Chapter 60

18 0 0
                                    

CTBL - Regret

Ella's POV

Parang isang balde ng malamig na tubig ang bumuhos sa akin dahil sa kanyang sinabi.

"I know, Miss Ella, that I didn't have any good first impression to you. And I know, hindi na ako magkakaroon ng chance na pakita iyon, especially about what I've said to you." She said while looking at me straight in the eyes.

Mayamaya, nagulat naman ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko na nakapatong sa taas ng lamesa. Sandaling napatingin ako doon atsaka sa kanya.

"I know everyone of us have different hearts, mali nga lang na napunta ang puso ko sa taong mahal mo. But I think I know enough that you're nothing like me, that you're not selfish like me." ngiti niya ng malungkot sa akin.

"Y-You want me to let go of Chan?" Nakaramdam naman ako ng pagbabara sa aking lalamunan.

Marahan naman siyang tumango atsaka binitawan ang aking kamay at umupo na ng maayos. Bakit ganoon? Kung kailan handa na ang puso ko na patawarin, subukan muli, at mahalin siya, 'saka eepal ang tadhana? What did I ever done to get played with fate like this? Kailangan na lang bang lagi akong mamili kung magiging makasarili ako o hindi para sa taong mahal ko?

"I-I don't know.." kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko. "I'm not the one who should decide. This is between you and Chan. Siya ang sabihan mo niyan. I'm not the one who is holding his heart, he is. Dahil hindi ko alam kung ano ang nasa puso niya ngayon." I said and stood up.

Wala akong karapatan kung sasabihin kong akin siya, wala rin akong karapatan na pakawalan siya. Dahil sa una palang, wala naman kami. Yes, okay na kami, but that doesn't mean na kami na ulit. At kung meron mang kami, tama ba na ako lamang ang magdesisyon? Bakit nga ba ako dapat ang laging mamili kung kailan magiging selfish o hindi? There are other people who can choose between those two. Lagi na lang ba ako ang naiipit sa sitwasyon? Lagi na lang ba ako ang mamimili para sa amin ni Chan?

"I'm sorry, if I can't do anything with your ups and downs problem." I started to walk away, hanggang sa mapahinto ako dahil sa kanyang sinabi.

"What about you, Miss Ella? Sino bang nasa laman ng puso mo?" Sa hindi malaman na dahilan hindi ako nakasagot. Para bang may tumutulak sa puso ko na huwag sabihin ang tinitibok nito.

So in the end, I left. I left with no answer to her question. Dahil sa totoo lang, maging ako ay naguguluhan. Ayaw pa rin sumigaw ng puso ko kung siya pa rin ba ang nilalaman nito.

I went back to the condo. Nahiga ako sa kama na parang maliit na bata na takot na takot sa dilim. I wasn't prepared for anything like this, hindi ko na-imagine na mapupunta na naman ako sa sitwasyon na ganito. Kasi alam kong mapipigilan ko ang nararamdaman ko dito, I wanted to become heartless, pero bumibigay ang puso ko kapag nakikita kong nasasaktan ang mga mata niya. Gusto kong wala na siyang apekto sa akin dahil kapag na apektuhan na naman ako sa kanya, alam kong ako ang maiipit, katulad na lamang ngayon. I became weak, again. Pinangunahan ko na naman ang puso ko.

Napatingin naman ako sa aking cellphone dahil nakita kong umiilaw ito, hudyat na merong missed call o kaya naman may nag text sa akin. Kabukas ko sa aking inbox, halos ng text ay galing sa kanya.

Chan:

Was that enough?

Chan:

I didn't search that or anything, nalaman ko lang kay Noona.

Chan:

Let's grab some breakfast.

Chan:

Maryiella? Where are you?

Could This Be Love?Where stories live. Discover now