Chapter 14

43 0 1
                                    

CTBL - Project

Ella's POV

Hindi ako tinigilan ni Rhea sa katatanong kung anong nangyari sa "date" namin. I kept on telling her that it was not a date. She even suggested that we should drink pero ayaw ko. Hindi naman sa hindi ako umiinom, pero we have class tomorrow. Ewan ko kung anong nakain nito at gusto niyang uminom. Basta ang sinabi niya ay "To celebrate" daw ang paglabas namin ni Chan ng hindi nagpapatayan.

Umirap ako.

"Tumigil ka nga, Rhea. May pasok tayo bukas!" iritado kong sinabi.

"Tss! KJ mo! Edi kung ayaw mo, manood tayo. Hmmm.. marathon na lang tayo." pag-aliwalas ng kanyang mukha.

"Edi ganun din yun." sabay upo ko sa sofa.

"At least walang hang over. Mamili ka iinom tayo o manonood tayo?" sabay upo niya rin sa sofa.

"Fine, edi manood." suko ko sakanya.

I have no choice. Mas mabuti na lang ang manood kaysa sa uminom.

"Ano bang panonoorin natin?" tanong ko habang siya inaayos ang aming papanoorin.

"Descendants of the Sun.." kilig niyang sinabi.

Seriously?! 16 episodes ang meron no'n. Tatapusin namin yun?

"I'll get the pop corn!" ngiti niya at pumunta na sa kusina.

Hindi ko alam kung hanggang ilan episode ang napanood ko dahil antok na antok na talaga ako. Kada pumipikit ang mata ko nagrereklamo si Rhea pero sa huli hinayaan niya rin ako matulog.

Nagising ako nang mag ring ang cellphone ko. Kinapa ko ang gilid ko para kunin ito. Nang nakuha ko ito sinagot ko ito kahit nakapikit ang mga mata ko.

"Hello?" napahikab pa ako.

"Mukhang bagong gising ka, ah, baby girl." at dinilat ko ang mga mata ko. Tinignin ko naman kung sino ang tumatawag si Kuya MJ pala.

"Ahh.. Oo, Kuya Mj. "

Narinig kong humalakhak siya sa kabilang linya.

"Kamusta ka na? I miss you, baby girl. Hindi ka ba na ho-home sick diyan?" may bahid na lungkot sa sinabi ni kuya.

"Ok naman ako, Kayo? I miss you, too, Kuya Mj. Hindi naman ako na ho-home sick dito." ngiti ko.

"Okay rin kami, tumawag lang ako para kamustahin ka. I have to go now, may pasok pa ako. I love you, baby girl."

"Sige, Kuya Mj. Ingat ka. I love you, too." at pinatay ko na ang tawag.

Grabe! Inaantok pa ako. Anong oras na ba? Tinignan ko naman ang wall clock namin at alas sais y media pa lang ng umaga. What it's six thirty already? Parang limang oras lang ang tulog ko. Bwisit kasi itong si Rhea. Speaking of.. ang sarap ng tulog nito sa sofa.

"Hoy, Rhea, bumangon ka na." gising ko sa kanya.

"Ella, pwede ba? Nag da-date pa kami ni Joong Ki, eh." sabay kamot niya sa ulo niya.

"Tama na yang pananaginip mo at bumangon ka na." yugyog ko sa braso niya.

10 minuto ata ang lumipas bago bumangon si Rhea sino bang may kasalanan na magpuyat kami? Edi siya atsaka hindi lang naman siya ang puyat, ako rin naman. Pagkatapos namin mag-ayos bumaba na kami.

Nasa ground floor na kami at nauna akong naglakad sa kanya dahil natanggal daw ang pagkatali ng sintas ng sapatos niya. Patuloy ako sa paglalakad nang may sumigaw.

Could This Be Love?Where stories live. Discover now