Chapter 6

78 0 0
                                    

CTBL - Cold Arrogant Monster

Ella's POV

Pagkatapos namin pumunta ni Rhea sa Park University naghanap muna kami ng mapapasukan ng part time job. Ako muna ang nauna sa paghahanap ng mga fast food chain dito. Habang naghahanap kami nakakita ako ng isang papel na nakadikit sa glass door sa isang medyo maliit na fast food chain, tinignan namin kaso 'di kami nakaka-intindi ng korean kaya pumasok na lang kami ni Rhea sa loob ng FFC (Fast Food Chain) marami rin palang kumakain dito.

May nakita akong isang crew na mukhang Pilipino na nagpupunas ng lamesa, siya nalang ang tatanungin ko.

"Umm.. excuse me." sabi ko sa kanya.

"Yes, Ma'am?" tanong niya.

"Pilipino ba kayo?" tanong ko.

Nagulat naman ata siya dahil sa tinanong ko.

"Ahh.. opo, anong maitutulong ko sa inyo?" medyo nahihiya niyang tanong.

"Gusto ko lang sanang tanungin kung ano ang nakalagay sa harap ng glass door niyo?" sabay turo ko doon sa pinto.

"Ahh.. yun po? Naghahanap din po kasi kami ng isa pang crew, nagresigned na po kasi yung dati naming kasama, eh." sabay tuloy niya sa kanyang pagpunas sa lamesa.

"Gusto ko sanang mag-apply." sabi ko.

"Ahh.. sige po. Samahan ko na po kayo sa manager namin. Teka, pati rin po yang kasama niyo mag-a-apply?" sabay turo niya kay Rhea.

Umiling lamang si Rhea sa kanya.

Habang naglalakad kami papunta sa manager nila nagpakilala siya sa amin. Siya pala si Alex matagal na pala siyang naninirahan dito, wala na pala ang kanyang mga magulang kaya nagsisikap nalang siya dito sa Korea.

"Umm.. Manager Lee." medyo nag-aalinlangan niyang tawag.

"Yes?" tanong nang isang matandang koreano sa amin na siguro nasa late 50s na ito.

"There is someone who wants to apply for the job." sabi ni Alex.

"Hmm.. who?" tanong ng Manager niya.

Pinakilala naman ako ni Alex sa kanya.

"This Ella umm.. My friend?" medyo alinlangan niyang sinabi.

"She would like to apply, Manager Lee."

Tinignan naman ako ng Manager nila Alex dito hinead-to-foot pa niya ako.

"Do you have any experienced in working for a fast food chain like this?" tanong niya at nagtaas ng isang kilay.

Tumikhim naman itong si Rhea.

"Ahh.. actually, Sir, this will be my first time to work in a fast food chain, but I promise you, I can work hard." sabi ko sa kanya.

"Hmm.. you look like a college student."

"Yes, sir. I'm 2nd year college now."

"So, a working student?"

Tumango ako.

"If I'll get hire in this job." sabi ko.

"Okay, then, you're hired." ngumiti siya. "I'll give you a chance."

"Yes, sir! Thank you!" sabay ngiti ko.

Nagpasalamat din ako kay Alex dahil sa tulong niya. Ngayon, si Rhea naman ang tutulungan ko sa paghahanap ng Coffee shop na mapapasukan niya.

Could This Be Love?Where stories live. Discover now