Chapter 56

15 0 0
                                    

CTBL - Condo

Ella's POV

Matapos ang tatlong araw na bakasyon namin, umuwi na kami. At ang natitirang isang araw na pag stay namin doon ay sinikapan kong hindi magpakita kay Chan. Hindi naman na rin siya ulit nagtanong matapos ang nangyaring pag-uusap namin kagabi. Si Rhea naman ay tuluyan na kaming hindi nagkibuan, kung dati ay kahit papaano ay nagagawa niyang ngumiti ng tipid sa akin, ngayon ay hindi na.

Napabuntong hininga na lamang ako habang inaayos ang aking gamit sa pag gawa ng gown ni Eonni. Meron naman akong sapat na kagamitan at ang iba ay binili naman ni Hyun dito. Ilang araw na rin ang lumipas simula ng makauwi kami galing Jeju Island. At ang mga araw na yun ay lagi lamang akong nasa loob ng condo unit ni Hyun, hindi na rin ako lumalabas dahil itinutuon ko na lamang ang oras ko sa gown. Hindi ko na rin nakikita si Chan dahil kung pupunta man ako sa kanila para kausapin si Eonni tungkol sa gown, wala siya. Dahil nag stay siya kina Rhea, mabuti na rin sa akin yun para hindi na rin nagku-krus ang landas namin. Ayaw ko na kasi ulit siyang makaharap pagkatapos no'ng usapan namin sa beach, simply because I don't want to do something I'll regret again.

Nag stretch naman ako sandali dahil medyo nangangalay na ako sa pagkaupo. Naramdaman ko naman na kumalam ang aking tyan, kaya naisipan kong pumunta ng kusina para tignan kung anong pagkain ang meron ako doon. Dismayado naman ako nang makitang puro tubig lamang ang laman ng ref at kimchi na pinadala sa akin ni Hyun. Next week, yayayain kong mag grocery si Hyun. Madalas kasing pinapadalhan niya ako ng pagkain from breakfast to dinner. Minsan nahihiya na nga ako kay Gomo dahil sa mga pagkain na niluluto niya. Pero nagpapasamalat din ako sa kaniya, kasi hanggang ngayon hindi pa rin ako marunong magluto.

Nang kumalam ulit ang aking tyan, nagpasiya na lamang akong lumabas at bumili sa pinakamalapit na convenience store para bumili ng cup noodles. Tinignan ko naman ang aking orasan at alas dose na ng hating gabi. Gosh, wala naman sigurong mangingidnap o multong magpapakita sa akin.

Lakad lamang ako ng lakad, hanggang sa makabili na ako. Meron pa palang ibang tao dito kaya medyo nawala ang takot ko. Pabalik naman na ako sa condo, dala-dala ang cup noodles, cookies, mga chips at drinks para mabusog na talaga ako. Nang nasa loob na akong elevator paakyat sa condo unit ni Hyun, nakakaramdam nanaman ako ng takot. Bwiset, bakit kailangan kasing ako lang mag-isa dito sa loob? Atsaka kailan ba ako magkakaroon ng neighbor sa tabi ng condo ni Hyun? Para kahit papaano sana kampante akong hindi lang ako nag-iisa.

Nang makalabas naman na ako sa elevator, napakunot kaagad ang noo ko dahil sa nakikita ko. Merong dalawang lalaki na parang binubuksan ang katapat na condo unit ni Hyun, hindi ko naman makita ang mga mukha nila dahil nakaharang ang isang malaking outdoor plant sa tabi ng pinto. Napansin ko naman na meron pa silang kasamang isa na nakaakbay sa kanila, mukhang walang malay pa ito.

I got a little nervous when I saw how frustrated they were trying to enter the passcode, pero mukhang hindi nila ito mabuksan. I was about to turn around and head back to the elevator pero napalingon sa akin ang isa sa kanila kaya kaagad nanlaki ang mga mata nito. Hindi ko naman naiwasan ang mapasigaw kaya pati ang isa nilang kasama ay napalingon na sa akin.

"Wait, Ella! It's us!" dinig kong sigaw ng isang familiar na boses sa akin kaya napahinto ako sa pag sigaw.

I step a little forward to see them and in instant,, I felt relief when I saw it was only Min and Seung In. Pero anong ginagawa nila dito? And why are they trying to open the door? Naglakad naman ako papalapit sa kanila para tanungin sila, nang makita ko ang walang malay na si Chan na akbay-akbay nila.

"Anong nangyari?" naguguluhan kong tanong.

"Naglasing nanaman kasi si Chan, so kami na ang naghatid ni Seung In sa kanya." sagot ni Min at inayos ang paghawak kay Chan.

Could This Be Love?Where stories live. Discover now