Deric's POV
Matapos kaming maglunch ay nagpunta kaming locker room para kuhanin ang mga gamit namin. Matapos nun ay nagpunta kaming cr para magtoothbrush at mag-papogi points. Pagkatapos ay ibinalik na namin ang aming mga gamit at tumungo na sa stage. Doon na muna kami magtatambay at dun na din namin hihintaying magtime.
"Bakit parang may kakaiba sa 'yo?"- Dinig kong tanong ni Avah.
"Uy!"- Napatingin naman ako sa kanya.
"Ako?"- Sabay turo ko sa dibdib ko. Umirap lang siya at nagcrossarms.
"Hindi, ako. Oo, ikaw"- Tsk! Ang gulo naman nitong kausap ko. Hindi, ako. Oo, ikaw. Ano yun? Tss.
"Anong ibig mong sabihin ba?"- Tanong ko.
"Deretsyahan na 'to ah. May inspiration ka ba or what na... basta ayun na 'yun"- Ang gulo gulo namang kausap ng mga ito. Pero, napapansin ba? 0____0
"Haha. Okay. Meron yan"-Sinamaan ko nang tingin si Zach.
"Anong meron!?"
"Bakit mo kami pinanlakihan ng mata?"- That made my mouth shut.
"Okay. Silence means yes"- Inirapan pa ako ni Avah tsaka tumawa. Ha? Sinasapian ba 'to?
"Hmm..."- Sabi ni Hope na para bang kinikilatis ako. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"According to my observation..."- Asar na asar na ako ah!!!
"...May crush ito"- Kumindat pa siya saka umalis.
Tawa naman nang tawa ang mga baliw na ito.
Naging fair lang ang itsura ko. 'Diba dapat naasar ako? Nagkibit balikat na lang ako.
0____0 >>> mga itsura nila.
"Hindi mo alam kung may crush ka o wala!?"- Gusto ko ng balibagin 'tong mga 'to.
"Meron ka ba?"- Kung wala lang dito ang boyfriend niya, ibinalibag ko na itong bag ko kay Zanea.
"Anong tingin mo sa akin? Babae at nagpeperiod?"- Tanong ko. Lalaki ako pero inirapan ko siya. Tsk!
"Sungit mo daw kaseh brad!"- Dagdag pa ng bf niya. Ano 'to, tanggulan?
"H'wag niya kasi akong guluhin"- Sabi ko sabay tingin sa direksyon ng classroom namin.
"Uyy. May inaabangan"- Kung wala lang POD dito, nako! Binugbog ko na siguro 'tong si Zach.
"May iniisip lang"- Sinabi ko na lang 'yun ng normal.
"Uyyy. May iniisip"- Sinamaan ko ng tingin si Avah.
"Oh tapos?"- Kahit na lalaki ako, inirapan ko pa din siya.
"Aminin mo na kasi!"- Gatong pa nila Xia,Ann, at Joe.
"Ano namang aaminin ko?"- Tanong ko.
Napabuntong hininga naman sila.
***
Matapos ang flag ceremony ay bumalik na kami sa classroom. Nagdiscuss ang teacher namin sa Math. Matapos ang first subject ay nagpunta kaming TLE room para sa HELE subject. Nakapartner ko doon si Alex. Sa table 7 kami napunta. Matapos ang discussion about "Kinds of Milks," ay gumawa kami ng Pastillas. Sabi kasi ni teacher, gumawa daw kami ng any recipes na kakailanganin ng condensed milk. Alangan naman kasing Leche Flan ang gagawin namin eh 30 minutes na lang ang natitira.
Pagkatapos gumawa ay pumunta kami ni JB sa cr para mag-ayos. Pagkatapos ay pumunta kami sa classroom para kunin ang mga pera namin. Matapos kunin ay nagpunta kaming greenhouse dahil doon ang rendezvous naming mga boys. Nadatnan namin ang mga loko na nagcecellphone at kumakain.
"Hey!"- Bati ko sa kanila.
"Nga pala, nauna na kaming bumili. Nagpunta kami sa fastfood na malapit lang dito sa school. Nagtake-out lang kami. Eto nang pagkain"- Sabi niya.
