Chapter 30

40 0 0
                                    

CTBL - Bro Code

Ella's POV

Nag mall pa kami pagkatapos namin kumain sa Dessert World. Masayang kasama si Ell may pagka-kalog siya at nasasabi kong nagiging close na kami ni Rhea sa kanya. Hindi rin naiiwasan na maraming nakakakilala sa kanya. Marami rin kaming nalaman tungkol sa kanya. Matanda lamang siya sa amin ng isang taon, nag ii-stay siya dito ng 2 weeks kada isang buwan, na i-kwento niya rin kung paano niya nakilala si Jung Suk dahil daw doon sa isang kaibigan niya na adik na adik daw sa Black Kings kaya ayun doon na nagstart, the rest is history na.

Naglalakad lakad lang ako dito sa loob ng Park University dahil break ko, may klase pa kasi si Rhea kapag ganitong oras kaya loner ako. Si Hyun? Ewan ko. Sa pagkakaalam ko break din niya ngayon pero kung makakasama ko siya ngayon I'm sure ma-awkward lang kami. Napabuntong hininga naman ako, sana wala na lang naging aminan na nangyari, edi sana okay pa kami.

Pumunta na lamang ako ng cafeteria para matanggal ang pagkabored ko. Kakain na lang ako, mabuti pa. Bumili lang ako ng sandwich atsaka umalis na ako naghanap na lang ako ng bench na mauupuan. Nang makahanap ako, umupo na ako habang tinitignan ko ang mga ibang estudyanteng naglalakad. Sinimulan ko na rin ang pagkain ko ng sandwich. Nakalimutan ko pala bumili ng tubig, ambang tatayo na ako para bumili nang may nag-abot na sa aking harap. Tumingala ako at medyo nagulat. Ginalaw niya ulit ang water bottle na parang sinasabi niyang kunin ko na kaya dahan dahan ko na lamang itong kinuha.

"Thank you.." sabi ko at umupo naman siya sa tabi ko.

Mga ilang minuto ang lumipas pero tahimik pa rin kami. Dati siya mismo kinukulit niya ako. Bakit kaya siya tahimik? Pero siguro maganda na rin ito, wala rin naman akong masasabi sa kanya.

"Are you uncomfortable that I'm here?" biglang pagbasag niya sa katahimikan.

Napatingin naman ako sa kanya pero nakatingin lamang siya sa harap niya.

"No, Hyun." Medyo alinlangan ko pang sinabi.

I'm not uncomfortable. Hindi lang ako sanay na ganyan siya.

"About the other day–" agad ko naman pinutol ang kanyang sasabihin.

"Are you sure that you like me?" tanong ko.

Maybe dahil lagi lang kami magkasama kaya niya nasabi yun. At kung totoo man din ang nararamdaman niya is he willing to accept that their fans will leave the fandom again? Kasi ayaw ko mangyari sa kanila yun, even though I only like Hyun as a friend.

Napatingin naman siya bigla sa akin.

"Oo naman, bakit? Si Chan ba ang gusto mo?" nakita ko naman ang lungkot sa kanyang mga mata.

Napatulala naman ako sandali. Si Chan? Gusto ko nga ba siya? Alam ko meron mga oras na bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nakikita ko siya pero.. 'di ko alam. Wala lang siguro ito, mabilis din kasi ako ma-attract sa isang tao.

Umiling naman ako kay Hyun at parang medyo guminhawa ang kanyang nararamdaman.

"Then.. Let me like you, I'm not asking you to like me back. Baka bonus na lang sa akin kung mahulog ka sa akin." napa-iwas naman ako ng tingin kay Hyun.

B-Bakit ako pa? Hindi ko na lamang sinagot si Hyun, wala rin naman akong masabi sa kanya kaya tumahimik na lamang ako. Hinatid na lamang ako ni Hyun sa susunod kong class kaya hinayaan ko na lamang siya.

Nagbigay lamang din ng topic ang professor namin tungkol sa pag test namin. Ayy malapit ng matapos ang 1st semester namin. Kalabas ko ng room nagulat ako nang may biglang humila sa aking kamay.

Could This Be Love?Where stories live. Discover now