Chapter 10

54 0 0
                                    

CTBL - Locked

Ella's POV

Marami kaming pinuntahan ni Hyun at bumili pa kami ng spicy rice cakes. Masarap din siya. Binilhan ko rin si Rhea ng spicy rice cakes para pasalubong.

"Okay, here we are." sabay patay ng makina ni Hyun sa kanyang kotse.

Nasa tapat na kasi kami ng apartment. Natapos na kasi ang aming lakad at pagtingin ko sa aking wrist watch ay alas siyete na.

"Thank you for today, Hyun." ngiti ko at sabay kalas sa aking seat belt.

"No problem, hatid na kita sa taas." aniya at ambang tatanggalin na niya ang kanyang seat belt.

Kaya agad-agad akong umiling sa kanya.

"No, I'm fine. Kaya ko naman, eh." ngiti ko sa kanya at binuksan na ang pinto. Kumaway naman ako sa kanya bago ko sinara ang pinto.

Tumalikod na ako nang biglang tinawag niya ang pangalan ko kaya napalingon ako sa kanya. Nakita kong nakababa ang bintana ng front seat at nakatingin siya ng diretso sa akin.

"Let's do it again sometime.." ngiti niya.

Tumango naman ako.

"Sige, pero isama na natin si Rhea." suhestiyon ko baka kasi bigyan ito ng kahulugan ni Rhea kapag napansin niyang lagi kaming magkasama basta napaka-usisera no'n.

Humalakhak si Hyun. "I doubt na makakasama siya next time."

Nagtaas naman ako ng kilay sa kanya. Bakit naman hindi?

"At bakit naman?"

Umiling lamang siya ng nakangisi.

"Nothing, pumasok ka na sa loob." sabay kaway niya.

Kumaway na lang din ako kahit naguguluhan sa kanyang pinagsasabi. Minsan ang hirap din nitong ispellingin.

Pumasok na ako sa loob ng apartment bitbit ang spicy rice cakes na pasalubong para kay Rhea. Kapasok ko doon nakita ko siyang naghuhubad ng sapatos at nakapang uniform siya na waitress ng coffee shop. Mukhang kararating lang din ng isang to.

"Mabuti bumalik kapa, akala ko nagtanan na kayo ni Hyun, eh." aniya.

Umirap lang ako at nilapag ang spicy rice cakes sa lamesa.

"Ano yan?" tanong niya at lumapit siya doon para tignan ang nasa loob ng plastic.

"Spicy rice cakes." sabay upo ko sa sofa.

Kumuha naman siya ng tinidor para matikman ito.

"Hmm.."

"Omg!!! Ella, ang sarap talaga!" sabi niya na para bang na love at first sight siya sa spicy rice cakes.

"Nagustuhan mo?" tanong ko.

Tumango-tango lang siya at nilantakan na ang spicy rice cakes. Akala ko 'di niya magugustuhan, ako kasi 'di ko siya gaano trip pero masarap naman siya.

"Ba't pala naka uniform ka pa ng pang waitress?" Takang tanong ko.

"Uhh.. nakalimutan ko kasi magdala ng damit pamalit, eh." sabay nguya niya sa pagkain.

Tumango tango na lamang ako.

Maaga akong nagising shet na malagket! May pasok nga pala ako ngayon. Agaran din akong nag-ayos para makapasok, ginising ko na rin si Rhea para makapag-ayos. Minura pa ako ng bruha kung bakit kailan daw ako nakapag-ayos 'saka ko daw siya ginising. Nawala rin kasi sa isip ko na may pasok din pala siya.

Could This Be Love?Where stories live. Discover now