Chapter 53

19 0 0
                                    

CTBL - Jeju Island

Ella's POV

Halos kadarating pa lamang namin ni Hyun dito, hinihintay naman namin ang cab na tinawagan niya para magsundo sa amin papunta sa Saekdal-dong, Seogwipo, Jeju-do. Nang makarating na ito, tinulungan ko naman mag lagay ng mga bags si Hyun sa compartment ng cab. Pagkatapos ay pumasok na kami sa loob.

Ang usapan kasi namin ay magkikita-kita na lamang kami sa hotel na pina-booked nila Eonni. Salakuyan naman kinakausap ni Hyun ang driver ng cab habang ako'y binubusog ang aking mata sa ganda ng isla dito. Gusto ko sanang ibaba ang bintana para makalanghap ng sariwang hangin kaso nakakahiya naman sa fully air condition na cab ni Manong driver kaya huwag na.

Nang makarating kami sa hotel na kilalang Shilla dito sa jeju island, agad akong napanganga at nanlaki ang aking mga mata dahil sa laki ng hotel na ito. Bukod sa napaka-engrande at napakasosyal ng itsura na ito, mukhang mapapasabak pa ang bulsa at wallet ko rito. Kahit na sabihin natin na si Eonni daw ang nagplano at nagbayad nito, eh hindi na nga kami makikihati ng bayad sa kanya.

"Wait for me here, kakausapin ko lang ang receptionist." ani Hyun kaya tumango na lamang ako sa kanya.

Kaalis ni Hyun, mayamaya dumating na rin si Eonni kasama ang isang lalaking 'di familiar sa akin at si Chan.. na kasama si Rhea. Sa hindi ko malaman na dahilan napaiwas ako ng tingin sa kanilang dalawa lalo na't napatingin sa akin si Chan.

"Ella!" masayang sinabi ni Eonni sa akin atsaka ako niyakap ng mahigpit.

Napangiti naman ako atsaka ko rin siya niyakap. Pagkalas namin sa yakap, agad nadapo ang mga mata ko sa kamay ni Chan na hawak hawak ang papulsuhan ni Rhea. Bakit ganoon? Parang sumikip bigla ang dibdib ko. Binaling ko naman ang tingin ko sa lalaking nasa tabi ni Eonni na nakangiti sa akin ngayon.

"Oh! Ella, I'd like you to meet Kang Min Hyuk, my fiancé." nakangiting sinabi ni Eonni.

Medyo nagulat naman ako na ito pala ang fiancé ni Eonni. One word.. Gwapo! Clean cut ang buhok, bilog ang mga mata, fair skin, and small cute pouty looking lips. Kung titignan natin sobrang bata ang kanyang itsura baka nga isipan kong 18 pa lang ito. Hindi naman sa sinasabi kong mukhang gurang na si Eonni, mukha rin siyang bata, actually silang lahat na kilala ko rito. Ang akin lang ay ang galing pumili ng lalaki ni Eonni.

Nilahad naman niya ang kanyang kamay sa akin. "It's nice to finally meet you, Ella." nakangiti niyang sinabi.

Tinanggap ko naman ang kanyang kamay atsaka ngumiti rin sa kanya.

"It's nice to meet you, as well."

"I heard a lot of stories about you." aniya pagkalas sa kamay namin.

"I hope they're a good one."s abay mahina kong tawa.

Natawa naman siya atsaka umakbay kay Eonni.

"Nasaan pala si Hyun?" tanong ni Eonni habang lumilinga.

"Ahh.. Kinakausap niya ang receptionist, Eonni." sagot ko atsaka tinuro si Hyun sa hindi kalayuan sa amin.

Tumango naman si Eonni atsaka nagpaalam na pupunta lamang din siya roon at kakausapin ang receptionist. Ngumiti naman ulit sa akin ang fiancé ni Eonni atsaka siya sumunod kay Eonni.

Nang umalis ang dalawa, parang nakaramdam ako ng awkward atmosphere dito. Napatingin naman ako ulit kina Chan, ngumiti lamang ng tipid si Rhea sa akin nang makita niyang tumingin ako sa kanila kaya ngumiti na lamang ako pabalik dito. Si Chan naman ay malamig lamang ang expression habang ginagala ang kanyang mga mata sa hotel.

Could This Be Love?Where stories live. Discover now