Chapter 48

14 0 0
                                    

CTBL - Pain

Rhea's POV

Nakakabagot dito sa loob ng apartment bukod sa paglipat lipat ko ng channel sa tv, hindi pa ako nirereplyan ni Shin. Kahahatid ko lang kasi kay Ella sa airport dahil nang malaman niyang na hospital si Tito, agad-agad siyang bumili ng ticket at mabuti na lang nakahabol pa siya sa last flight papuntang Pinas. Hindi ko rin alam kung alam na ba ni Chan ang nangyari kay Ella. Sa totoo lang naawa ako sa kalagayan ni Ella ngayon, bukod sa nalaman niyang na hospital si Tito, na arranged marriage pa si Chan. Gusto ko sanang sumama sa kanya sa paguwi, pero naisip ko rin na baka maging pabigat lang ako sa kanya, basta marami ng pino-problema si Ella ngayon.

Kinaumagahan nagtext ako kay Ella kung kamusta na siya pati si Tito. Nag reply naman siya at sinabing okay naman siya, at si Tito naman daw ay hinihintay niyang magising. Ipapa-excuse ko na lang din siya sa school dahil nga nagkaroon siya ng emergency.

Nasa hallway ako nang makasalubong ko si Chan. Mukha siyang aligaga sa kanyang itsura. He composed himself nang makita niya ako.

"Rhea, where's Maryiella?" nag-alala niyang tanong.

Uh-huh. So wala nga siyang alam sa nangyari kagabi kay Ella. Tinaas ko naman ang kilay ko sa kanya.

"Eh, ikaw? Nasaan ka kahapon?" Tanong ko pabalik sa kanya.

"May kinailangan lang akong ayusin. So, where is she? She hasn't been answering my calls." tanong niya ulit.

Napabuntong hininga na lamang ako sa kanya. Is this guy really Ella's boyfriend?

"Umuwi ng Pinas si Ella kahapon, na hospital kasi ang Papa niya." Kita ko ang medyo pagkagulat ni Chan dahil sa aking sinabi.

Nakita ko naman na dinial niya ang number ni Ella pero bigo siya dahil walang sumagot dito. Ambang aalis siya pero agad ko siyang pinigilan. Alam ko kung anong gagawin ng lalaking ito at dapat hindi na siya dumagdag pa sa mag-aabala kay Ella.

"Chan, don't.." I said atsaka umiling sa kanya. Napahinto siya at mukhang nakuha niya ang sinasabi ko.

"Hayaan mo na muna si Ella, sa ngayon. She needs time with her family right now, baka hindi ka lang din niya matuunan ng pansin kapag sumunod ka doon."

Napapikit sandali si Chan na parang iniisip niya ng mabuti ang aking sinabi.

"Just.. Give her some time alone with her family." tipid na ngiti ko.

Tumango naman siya sa aking sinabi atsaka nagpaalam na mauna siya. I sighed as I went to the lockers to get my other books. Nang makuha ko na ang gamit ko, nahagip naman ng mga mata ko si Shin na nakaupo sa bench at mukhang may kausap sa kanyang phone. Napangiti ako atsaka lumapit sa kanya. Today is a special day for us.

"Ahgi!" masaya kong sinabi nang makalapit sa kanya.

Nagulat siya sa bigla kong pagsulpot at agad-agad niyang binaba ang kanyang phone atsaka ito tinago sa loob ng kanyang bulsa. Napakunot naman ang noo ko sa kanyang ginawa.

"Ohh.. R-Rhea." he said and cleared his throat.

Lalong kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. He didn't called me ahgi. This is first time he didn't call me ahgi. Baka dahil nagulat lang siya kaya niya ito nasabi? Yeah, baka nga.

"Sinong kausap mo?" tanong ko sa kanya.

Umiling naman siya sa akin."It was Eomma." aniya ng hindi makatingin sa akin.

Tumango-tango naman ako sa kanyang sinabi. "Ahh.. Ahgi, don't you remember anything today?" tanong ko sa kanya.

Napatingin naman siya sa akin at napakunot ng noo. "Wala naman, why?" nagtataka ang kanyang itsura.

Could This Be Love?Where stories live. Discover now