"Magkano?"- Tanong ni JB kay Zachary. Umiling lang si Zachary.
"My treat"- Tumango lang kami bilang pagthank you. Matapos kumain ay nagpunta kaming canteen. Ichecheck lang daw kasi ni JB ang gf niya. At ichecheck naman ni Zach kung may mauuna sa kanyang mangligaw kay Hope. Tsk! Dami nilang alam.
Yayakapin sana ni JB si Zan kaya lang itinulak na siya ni Zanea. Baka kasi ma-POD daw sila. Pa-PDA din daw kasi si JB. Naghiraman na lang sila ng phone.
Bigla naman silang nagkatuwaan hanggang sa dumating si Avory. Hanggang sa napunta ang usapan sa kung mayroong mangliligaw kay Alex, anong gagawin ni Zach.
"Eh paano naman kung may mangliligaw sa li'l sis mo Zach?"- Tanong ni Ann.
"Itetest ko muna. Pero pag YUNG ISA diyan ang mangliligaw, payag ako agad"- Tumawa lang sila maliban kanila Alex, Jane, Avory, at ako. Hindi ako tumawa kundi ngumiti na lang. Shet! Pakiramdam ko namula ako. Nakakabakla na pero, psh.
"Yiee! May nagiging kamatis ang mukha"- Agad naman akong tinignan ni Avory. Tumawa na lang siya nang bigla.
"Oh. I see"- Sabi niya pa.
*Kriing kriiing*
At bigla namang nagtime.
"Sige guys. Una na ako. Punta pa ako sa Computer room para sa History class. Bye!!!"- Sabi ni Avory tsaka kumaway habang tumakbo paalis.
"Punta na kaming section A sa Laboratory para sa Science Class. Bye!"- Katulad din ng ginawa ni Avory, kumaway at tumakbo na sila paalis. Naiwan naman kami nila JB, Alex, Jane, Zanea, Hope, Andy, at ako.
"Tara na?"- Tanong ni Andy. Tumango lang kami at umalis na. Pagdating namin sa classroom ay nadatnan namin ang mga classmates naming nagbabatuhan ng papel, nag-iingay, nagcecellphone, at kung ano-ano pa.
"Anong nangyayari? Bakit nagpaparty-party ang mga tao?"- Tanong ni Avah kay Candice na isa sa mga classmates namin.
"Vacant kasi. Wala tayong CVE class"- Tumango lang kami. Gumawa kami ng bilog namin para makapagkwentuhan daw sabi ni Jane.
"Parang Detention"- Sabi ni Alex.
"Ang alin?"- Tanong ni Avah. Ngumuso lang siya para ituro ang aming mga classmates na naglalaro.
"Ok"- Sagot ni Andy.
"Bakit napunta sa Last Section si Avory? Dapat andito siya eh"
"Transferee. Late nag-enroll"- Sagot ni Zanea sa tanong ni Hope.
"Sayang"- Sabi niya tsaka ngumuso.
"Nga pala, Lex"- Lumingon naman si Alex kay Avah.
"Hmmm?"- Tanong niya. Tinignan siya ng kaunti ni Avah.
"OK"- Sabi niya. Umiling lang si Alex tsaka bumalik na sa pagcecellphone. Binelatan lang ako ni Avah. At sinamaan ko naman siya ng tingin.
____________________________________
Author's note:
OK po. Buti na lang at na-on na ang generator. Blackout pa lang kasi eh. Wala pang signal.
-October 20, 2016Hashtag of the day:
#RudeDeric
Ngayon ko lang po naipublish dahil sa walang signal at walang kuryente noong 10-19-16 hanggang 10-20-16 dahil sa bagyong Lawin. Thanks po! Babye! Godbless us all!
~Raffy
![](https://img.wattpad.com/cover/82334408-288-k299079.jpg)
BINABASA MO ANG
The Love Band (COMPLETED)
Teen FictionAnong kayang mangyayari sa isang barkadang magkakapatid ang turingan kung sila rin naman ang magkakainlove-an? (Original Version) New Version: The Love Band (Ongoing) Plots, Settings, and Conflicts are partly edited.