriend ka?

Nang mapagtanto kong nakakahiya ang tanong ko agad ko itong binawi sa kanya.

"Sorry, hindi ko sinasadyang tanungin yun." nahihiya kong sinabi.

Could This Be Love?Where stories live. Discover now