Chapter 35

29 0 0
                                    

CTBL - Celebrate

Ella's POV

Ano ba kasi ito?! Ihhh! Bakit ako naiinis?! Ano ba! May dalaw na ba ako niyan?! Pero hindi, hindi pa naman ngayon! Pero bakit naiinis ako?! Atsaka bakit masyado kong iniisip yang Chan na yan! Por que hindi ako pinapansin kailangan isipin ko na kaagad siya? Ihhh! Nakakainis na!

"Ellie, you know that book belongs to the library, right?" napahinto ako sa panggigil sa sarili ko dahil nagsalita si Hyun.

Nagtaka naman ako sa sinabi niya.

"Halos lukutin mo na kasi ang buong page ng libro." aniya kaya napatingin ako sa hawak kong libro.

Hala! Sa sobra kong pagkakainis himdi ko na napansin na itong libro pala ang pinagdidiktahan ko na. Napa-peace sign naman ako kay Hyun. Umiling lamang siya at kinurot ang pisngi ko.

Bakit nga ba hindi ako pinansin ni Chan? Dahil pa rin ba sa nasabi ko? Eh, dapat wala kang pake sa kanya, Ella. Kung hindi ka niya pinapansin, dapat hindi mo rin siya pansinin. Akala niya siguro, ah.

Pati sa Fast Food Chain wala siya, hindi siya ulit nagpakita. Tss. Sige bahala siya. So what kung hindi siya nagpakita? Atsaka bakit nga ba si Rhea pinansin niya at ako hindi? Ayy, Ella, kasasabi lang na wala kang pake, diba? Pero hindi ko pa nakakausap si Rhea tungkol doon sa pinag-usapan nila ni Chan. Hmmm..

"Rhea.." kalabit ko sa kanya dahil suot suot niya ang headphones.

Kanino ba talaga galing yan?

Kumunot ang noo niya sa akin atsaka tinanggal niya ang headphones.

"Oh?" tanong niya.

"Uhh.." paano ko ba itatanong sa kanya?

Nagtaas naman ang kilay niya sa akin.

"Anong pinag-usapan niyo ni.. Chan?" sabay baling ko sa may tv baka makita niya kasi ang reaction ko.

Nakikita ko naman sa peripheral vision ko na ngumiti siya. Hala. Ano bang pinag-usapan nila? Bakit ngumingiti ito?

"Bakit interesado ka?" Naningkit bigla ang mga mata niya.

Napalunok naman ako atsaka tumingin sa kanya.

"B-Bakit? Masama na bang magtanong ngayon? B-Baka kasi makita ni S-Shin yun ta's mag-isip s-siya ng kung anu-ano." mabilisan kong sinabi.

Ni-tap naman ni Rhea ang balikat ko.

"Alam naman na ni Chan kung anong meron kami ni Shin." sabay indian seat niya sa sofa.

Tumango-tango na lamang ako. Ang bilis naman ata nalaman ni Chan yun?

"So.. Ano nga pinag-usapan niyo?" tanong ko ulit.

Napailing-iling naman sa akin si Rhea.

"Actually, ayaw ko sanang sabihin sayo ito pero.." Pabitin niyang sinabi.

Kinabahan naman ako dahil sa sasabihin niya. Lumapit naman ako ng konti para sabibin na ituloy niya ang kanyang sasabihin.

"May gusto daw sa akin si Chan pero na friendzoned siya sa akin at doon na lang din niyang nalaman na may something sa amin ni Shin." sabay buntong hininga niya.

Lumayo naman ako kay Rhea dahil biglang bumigat ang nararamdaman ko. So.. Hindi nga niya ako gusto? Eh, bakit sinabi pa niyang may gusto siya sa akin kung may gusto rin naman pala siya kay Rhea? Ano ito? Sinabi lang niya na may gusto siya sa akin para mapapalapit kay–

Could This Be Love?Where stories live. Discover now