78. First PDA Moment

121 4 0
                                    

Zanea's POV:

*ring ring*

"Hello?"

[Hi b*tch! Nakaready ka na ba?]

"H'wag ka ngang excited diyan, jerk! Oh basta, punta tayo mag ice skating mamaya, ah? Mainit po kasi ngayong summer!"

[Hay nako, b*tch. Marunong ka ba talaga niyan?]

"Oo nga diba? Nakailang ulit na ba ako? Baka ikaw ang di marunong mag skating kasi parang ayaw mo, eh." Sagot ko pabalik habang inaayos ang bag ko.

[Nagtatanong lang naman ulit, eh. Marunong ako niyan noh? Sige na, mag-ayos ka na diyan. Bye. See you later. I love you!]

"Oo na. Tama na. Pinapakilig mo nanaman ako eh. Ops! H'wag bibilog ang ulo. Baka masapak pa kita. Bye na. I love you, too!"

[Haha. Kinikilig ka nanaman pala. Oo na sige na last na talaga to. Bye!] Napairap na lang ako at inend ang call kahit siya ang tumawag. Haha! Ang bad ko talaga.

Bigla namang nagbeep yung phone ko kaya sinilip ko kung sino yung nagtext.

Uy b*tch! Wag mo nga akong babaan sige ka baka ibaba kita mamaya sa sasakyan.

Natawa na lang ako at nagreply.

Wag na na ngang maarte jan! Geh na ready na ko....

Oh sige. Antayin mo ko jan ah?

Ou sge na bilis!

Ou na! Bye

Hindi ko na siya nireplyan at inilagay ko na sa bag ko ang phone ko.

Nang pumunta na ako sa baba ay nagjacket na ako. Yung niregalo ni jerk na color pink sa akin tapos yung black sa kanha.

Maya-maya pa ay nagpaalam na ako sa kanila at umalis na. Andoon na kasi si jerk sa labas.

"Hi, jerk!" Kumidat lang siya at ibinukas ako ng pintuan. Pagpasok ko sa loob ay inayos niya ang seatbelt ko tsaka ako hinalikan sa noo. Anong problema nun? Pagkatapos nun ay sinara na niya ang door saka pumunta sa kabilang side at umupo sa driver's seat. Inilock na niya ang lahat ng door, inon ang aircon at pinaharurot na ang sasakyan.

"Kumusta naman umaga mo ngayon, b*tch?" Tanong niya. Nakatingin pa rin ako sa labas.

"Ok lang naman. Kaso naging mas masaya ako nang imbitahan mo akong magpunta sa mall." Sambit ko pero nakatingin pa rin sa mga nadadaanan namin. Naramdaman ko naman ang kamay niya na nakapatong sa kamay ko kaya tumingin ako sa kanya. Napangiti na lang ako nang halikan niya ang kamay ko at ininterwine ito.

"Magmaneho ka na lang ng maayos." Sabi ko.

"Ok lang na madisgrasya ako basta kasama ka."

"JERK!"

"Joke lang ito naman. Mas gusto ko ng madisgrasya kasama ka kesa naman ligtas tayong magkahiwalay, kako." Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Grabe. Ang init pero nag gu-goosebumps pa rin ako dahil sa kilig. Bilib talaga ako sa kanya. Napapakilig pa rin niya ako kahit ilang months na kami.

"Tsaka, b*tch. Alangan namang hindi kita ayain ngayon eh ngayon ang 8th monthsary natin. Diba?"

"Sabagay nga naman." Sang-ayon ko naman sa kanya.

Nagkwentuhan lang kami at nagtawanan hanggang sa nakarating na kami sa mall.

"Mag ice skating na tayo?" Inosenteng tanong niya habang naka holding hands kami.

"Hindi na muna. Kain na muna tayo. Gutom na ako, eh."

"Ah ok, haha. Sige." Pagdating namin sa isang fastfood ay naghanap ako ng mauupuan. Mabuti na lang may nahanap ako agad kaya nakaupo na ako. Si Jerk kasi ang nag-order ng pagkain namin, eh.

The Love Band (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon