Chapter 17

46 0 0
                                    

CTBL - Flood

Rhea's POV

Grabe! Ang lakas talaga ng ulan. Mabuti na lang at walking distance lang ako sa apartment. Kanina pa akong uneasy dahil kanina pa akong tinitignan ni Shin. Ano ba yan. Sinabi pa sa akin ni Yoon na ako daw kumuha ng order niya. Kaya ayun habang papunta ako sa table niya nakayuko ako.

"What's your order, Sir?" Tanong ko habang nakayuko.

"You?"

Nanlaki naman ang mata ko kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Nakita ko naman na nagpipigil siya ng ngiti.

"What I meant was what about you? What do you like to order?" nakangisi niyang sinabi.

"Well, as you can see, Sir, I'm still working. So, I can't take any order for now?"

Tumango-tango naman siya.

"I'll have two cappuccino, then." aniya kaya tumango ako at aalis na sana.

"Take out." pahabol niya atsaka umalis na ako para gawin na ang coffee niya.

Two? Para kanino naman yung isa? At dapat sana sa counter na lang siya nag-order kung magta-take out lang pala siya. Hay. Pinagkibit balikat ko na lamang yun at ginawa na ang coffee niya. Nang ibigay ko na ang order niya nakatingin nanaman siya sa akin. Sinabi ko rin sa kanya na sa counter na lang siya magbayad. Pero 'di man lang niya ako sinagot kaya kinuha ko na lang ang ibang order ng mga customers. Minsan sumusulyap ako sa kanya at nahuhuli kong nakatingin siya sa akin. Ano pang ginagawa niya dito? Eh, naka-order na siya. May balak ba siyang inumin ang kape niya? O baka naman may hinihintay?

Maaga-aga rin kaming natapos sa trabaho dahil na rin diyan sa bagyo. Nagsi-alisan na yung iba kong kasama. Ako naman ay naghihintay na humina ng konti ang ulan. Wooh! Ang lamig! Bubuksan ko na sana ang payong ko nang biglang may sumulpot sa tabi ko

"Malakas ang hangin baka masira lang ang payong." sabi niya.

Nagulat naman ako dahil nasa tabi ko na pala siya. Mukhang tama naman siya baka masira nga lang ang payong ko (na bigay niya).

"Hahatid na kita sa inyo." aniya.

Agad-agad naman akong umiling.

"H-Hindi na, Shin. Malapit lang naman ang sa amin, diba?" sabi ko ng hindi makatingin sa kanya.

"Tss. Don't be stubborn." aniya at pinatunog ang kanyang kotse atsaka ako pinagbukas ng pinto. Nabasa ako ng konti pero dahil nasa loob na ako ng sasakyan niya hindi na ako nabasa. Sasara na niya sana ang pinto ng sasakyan nang sumulpot si Yoon.

"Hey, Rhea, are you going somewhere? The other roads of the street are flooded now." aniya at nahihiyang nag bow kay Shin atsaka umalis para pumara ng taxi.

Napabaling naman ako kay Shin na nakatayo pa rin sa harap ko at basang basa na. Sira ata ito? Ba't di pa siya pumasok? Mukhang nagbalik diwang siya kaya sinara na niya ang pinto at umikot na para makapasok sa driver seat. Pinaandar naman na niya ang kotse.

"Shin, basang basa ka na." sabi ko ng nakita kong nanginginig na siya sa lamig.

"No, okay lang naman ako." aniya.

Hindi pa rin ako mapalagay dahil nakikita ko siyang ganyan. Mga ilang minuto nasa apartment na rin kami. Pinark na niya ang kanyang kotse. Nakita ko naman na nanginginig na ang kanyang kamay dahil sa lamig at basang basa pa siya.

"Shin, pumasok ka muna sa loob." sabi ko pero umiling,iling lamang siya.

"Hindi, hinatid lang kita uuwi na rin ako." ngiti niya.

Could This Be Love?Where stories live. Discover now