Chapter 40

29 0 0
                                    

CTBL - I'm Fine

Rhea's POV

It's almost lunch time wala pa rin si Ella. Anong ginagawa no'n? Don't tell me masyado na siyang nalibang doon sa apartment at nakalimutan na niyang pumasok?

Kaya ang ginawa ko ay tinext ko siya kung bakit wala pa siya. Mabilis din naman siyang nakapag reply saying.. that she's going out with Tito and Kuya Mj. Ba't hindi man lang niya sinabi sa akin nagpa-excuse na naman siya? Oh, well! May excuse naman siya kaya wala siya ngayon, eh ako? Ano naman ang ie-excuse ko para hindi pumasok? Tss. Ahh.. oo nga pala, ayaw kong makita ang pagmumukha ng isang tao dito sa school ang kaso ganoon din kung hindi ako papasok.. Mas ayaw ko naman makita ang aabutan ko sa apartment. No, ayaw ko nga yun!

Nasaan na kaya yung walang hiyang Shin nayun? Talagang nagsama ang dalawa. Sige, magsama sila! Bahala sila sa buhay nila! Mukhang hindi pa naman sila nakakapag move on sa isa't isa. Urgh! Nakakainis!

Ambang sasara ko na ang locker ko nang biglang may nagtakip ng mga mata ko. Napahawak ako doon sa kamay na yun at amoy na amoy ko ang strawberry sa kanyang kamay. Sino ito? Tinanggal ko naman ang kamay niya atsaka humarap ng pagka-iritado sa kanya.

"Ano ba!" naiinis kong sinabi.

Agad naman niyang tinaas ang dalawa niyang kamay bilang pagtanda ng pagsuko atsaka tumawa sa akin.

"Chill, ang high blood mo naman ngayon Siopao." natatawang sinabi ni Min sa akin.

Sinapak ko naman ang kanyang braso kaya napadaing siya. "Ano bang kailangan mo?!" medyo iritado pa rin ang boses ko.

"Ikaw.."

Agad naman ako ngumuwi sa kanyang sinabi "Pwede ba, Min, umayos-ayos ka." sabi ko sa kanya atsaka tuluyan ng sinara ang locker ko.

"Ito naman hindi mabiro. Hinanap kasi kita kanina sa apartment but apparently maaga ka daw pumasok sabi ni Ella. As far as I know.. Wala ka naman klase ng seven." kunot noong sinabi ni Min.

Seriously? Lahat ba ng tao sa mundo alam nila kung ano ang schedule ko?

"Meron kaya, Min. Malay mo ba kung ano ang schedule ko." pagsisingungaling ko atsaka naglakad na.

Si Ella lang naman ang may alam tungkol sa amin ni Shin atsaka si Chan. Teka.. Meron ba talagang kami ni Shin? So, para saan ang mga words niyang tinapon sa akin noong sinabi kong gusto ko siya. Was it all a lie? Para lang mapagpatuloy niya ang pagselos kay Suzy? No.. I think I'm just being paranoid pero bakit hindi niya ako hinabol noong umalis ako? Ba't hanggang ngayon hindi ko pa rin siya makita dito sa school? Hinanap ba niya ako? Ano nagkabalikan na ba silang dalawa? Why is that every time I'm in a relationship, I always end up getting broken?

Pain attack my heart so fast because of my thoughts about him. Thoughts about imagining him with someone else and that someone else is not me.

"Siopao, ba't napahinto ka?" Sa sobra ko atang pag-iisip kay Shin 'di ko namalayan na napahinto na pala ako sa paglalakad.

"H-Huh?" I turned to him.

Nagtataka pa rin ang itsura ni Min sa akin. I was about to answer his question nang mahagip ng mga mata ko si Shin na naglalakad with his usual expressionless face pero.. hindi siya nag-iisa, he's still with Suzy, si Suzy na malawak ang ngiti sa kanya. Many students are looking at them, na parang kinikilig sila. I guess people are still hoping that they will get back together again.. Siguro malapit ng mangyari ang inaasahan nila.

Napatingin si Min sa aking tinitignan. Nasa malayo si Shin kasama si Suzy, while I'm here.. Watching them from afar.

"Oh.. Suzy is here?" medyo gulat niyang sinabi.

Could This Be Love?Where stories live. Discover now