Chapter 11

52 0 0
                                    

CTBL - Bola

Ella's POV

Nag-angat ako ng tingin dahil sa kanyang sinabi at naabutan kong palapit nang palapit ang kanyang mukha sa akin. Nagkadikit ang ilong na namin at naestatwa ako dahil doon. Konti na lang at magdidikit na ang labi namin nang biglang may bumukas ng pinto at bumangad sa amin ang kaklase ko kasama ang janitor. Kaya sabay kaming napatingin doon.

"Naega dangsin ege chamjo!"(See,I told you!) sabi niya sa janitor at sabay turo sa akin. Nang makita niya ang posisyon namin ni Chan agad niyang binaba ang kanyang nakaturong daliri sa akin.

Nang napagtanto ko yung posisyon namin agad-agad ko siyang tinulak.

Nagbow ako at nagpasalamat kay anong pangalan kasi no'n? Eun Bin?

"Thank you." at nagmadali akong umalis. Narinig ko pang nagpasorry si Eun Bin kay Chan.

Like, what the heck just happened? Hahalikan ba niya ako? Umiling na lang ako sa aking mga naiisip at tumakbo na para puntahin si Rhea. Siguradong mag bubunganga na naman yung bruhang yun.

Nang medyo malapit na ako huminto na ako sa pagtakbo at nakita kong tulala si Rhea habang nakaupo sa bench. Nilapitan ko siya. 'Saka lang ata bumalik sa mundo si Rhea nang kinalabit ko siya.

"Rhea, I'm sorry. Ummm.. tinulungan ko pa kasi si.. Eun Bin sa mga gamit niya." sabi ko at ready na ang tainga ko sa kanyang pagrereklamo.

Hindi ko sasabihin sa kanya ang nangyari sa amin ni Chan. Err.. well, mamaya alam ko naman na wala akong takas dahil paniguradong maghahanap ng eksplanasyon yan. Alam ko naman na hindi naniwala sa sinabi ko kanina dyan. Pero hindi ko sasabihin na muntik na kaming mag kiss? Teka hahalikan ba niya talaga ako? O ilusyon ko lang yun?

Nagulat ako ng tumango lamang siya at nag-iwas ng tingin. Medyo namula pa siya. Meron bang nangyari kanina dito? Tinaasan ko siya ng kilay at mukhang napansin naman niya ang pagtaas ko ng kilay kaya bumaling siya sa akin.

"What?" pataray na tanong niya.

Mas lalo ko tinaas ang kilay ko.

"Tss. May kasalanan ka pa, Ella. Huwag mong ibigay sa akin yang pataas taas na kilay mo na yan at baka ma-ahit ko yan." irap niya.

"Ok, fine, fine."

"Anong okay, fine, fine ka dyan? Ililibre mo ako ng spicy rice cakes para mawala yang sala mo sa akin." sabay hila niya sa kamay ko at umalis na kami.

Ayun nilibre ko nga siya at syempre dahil dakilang tsismosa itong isa kinwento ko ang nangyari. Dahil sa kwento ko ayun bugbog sarado ako dahil sa kakiligan niya.

Lumipas ang linggo, okay naman ang pag-aaral namin dito ni Rhea. Except sa may kilala akong cold arrogant monster dito. Hindi ko na rin siya kinakausap simula no'ng nangyari sa Janitor's Closet. Bakit? May dapat ba kaming pag-usapan? Kaya puro iwas ako sa kanya. Ang madalas kong kasama ngayon ay si Hyun. Kaya pala absent siya noon ay hinatid daw niya ang pinsan niya sa airport, pauwi atang Pilipinas.

"Okay, class, I'm going to announce your partner for the project." sabi ni Prof. Kang.

"Okay, Eun Bin and Sung Jae." announce ni Prof.

At yun bla bla bla na..

"And finally Park Chan-Woo and Maryiella Anne De Jesus." nagulat ako ng konti dahil sa in-announce ni Prof.

Seriously? Kami?! Napatingin naman ako sa katabi ko at nakita kong seryoso lamang siyang nakatingin sa harap. Napatingin naman ako sa pwesto ni Joon at nagbigay ng "umayos-ayos ka" look. Bahagya akong napalunok hindi dahil kay Joon, dahil ito kay Chan. May pake ba ito sa pag-aaral?

Could This Be Love?Where stories live. Discover now