Chapter 32

30 0 0
                                    

CTBL - Family

Ella's POV

Nang makauwi na ako ng apartment, pagkabukas ko ng pinto naabutan kong nakaupo si Rhea sa dining table at mukhang may malalim na iniisip. Lumapit naman ako sa kanya at tinignan ang hawak hawak niya.

"Ano yan?" tanong ko. Mukhang natauhan siya kaya umayos siya ng upo.

Nakita ko naman na isang poster ang hawak niya. Isang babaeng napaka ganda at ang pangalan ay Lee Suzy. Bakit naman may poster itong babaeng ito?

"Ang ganda niya. Ba't may ganyan ka?" Sabay upo ko sa tabi ng upuan niya.

"Nasa school siya kanina at yun nagtanong sa akin tapos binigay ito.." sagot ni Rhea.

Tumango naman ako sa kanya.

"At siya rin ang ex ni Shin." mahina niyang sinabi.

Napatingin naman ako kaagad sa poster na hawak niya. Siya ang ex ni Shin? Ang ganda naman pala niya at isa pa pala siyang artista. Napatingin naman ako kay Rhea with a concern look.

"Okay ka lang ba niyan?" tanong ko.

Kaya napatingin naman siya sa akin ng nakakunot ang noo.

"Why wouldn't I be okay?" aniya atsaka tumayo na at pumunta ng kusina.

"Magluluto na lang ako ng ramen. Wala na rin kasing laman ang ref natin." sabi niya.

Okay lang naman kung ano muna ang lutuin ni Rhea busog pa naman ako sa mga pinaglilibre sa akin ni Chan. Napatingin naman ako kay Rhea na tahimik lang na nagluluto atsaka napatingin din ako sa poster na nakapatong sa lamesa.

Alam kong may problema si Rhea ngayon, hindi lang sa gastusin nila. Kahit na hindi niya sinasabi,.nakikita ko ito sa kanya. Hindi ko rin alam kung nakabuti no'ng sinabi kong hindi pa nakakapagmove on si Shin sa kanyang ex. Madalas kasi nakikita kong nagiging close yung dalawa pero hindi rin naman ako sigurado kung may nararamdaman si Rhea para kay Shin. Atsaka mahirap na kasi kung halimbawa man gawing pampalipas lang ng lungkot si Rhea, pero alam kong mabuting tao si Shin, hindi niya kayang gawin kay Rhea yun or sa iba man. But we can never be sure. Alam ko wala rin naman akong ma-a-advice kay Rhea dahil hindi naman ako expert na katulad niya. Diba nga NBSB ako, while Rhea, she already had 2 boyfriends kaso highschool pa kami noon pero ngayong college wala pa siyang nakakarelasyon. Hindi ko lang alam kung bakit hindi pa siya nakikipag relasyon. Lalo ng naghihintay si Joshua sa kanya.

Ako naman.. may mga nanligaw pero sadyang school talaga ang priority ko at ang family ko. Mahirap din kasing ipagsabay ang studies at ang pag-entertain sa mga nanliligaw. Hindi ko lang alam kay Rhea kung paano niya ginawa yun. Atsaka pampagulo lang ng isip kasi yang mga nanliligaw na yan, katulad nalang nila Chan at ni Hyun. See.. hindi lang utak ko ginugulo nila pati na rin ang friendship nila.

Naalala ko naman ang sketchpad na binigay pala ni Chan. Kinuha ko ito mula sa bag ko, hindi ko na kasi ito inalis sa loob ng bag ko simula no'ng naitanggap ko ito. Binasa ko ulit ang nakasulat doon "Don't stop doing the things you like" at yung sa baba nito ay yung hangul. Tinignan ko itong maigi at doon ko lang napansin na parehas ng hangul na ito doon sa pina-print na shirts namin ni Rhea.

Napabuntong hininga naman ako. Wala pa akong naii-sketch dito, wala rin naman akong inspirasyon para mag sketch ng damit.

Kinaumagahan nagulat ako dahil nasa labas si Hyun habang nakasandal sa kanyang sasakyan. Agad naman siyang tumayo ng maayos atsaka ngumiti ng nakita niya kami.

"Good morning!" ngiting bati niya.

Ngumiti naman ako, at tumango sa kanya si Rhea.

Could This Be Love?Where stories live. Discover now