Chapter 52

13 0 0
                                    

CTBL - Invitation

Ella's POV

"What are you doing?"

Isang boses mula sa likod ko ang nagsalita kaya gulat akong napalingon sa kanya. Anong ginagawa niya dito?

"Nothing.. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

Napakunot naman ang noo niya sa akin.

"Naisipan kong lumabas tayo, wala ka na kasing ginawa kun'di magtrabaho." aniya.

Napatango na lamang ako sa kanya atsaka napatingin sandali sa pintong nakaawang pa rin hanggang ngayon.

"What about you, then? What were you doing?" nakakunot noong tanong niya sa akin.

"Well.. I was planning to go out, actually." sagot ko sa kanya.

Tumango na lamang si Hyun at sabay kaming naglakad. Napalingon ako ulit sa pinto bago kami umalis. Did someone move in?

"Okay, shall we eat first? I haven't eaten anything." sabay himas sa kanyang tyan.

Agad naman akong napangiti dahil alam ko na kaagad kung saan kami kakain.

"What's with the smile?" nagtatakang tanong ni Hyun habang inilalagay ang kanyang seat belt.

"Just drive, I know a place." sabi ko habang nakangiti.

Tinuro ko naman kay Hyun kung saan kami kakain. Actually, alam naman niya ito dahil pinupuntahan niya ako doon. Kamusta na kaya ang lugar doon? Is it still the same?

Nang makarating na kami dito, dahan dahan akong bumaba mula sa sasakyan ni Hyun at maiging tinignan ang labas nito. Sa lahat ng bagay, ito lang ang hindi nagbago.. Well, maybe except the fact na lumaki na ito kumpara sa dati. But the familiar feeling when I first went here all came back to me.

"Dito lang din pala tayo, bakit hindi mo sinasabi sa akin?" ani Hyun nang makalabas na rin siya sa kanyang kotse.

"Surprise?" sabay mahina kong tawa sa kanya, napailing naman siya sa akin habang nakangiti.

Nang nasa pinto na kami nahagip ng mga mata ko ang papel na nakapaskil sa labas nito, just like the first time I went here. They still need part timers. Napangiti na lamang ako sa sarili ko, the nostalgia feeling.

Kapasok namin sa loob, nakita ko kaagad ang daming taong kumakain dito. Nadalas kasi noon tuwing may okasyon lang maraming tao dito sa FFC, but now, kahit hindi, marami na ang customers dito. I was too busy looking at the people inside here when I didn't notice that I bump into someone.

"Sorry/Joisonghamnida." sabay naming sinabi.

Pareho kaming nagulat sa isa't isa nang magkita kami. It's been so long since I saw him and yet, his looks already changed. Pero hanggang ngayon nakikilala ko pa rin siya, even with his beard and messy hair.

"A-Alex?" gulat kong sinabi.

Napakurap kurap pa siya sandali sa akin. "Ella? Ikaw ba yan?" aniya at napangiti ng malaki.

Napangiti na rin ako sa kanya atsaka napatango.

"K-Kailan ka bumalik?" tanong niya.

Mahina naman akong natawa sa kanya.

"Last week.. Kamusta?" nakangiti kong tanong.

"Ito.. Manager na ngayon nitong FFC." nakangiti rin niyang sagot.

"Talaga? Wow! Congratulations! Palibre niyan?" pagbiro ko sa kanya.

Could This Be Love?Where stories live. Discover now