5.Money Trouble (Partly Edited)

334 14 0
                                        

Wayne's POV

Kainis naman! 10,000 lang dala ko ngayon! Account ko sa ATM 30,000 lang. Allowance ko ngayong papalapit na pasukan, 2,000. Magtitipid nanaman ako!? Buti pa tong si Avah, kuripot. 15,000 dala niya ngayon. May 45,000 siya sa ATM niya. Allowance niya, 3,000. Alam niyo kung bakit? Kasi, dinagdagan niya ng 1,000 pa ang allowance niya. May pera siya. Paano kaya maging matipid? Sige, magpapatutor ako sa kapatid ko sa summer.

"Nak, magkano na ang natira sa ATM mo?"-Tanong ni daddy sa akin.

"30,000 po"-Sagot ko.

"Magkano ba yan dati? Magkano yan last year?"

"45,000 po"-Sagot ko.

"Yan kasi, daming alam bilhin noong summer. Palibre libre ka pa sa mga pinsan mo"-Sabi ni daddy sa akin habang nakangiti. Nako dad! Alam ko na yang mga ngiting yan. Inaasar nanaman ako nito!

"Dad naman eh!"

"Saan niyo gustong magpunta?"-Tanong ni mommy sa amin.

"Bookstore po"-Sagot nitong si Avah.

"Oh sige, tara na"-Sabi ni mommy. Ayun, nakarating na kami sa National bookstore.

"Oh, sinasabi ko sa inyo. Dating rules. Pagka notebooks, pencils, ballpens, pens, papers, or whatsoever na para sa school niyo, kami sasagot. Pagka mga gamit naman na gusto niyo lang makuha, sariling pera na. Matuto magtipid"-Itong tadhana ba talaga ang gustong uminit ang ulo ko ngayon o sadyang inaasar lang nanaman ako ng mga taong to ngayon.

"Sige"-Bumili na kami ng gagamitin namin para sa school. Matapos yun ay pumila na sila mommy at daddy. Time na daw namin para bumili ng gusto namin. Pero dahil sa marami pa akong gustong bilhin, nag-isip muna ako ng mabuti para pag-isipan kung ano ang bibilhin ko.

Itong si Avah, bumili ng libro, clay, at stickers.

"Ikaw Wayne, wala kang bibilhin?"-Tanong niya sa akin.

"10,000 lang dala ko ngayon"

"Oh, nakakaawa ka naman. Sayo na tong 1,000"-Sabi niya sa akin habang iniaabot ang pera.

"Thanks ha"

"You're welcome"-Sagot naman niya. Nang makarating kami sa counter ay saktong sila mommy at daddy na ang nagbabayad.

"Pahabol po!"-Sigaw ni Avah. Hindi naman yun narinig ng mga tao dahil sa may kanya-kanya naman silang mundo. Matapos niyang magbayad ay umalis na kami at naglakad papunta sa Department Store.

"Magkano nagastos mo?"-Tanong ko kay Avah

"430 lang naman"

"Bumili na lang din sana ako"-Tumawa lang siya sa sagot ko. Ano namang nakakatawa dun?

"Anong nakakatawa?"-Tanong ko sa kanya.

"Wala"

"Ate Avah, pabili ng stufftoy mamaya"-Pagrerequest ni Mia(masnakakabata naming kapatid).

"Oo sige"-Sagot naman niya,

"Yay! Thanks ate. You're the best!"-Tumawa lang si Avah at ginulo ang buhok niya,

"Wag mo ngang iispoil yan"-Sabi ko.

"Hoy kuya. Inggit ka lang kasi wala kang pera"

"Tama na nga yan. Sige na sige na at bibili pa tayo ng damit niyo"-Sabi ni mommy habang iniiwan na sa guard ang mga paper bag o shopping bags na sabi nitong si Avah.

"Tara"-Talaga namang pupunta tayo diba? Hay nako.

"Oh nak, bagay sayo to"-Nako.

"Nako, dad. Madami na akong jogger pants"-Sagot ko.

"Alam mo, nak. Kahit madami kang gan'to, kung ito naman ang nababagay sayo, edi ito na ang bilhin mo. Kaysa naman bumili ka ng skinny jeans na hindi naman babagay sayo"

"Ouch"-Pagpaparinig nitong si Mia sa akin.

