Chapter 23

33 0 0
                                    

CTBL - Picking Up

Ella's POV

"Ella, pakikuha naman no'ng order sa table 8. Mag cr lang ako." pakiusap ni Alex sa akin.

Tumango naman ako atsaka pumunta na sa table 8, hindi naman gaano karami ang customer namin ngayon kaya keri boom boom naman namin, hindi katulad dati. Pagkatapos kong kinuha ang order nila, pumunta na ako sa counter atsaka sinabi na ang order noong customer. Bigla naman nag vibrate ang aking phone kaya kinuha ko ito.

Kuya Mj calling..

"Hello?" bungad ni Kuya Mj sa akin.

"Hello din, Kuya Mj. Napatawag ka?" tanong ko habang hinihintay yung order.

"Bawal na atang mangamusta ngayon sayo, baby girl?" patampong sinabi ni Kuya Mj.

Napatawa naman ako.

"Hindi naman, Kuya Mj. Miss na nga kita, eh." paglalambing ko.

"Silly.. pero kamusta ka na nga diyan?" tanong ni Kuya Mj.

"I'm okay, medyo nag-aadjust pa rin sa weather nila dito. Kayo, Kuya Mj, kamusta na kayo ni Papa?"

"Okay kami ni Papa dito. Ella, if something really happens to you, uuwi ka agad ng Pilipinas, ah?" seryoso niyang sinabi.

"Ella, take the order now." sabi sa akin no'ng pinagsabihan ko ng order sa counter.

Tumango naman ako.

"Sige na, Kuya Mj, ibaba ko na itong call. Working hours pa kasi ako, ingat kayo diyan. I miss you."

"Sige, baby girl, ingat ka rin. I miss you, too." after that pinatay ko na ang tawag.

Kinuha ko na ang order na nasa counter atsaka dumiretso na sa table 8 nagbow na ako atsaka pupunta sana sa authorized room nang mahagip ng mata ko na may pumasok sa loob ng FFC na dalawang lalaki. Si Hyun at yung ka member niya sa Black Kings. Yung ibang tao dito napatingin sa kanila habang nagbubulungan, yung iba kinikilig silang makita dito. Meron mga nagpapa-picture sa kanila but the other fans were behave. Hindi yung katulad ng iba na parang kapag nakita parang masasakal na nila sa yakap.

Nakita ako ni Hyun kaya lumaki ang kanyang ngisi. May sinabi siya sa kasama niya at sabay silang naglakad papunta sa akin.

"Annyeong, Ellie!" nakangiti niyang bati.

He's back to his usual self. Hindi ko rin naman kasi maintindihan si Chan kanina kaya iniwan ko siya doon. Jebal siya ng jebal, ano ba yun? Atsaka anong meron naman sa johahaeyo ni Hyun? Tanungin ko nalang sa kanya mamaya. Ngumiti naman sa akin yung kasama niya.

"Hi, Ella. I hope you still remember me." nakangiti niyang sinabi.

He has a tanned skin. Naiiba ang kanyang kulay sa kanilang lahat, siya lang kasi yung alam mo na medyo dark sa kanila pero kung kukumparahin mo sa akin mas maputi pa siya. Hindi naman ako katulad ni Rhea na kasing puti ng chalk, kung baga kapag nagdikit kami, magmumukha akong blackboard. Pero hindi naman ako talagang maitim sakto lang, saktong puti at saktong itim.

Ngumiti naman ako pabalik sa kanya.

"Of course.. Kim Seung In, right?" Tumango naman siya sa akin.

Napatingin naman ako sa mga nagbubulong bulungan at narinig na sinabi nilang "nuguya?" "Another desperate fan, I guess?" Napakagat na lamang ako ng aking labi.

"Ano nga pala ginagawa niyo dito?" takang tanong ko.

"Seung In wants to eat Chicken so.. I brought him here. After all masarap ang food dito." sabay thumbs up niya.

Could This Be Love?Where stories live. Discover now