Chapter 26

31 0 0
                                    

CTBL - Nado

Ella's POV

Nagising ako ng medyo magaan na ang aking pakiramdam. Konting pahinga lang pala ang kailangan. Babangon na sana ako nang may naramdaman ako sa gilid ko. Nagulat ako dahil nakaupo sa sahig si Chan habang ang kanyang ulo ay nakapatong sa sofa na hinihigaan ko habang siya ay natutulog din. Nakita ko naman na nakapatong ang kanyang kamay sa akin habang tulog siya. Hindi ko napigilan na mapangiti dahil sa kanya. Was he watching me the whole time? Dahan dahan kong tinatanggal ang kamay ko atsaka pinagmasdan siya. Makinis siya, matangos ang ilong, cherry red ang labi, medyo magulo ang buhok niyang.. brown nagpakulay siya? Noong unang nakita ko kasi siya black ang kanyang buhok. Inangat ko ang aking kamay at unti-unti kong hinawakan ang kanyang mukha pati na rin ang kanyang buhok. Napahinto lang ako nang biglang narinig kong nagring ang phone ko sa loob ng kwarto ko.

Dahan dahan akong tumayo para 'di ko siya magising. Kinuha ko ang kumot ko at kinumutan ko siya, inangat ko ng konti rin ang ulo niya para ilagay ko ang unan sa ulo niya. Hindi ko naman kaya siyang buhatin, baka naman magkatrangkaso ako kapag ginawa ko yun. Pumunta ako sa kwarto namin ni Rhea atsaka sinagot ang tawag.

"Hello?" sumingot lang ako ng konti kasagot ko sa tawag.

"Ella? Ano kamusta ka na?" tanong ni Rhea.

"Medyo okay na pakiramdam ko." sabay upo ko sa kama.

"Hihihi! Paano 'di magiging okay, mukhang inalagaan ka ni Chan." hagikgik niya.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa kanyang sinabi.

"Anong sabi mo? Ikaw ba nagpapunta sa kanya-"

"Chill, Ella, alam ko kasing pumunta siya diyan kasi nang malaman niyang may sakit ka, kaagad siyang tumakbo paalis ng school. Saan ko naman in-expect na pupunta yun?" pagpapaliwanag niya.

"Tss, dapat 'di mo nalang sinabi." sabay iling-iling ko. At nakita sa may wall clock namin na eleven fifteen na.

"Well, sorry, can't close my mouth!" natatawa niyang sinabi.

"Patayin ko na ang call, ah? May klase pa ako ng eleven thirty, eh. Huwag kayong gagawa ng kababalaghan diyan, okay?" natatawa niyang sinabi.

Pero bago pa ako maka-angal pinatay na niya ang tawag. Bwisit na babae na yun. Nakita ko naman na meron akong mensahe kaya binuksan ko ito.

Hyun:

Ellie, may sakit ka raw? Gusto mong ipagdala kita ng fruits? :(

Hyun:

Get well soon, Ellie. :(

Hyun:

Sorry, if I can't come there and take care of you, busy masyado ngayon. Wala ka raw kasama diyan sabi ni Rhea?

Napangiti ako sa mga text ni Hyun kaya nagreply din ako sa kanya. Nagtext din naman sina Min at sinabing get well soon daw. Pagtapos kong magreply. Tumayo na ako at nagpasyang magluto na. Kalabas ko ng kwarto, nakita kong tulog pa rin si Chan.

Ano bang masarap ipakain doon sa mokong na yun? Eh, hindi naman ako marunong magluto. Most of the time kasi si Rhea ang nagluluto kahit na pa fry-fry lang siya. Hmm.. tinignan ko ang taas ng cabinet ng kitchen at puro mga noodles lang ito. Mag ramen na lang kami? Ay bahala na! Huwag ng choosy si Chan. Yan lang naman ang kaya kong lutuin, eh. Kaya kumuha na ako tubig atsaka pinakulo ito. Nang maluto na, agad naman akong kumuha ng dalawang bowl atsaka inayos sa lamesa namin. Bumahing pa ako bago pumunta sa kusina at kinuha yung ramen. Nagulat din ako nang kabalik ko sa lamesa gising na si Chan habang nakatingin sa hawak ko. Tumikhim ako atsaka nilapag sa lamesa ito.

Could This Be Love?Where stories live. Discover now