Chapter 31

34 0 0
                                    

CTBL - Ex

Rhea's POV

Hindi ako gaano nakatulog kagabi dahil sa sinabi ni Ella. Ano bang gusto niyang ipahiwatig sa kanyang sinabi? Nakakainis lang. O baka iniisip niya na pampalipas oras lang ako ni Shin? You know.. madalas kasi sa mga nagre-rebound naghahanap lang ng kasiyahan para kahit papaano ay makalimutan ang pagkawasak ng puso. Pero sana naman bago nila gawin yan, isipin din nila yung taong nagbibigay saya sa kanila. Hay!

Habang naglalakad ako sa may hallway ang daming nagbubulungan. Jusko! Daig din pala ang tsismis dito sa Pinas.

"Omoo!! Jinjja?!"

"Why is she here?"

"She still looks beautiful!"

Yan ang mga naririnig kong bulong bulungan nila. Sino kaya tinutukoy nila? Nang paliko na ako, napahinto ako dahil sa isang babaeng napakaganda. Naka-sunglasses siya, denim shorts, nakapang puti naman na white shirt siya sa panloob ng kanyang denim jacket at ang 4 inches na suot niyang pumps. Sobrang kinis niya at napakabouncy ng black hair niya.

Napatingin siya sa akin at biglang naglakad papunta sa direksyon ko. Medyo nagulat pa ako. Bakit niya ako lalapitan?

"Do you know where is Do Shin Jae?" tanong niya.

Hindi ako nakasagot atsaka bakit hinahanap niya si Shin? Si Shin ba na ng Black Kings ang hinahanap niya? Malamang, siya lang naman ang Do Shin Jae dito. Hay. Napaka-angelic naman ng boses niya. Tinanggal naman niya ang sunglasses niya atsaka sinabit sa kwelyo ng damit niya. Ngayon nakita ko na ang mukha niya ng full. Hindi ganoon kasingkit ang mga mata niya. Ang masasabi ko lang ay maganda siya! Lakas nitong pababain ang self-esteem ko.

"Hello? Do you know where's Shin?" tanong niya ulit.

Teka nga lang! Ba't akin niya tinatanong kung nasaan si Shin? Ako ba ang google map dito?

"I know where he is! He's in the library!" sigaw no'ng isang babae.

Tumingin naman sa akin yung babae at bago umalis may inabot sa akin na poster? Aanohin ko ito? Naririnig ko naman sumisigaw sigaw ang mga ibang students dito. Kumunot naman ang noo ko at binasa ang pangalan niya.

"Lee Suzy?"

"Omoo! You're so lucky! You know that poster is so hard to find." sabi naman no'ng babaeng kabuhok ni Bok Joo.

Habang naglalakad ako, pinagmasdan ko ang itsura niya. Artista pala siya kaya pala ang ganda niya. Bakit ganoon? Ang lakas niyang magpababa ng self-esteem ng tao. Atsaka bakit si Shin ang hinahanap niya?

"Ya! Siopao!" biglang gulat sa akin ni Min kaya nabitawan ko ang poster.

"Bwiset ka!" naiinis kong sinabi sa kanya kaya humalakhak siya at pinulot ang poster, pero unti-unting napawi ang tawa niya at napalitan ito ng pagkakunot ng noo.

"Why do you have this?" tanong niya kaya kinuha ko kaagad sa kanya ang poster.

"Bakit? Crush mo siya?" tukso ko sa kanya.

Umiling naman siya sa akin.

"That's Shin's ex.." hindi ko alam kung bakit bigla ako napahinto sa sinabi ni Min.

Ex? Siya ang ex ni Shin? Siya ang sinasabi ni Ella na hindi pa makapag move on si Shin? Siya ang mahal ni Shin hanggang ngayon? Pero bakit hinahanap ni Lee Suzy si Shin? Para makipagbalikan?

Ano ba ito. Bakit sumasakit ang dibdib ko?

"Gwaenchana?" tanong ni Min sa akin.

Kaya pumilit ako ng ngiti atsaka tumango. Lutang ako halos lahat sa subjects ko hanggang sa nasa coffee shop ako lutang pa rin ako.

Could This Be Love?Where stories live. Discover now