"Manahimik ka nga diyan Mia. Doon ka nga kay mommy at kay Avah. Si Phil ang dapat kasama namin dito. Kasi, mga lalaki kami"-Si Phil ay ang bunso naming kapatid.

"Edi wow. Bahala ka na nga diyan"-Sagot niya tapos umirap. Tumalikod tapos umalis. Edi wow!

"Oh, ano nak? Bilhin ko na to?"-Tumango lang ako bilang sagot. Pagkatapos nun ay pumunta na kami sa mga shirts. Binilhan lang ako ni daddy ng white shirt. Bumili rin siya ng Kyrie Irving #02 ko na rubbershoes.

"Oh ano? Anong binili ni daddy para sayo?"-Tanong ni Avah sa akin.

"Jogger pants, white shirt, and rubbershoes. Ikaw, anong binili ni mommy para sayo?"-Sagot ko naman.

"White blouse, ripped jeans, and sneakers"

"Eh si Mia?"-Tanong ko.

"Red dress and red doll shoes"

"Yucks!"-Sagot ko.

"Edi wow, kuya"-Ah, so narinig ni Mia.

"Eh si Phil, anong binili ni daddy para sa kanya?"-Tanong ni Avah sa akin.

"Yellow shirt, shorts pero pang labas, at islander na slippers"-Sagot ko naman. Bilang sagot, tumango lang siya.

"Oh, bili na kayo ng kahit anong gusto niyo"-Bilang sagot, tumango lang kami. Bumili lang ako ng polo ko. Worth 500 pesos. Sa first day of school, ito ang gagamitin ko. Medyo masakit kasi sa bulsa pag di ko masyadong ginamit tapos maliliitan lang. Si Mia, ngayon lang siya nag-ipon ng sariling pera niya. Grade 6 na daw kasi siya sa pasukan kaya ok na daw. Si Phil, sila mommy at daddy pa ang bumibili ng gamit niya. Hiling man daw niya o trip lang nila mommy at daddy bilhin, pera pa rin nila. Eh paano, 8 years old palang tong si Phil. Pero mag na9 na sa June 20. Si Mia naman 10 pero mag i11 sa September. Parehas kami ni Avah na 14 years old pero mag 15-15 na siya sa July samantalang ako ay sa May.

"Anong binili mo?"-Tanong ko kay Avah.

"Color grey na blazer. Black blouse, and high heels. Ikaw?"

"Polo lang. Madami pa akong bibilhin"-Matapos bayaran lahat nun ay naging 10,500 na lanh ang peraa ko. 12,020 naman ang naiwan kay Avah.

"Tara sa Toy Kingdom"-Aya sa amin ni Mia. I left no choice kundi sumama na lang. Nang makarating na kami doon ay agad ng pumasok ang mga taong kasama ko. Sina mommy, daddy, at Phil ang magkakasama sa isang lugar tapos sina Mia at Avah naman. Bumili lang ako ng basketball ko. Nang magkita-kita kaming lahat, nakota kong bumili ng teddybear at Barbie doll si Mia. Loombands, Gelarti, at soccerball kay Avah. Samantalang tong si Phil, may robot at kung ano-ano diyan. Matapos magbayad ay 9,000 na lang ang natira sa pera ko. 10, 121 naman ang naiwan kay Avah.

"Oh, 6:00 na. Saan niyo gustong kumain?"-Tanong ni daddy.

"Sa McDo na lang po. Yun ang gusto ni Phil eh"-Sabi ko.

"Ok. Tara na"-Sabi ni daddy. Sila ni mommy ang nag-order. Kami namang apat ang naiwan. Daldalan lang kami ng daldalan hanggang sa dumating na ang order namin.

My note:

Hashtag(s) of the day:
#MoneyTrouble
#Shopping

Thanks po sa tiis! Clue: Pwedeng buhay ni Zanea, JB, or Hope ang uunahin natin.

Hahah, clueless pa rin ba? Sige na nga! Buhay ni...

Ok! Gracias everybody! Adios! xoxo :P




The Love Band (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon