Chapter 5

61 0 0
                                    

CTBL - Korea

Ella's POV

Kauwi ko galing school nahiga kaagad ako at natulog, dala siguro ng pagod? Ay ewan ko. Bukas pala sasabihin ko kay Papa at Kuya Mj kung kailan ang alis ako.

Kina umagahan maaga akong nagising hindi pala ako nag dinner kahapon kaya pala sobra ang pagkagutom ko. Kaya agad akong lumabas ng kwarto para kumain, wala kasi akong pasok ngayon. Well, actually kami lang ni Rhea ang wala dahil pinagpahinga muna kami at para makapag-ayos ng gamit dahil bukas na ang alis namin papuntang Korea.

Pagkalabas ko ng kwarto na amoy ko ka agad ang bango ng niluluto sa kusina kaya pumunta ako doon. Nakita ko naman si Kuya Mj na nagluluto siya ng fried rice, hotdog at itlog. Narinig niya siguro ang mga yapak ko kaya napalingon siya sa panonooran ko, ngumiti siya sa akin.

"Good morning, baby girl." bati niya at niyakap niya ako.

"Good morning din, Kuya Mj." bati ko rin sa kanya.

"Ang aga mo ata nagising ngayon." sabi niya at tinuloy ang kanyang pagluluto.

Oo nga pala, ngayon ko sasabihin kay Kuya Mj ang pag-alis ko bukas.

"Umm.. Kuya Mj, tungkol pala sa Korea yung pag-alis ko." sabi ko.

"Hmm?"

"Bukas na daw ang alis namin kaya 'di na kami pinasok ni Miss Buenaventura." sabi ko sa kanya.

Pinatay na niya ang kanyang niluluto at bumaling sa akin.

"Ba't ngayon mo lang sinabi? Edi sana nakapag leave ako sa trabaho ko para makapag bonding tayo." medyo disappointed yung itsura niya.

"Sorry, Kuya Mj, kahapon ko lang din nalaman." atsaka niyakap siya.

"Anong oras ba ang flight mo?" tanong niya.

"8:00 a.m, Kuya Mj." sagot ko.

"Sige, magle-leave muna ako bukas para maihatid ka namin ni Papa sa airport." ngiti niya.

Tumango ako at niyakap siya nang mahigpit, napabitaw ako sa pagyakap nang marinig ko ang yapak ni Papa papunta sa amin.

"Ano nanaman ba yan? Nag-away ba ulit kayo?" Takang tanong ni Papa.

Umiling si Kuya Mj at hinarap si Papa.

"No, Pa, bukas na ang alis ni Ella papuntang Korea." sabi ni kuya kay Papa.

"Bukas na agad? Mami-miss ko ang baby girl namin niyan. Nakapag-ayos ka na ba ng gamit mo?" tanong ni Papa.

Umiling ako.

"Hindi pa po, Pa, mamaya na lang siguro."

Tumango na lang si Papa at kumain na lang kami. Pagkatapos kong kumain dumiretso na ako sa kwarto ko para tawagan si Rhea.

Dinial ko ang number ni Rhea, naka-tatlong ring na at doon pa lang niya sinagot ang tawag ko.

"Hello." boses bagong gising siya, ah.

"Rhea?"

"Oh, Ella, bakit?" humikab pa ang bruha.

"Nasabi mo na ba sa magulang mo ang pag-alis natin bukas?" tanong ko.

"Ah, oo, kagabi pa. Medyo naiiyak pa nga sila mama, pero syempre wala silang magagawa. Sabi ko nga huwag na lang sila sumama sa paghatid sa akin sa airport dahil baka kapag nakita ko silang umiiyak mapaatras na lang ako." Narinig kong nagbuntong hininga siya.

Could This Be Love?Where stories live. Discover now