Chapter 39

37 0 0
                                    

CTBL - Namsan Tower

Ella's POV

Hanggang sa nakapasok na kami sa loob naka-pout pa rin si Chan. Ewan ko ba doon sa lalaking yun. Si Kuya Mj naman hanggang ngayon nakasalubong pa rin ang kanyang dalawang kilay.

Napailing-£ling ako sa asta nila. Parang silang mag boyfriend na nagkakatampuhan.

"Umm.. Should we go up now?" biglang tanong ni Chan kaya napalingon kami sa kanya.

Tumango naman si Papa sa kanya. "Kayo na ang bahala, wala naman akong gaano alam dito sa loob ng Namsan." sabay tawa ni Papa.

"You can eat first, if you want to. Or you can go to the observatory of Namsan. Don't worry, Pa. Bukod sa personal driver niyo ako, I'm also your personal tour guide." ngiting sagot ni Chan.

Seryoso ba talaga siya sa sinabi niya kanina? I can't help but smile dahil sa ginagawa niya ngayon. Napatingin naman siya sa akin kaya agad-agad kong pinalitan ang ngiti ko sa pagsimangot.

"Ikaw, baby girl? Anong gusto mo mauna?" Tanong ni Kuya Mj sa akin.

Gusto ko talaga makita ang view ng korea dito kaya siguro mauna na lang ang pagpunta sa observatory kaysa sa kumain. Tutal hindi naman mawawala ang food. Eh, ang view ng korea hindi ko alam kung makakabalik pa ako ulit dito sa Namsan Tower.

I told them na observatory muna kami and they agreed to it. Bumili pa ng tickets si Chan para makapasok kami sa loob ng observatory. Medyo nakakainis lang siya, ah. Ayaw niyang pabayad sa akin ang binili niyang tickets, ni kahit kalahati man lang ayaw niya.

Hanggang sa nakapasok na kami sa loob nagtatalo pa rin kami sa pagbayad. Napailing-iling naman si Papa sa amin ni Chan. Sila Papa kasi wala ng nagawa nang makabili na si Chan. Even though they want to pay him back, ayaw talaga ni Chan kaya ako ang namimilit sa kanya ngayon.

"Maryiella, if you don't stop, I have no choice but to kiss you here in public." mahina pero madiin niyang sinabi sa akin.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa kanyang sinabi. Anong halikan ka diyan?! Medyo nilapit niya ang kanyang mukha sa akin.

"Baka kapag nangyari yun baka hindi na bumoto sa akin si Papa at Kuya Mj mo." sabay ngisi niya.

Bago pa ako maka-react nilayo naman na niya ang mukha niya sa akin at napatingin siya kay Kuya Mj na nagmamasid ulit sa amin. Nakaramdam na naman ako ng hiya dahil nakita na naman kami ni Kuya Mj ng ganoong posisyon. Si Papa naman kasi nakatingin lang sa labas, which I forgot nasa observatory nga pala kami! Agad-agad akong lumapit sa telescope atsaka tumingin dito. All I can say is ang ganda ng view dito lalo na gamit ko ang telescope.

"Baby girl, doon lang kami sa kabila, ah. Masyado kang nag-e-enjoy sa telescope." ani Kuya Mj habang natatawa dahil sa akin.

Tumango na lamang ako at ine-enjoy ang pagtingin ko sa telescope. Naramdaman ko naman na umalis na si Kuya Mj. Busy ako masyado sa kakatingin dito nang may narinig akong bulungan.

"Omoo! Isn't that Park Chan Woo?!" rinig kong sinabi ng isa.

"Kyahh! It is him!" kinikilig na sinabi naman ata no'ng kaninang nagsalita.

Aangat ko na sana ang ulo ko para tignan ko kung sino ang nagsasalita pero bigla akong naphinto dahil sa kanilang sinabi.

"Let's take a picture with him! But who's that girl that he's standing next to?" dinig kong pagtataka sa tanong no'ng babae.

Parang nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa tanong no'ng isa. Katabi ko lang si Chan? Nasa tabi ko siya? Hala.. Paano na ito? Bakit hindi ko naisip na isa siyang sikat na nilalang dito sa korea at maaring pwedeng magkaroon siya ng issue dahil may kasama siyang ibang babae. Pero hindi pa naman nila nakikita ang mukha ko..

Could This Be Love?Where stories live. Discover now