Chapter 18

50 0 0
                                    

CTBL - My Past

Ella's POV

Pagkatapos ng kamanyakan ni Chan niyaya na kami ng Ate niya na mag dinner. Hindi na sana ako makiki-kain. Hinihintay ko lang naman tumila ang ulan atsaka lalayas na ako. Kahit lumusong pa ako sa baha, okay lang.

"I'm sorry, Ella. Hindi ko kasi alam kung anong klaseng pagkain ang gusto mo, but I hope you'll like what we served for you." ngiti ni Eonni sa akin.

"A-Ah, hindi naman ako mapili sa pagkain, Eonni." nahihiya akong ngumiti sa kanya.

Nakita ko naman na nagtaas ng kilay itong katabi ko. Kaya tumingin ako sa kanya at umirap.

"You should try this." turo ni Eonni sa akin sa isang soup.

Tumango na lamang ako.

"Tss. You should eat more. You look like a stick wearing a shirt and pants." sabay irap ng katabi ko.

Stick pala, ah. Kinuha ko ang gimbap gamit ang kamay ko at humarap kay Chan.

"Ikaw rin, Chan, baka mangayayat ka niyan."

Nagtaka siya sa sinabi ko kaya humarap siya sa akin. Kaya ayan. Sabay sinulpak ko sa bibig niya ang gimbap.

"Eat well." sabay sweet smile ko.

Pinunas ko naman sa pants ko ang kamay ko. May laway niya, eh. Tumawa naman si Eonni. Sumulyap naman ako kay Chan na nakanguso habang kinakain yung sinubo ko sa kanya. Mukhang nagpipigil ng ngiti. Ba't hindi siya nag react sa ginawa ko?

Pagkatapos ng dinner sinamahan ako ng maid nila papunta sa kanilang guest room. Kakausapan daw kasi ni Eonni si Chan. Ang ganda at ang laki ng mansion nila, common sense, Ella, tatawagin bang mansion kung 'di malaki? Kaso ang lungkot naman ng bahay nila. Ba't sila lang kaya dalawa? Nasan yung nanay at tatay nila? Habang paakyat kami sa grand staircase nila napansin ko naman ang isang napakalaking frame sa sala nila. Bakit 'di ko napansin kanina yan?

Ang isang lalaki na mukhang nasa early 50s ay naka suit at nakatayo sa likod nila Chan na nakasuit din. Magkamukhang mukha silang dalawa. Baka siya ang tatay nila. Sila Chan at Eonni ay nakaupo habang ang matandang lalaki at ang... teka, parang nakita ko na ang itsura ng babae doon, ah. Yung chairperson ng Park University! Yan ang nanay ni Chan?! Bakit hindi ko napansin na magka- apelyido sila? Kaya siguro mayabang yang si Chan, anak ng may ari ng school, eh. Kaso pati ba naman ang picture nila malungkot rin? Ang tatay ni Chan nakasimangot pati na rin si Chan, like father like son, ah. Si Eonni at ang kanyang Nanay lang ang nakangiti well, half-smile.

"Silryehamnida.."(Excuse me..) dahil ata sa sobrang titig ko sa picture 'di ko namalayan na huminto na ako sa gitna ng hagdanan.

"Oh sorry.." sabi ko at sumunod na ulit sa maid nila.

Pagkapasok ko sa guest room nila 'di ko in-expect na mas malaki pa ito kaysa sa sala ng apartment namin. White and brown ang themed ng kulay ng kwarto.

Pumunta ako sa veranda nila at binuksan ito. Medyo nababasa ako ng konti sa ulan dahil humahangin pero okay lang naman. Napalingon ako nang may bumukas ng pinto. He's holding two mugs. Paano niya nabuksan ang pinto? At anong ginagawa niya dito? Sinara niya ang pinto gamit ang isa niyang paa atsaka lumapit sa akin.

"You shouldn't open the veranda." aniya at inabot sa akin ang isang mug.

"Ano yan?" sabay kuha ko sa mug.

"Coke siguro kaya mainit." sarcastic niyang sinabi.

Tignan mo ito. Ang sarap sapakin ng mokong.

Could This Be Love?Where stories live. Discover now