Dexter's POV
Being with her again is like a dream come true.
Actually, this isn't our first time seeing each other again.
Nagkita kami noon sa isang cafè.
*Flashback*
Nabalitaan kong wala pala silang pasok kaya pumunta ako sa cafè na katabi ng school na iyon.
Biglang umabot hanggang ulo ang aking dugo dahil sa kaba. Malamig na ako at ulo ko lang ang mainit dahil di ko alam ang gagawin.
Bigla kong iniba ang way ng pagtingin at paggalaw ko para di niya ako masyadong mapansin.
"Hmmp!" Sabay naming sabi.
Ayun ay dahil para di na magtagal ang usapan namin at siguro di niya ako napansin kaya gano'n ang reaksiyon niya.
Pag-uwi ko ng bahay ay di ko pa rin maalis ang ngiti sa aking labi.
Di man naging maganda ang pagkikita namin, atleast nakita ko na uli siya.
*End of Flashback*
Xia's POV:
Bigla kong naisip ang kanina ko pa gustong itanong sa kanya.
"Dexter..." Tawag ko sa kanya.
"Hmm?" Alam kong di talaga siya titingin sa akin dahil nakafocus siya sa daanan.
Nakasakay ako ngayon sa passenger's seat ng kanyang sasakyan.
"Bakit gano'n? Bakit di ko napansin agad na ikaw pala yung nakabunggo ko sa cafè? Tsaka, bakit gano'n reaksiyon no noong nagkita tayo?"
"Di pa kasi ako handang magpakita sayo noon kaya iniba ko ang estilo ko kaya gano'n na rin ang nabanggit ko." Tumango naman ako sa sinabi niya.
Nakaisip nanaman ako ng isang tanong noong may nakita uli akong bagay.
"Dexter..."
"Hmm?" Tanong niya uli pero this time, napatingin siya sa akin saglit bago bumalik nanaman ang kanyang tingin sa daan.
"Ba't basag yang ipad mo at parang may kaunting dugo? Ba't nakalabas ang first aid kit mo kanina bago tayo pumasok dito? Ba't may benda iyang kamao mo?" Sunod-sunod kong tanong.
"Sinuntok ko ang ipad ko kanina nang makita kong may kausap kang di ko kilala. Sino ba siya? Sino yung lalaking umakbay sayo kanina?"
"Umakbay? Saan? Kailan?"
"Yung lalaking bago lang ata sa grupo niyo. Kanina duon sa sinehan." Malungkot na saad nito.
Bigla kong naalala si Mark.
"Ah, si Mark ba?"
"Ewan. Di ko nga kilala." Natawa ako ng mahina. Mapagtripan nga.
"Si Mark nga yun, yung crush ko. Gwapo nuh?" Nakita ko naman na napairap siya kaya natawa ako.
"Ano? Tuwang tuwa ka namang nagseselos ako?" Masungit niyang sambit.
"I love you." Napangiti na lang siya sa akin.
"Crush mo lang yung Mark na yun ah? At ako ang mahal mo."
"Opo."
"And I love you too." Sagot naman niya.
***
"JINJAAAAAAAAA?!" Bahagya akong napatagilid dahil sa sigaw ni ate Jenna. Pambihira tong babaeng to. Kung makasigaw wagas!
"Oo nga!"
Napairap naman si Joe at kumuha ng bayabas sa basket at kinagat ito.
"And so what?" Inilingan ko na lang yung chismosong yun. Di ko naman maintindihan ang sinasabi.
"Tulog na nga ako. Ingay niyo, eh." Sabi ko sabay punta sa kwarto.
Joe's POV
"And so what?" Tanong ko kay ate Jenna nang maintindihan ko ang gusto niyang ipahiwatig.
Ang sabi nga nila, everybody deserves a second chance.
Pero siya, si ate, twice is too much na daw.
"Tulog na nga ako. Ingay niyo, eh." Sabi ni Xia sabay layas.
Napa face palm na lang si ate Jenna.
"Hindi naman kasi sa gano'n! Gusto ko lang namang sabihin na, nasaktan na siya ni Dexter dati!" Inirapan ko na lang. Ang OA talaga nito kahit kailan.
"Di naman na siguro." Inirapan na lang ako nitong bruha. Oo na. Nakakabading man itong estilo ko, totoo at puro naman ang sinasabi ko. Bruha talaga yan eh!
"Alam mo Joe, di porque pinsan mo eh di na sasaktan iyang half sister mo." Umirap na lang ako at kumagat uli sa bayabas na kinakain ko.
"Edi sabihin mo na lang sa kanya ang gusto kong sabihin. Basta ang alam ko, relasyon nila yun. Sila na bahala sa kanilang mga sarili dahil malaki na sila. Alam na nila ang mali at tama. Basta ayoko na lang na mangialam." Sabi ko at nagpunta na sa likod ng bahay.
Napahilot na lang ako sa sintido at kinain na ang bayabas na kanina ko oa gustong ubusin. Pero dahil sa stress, naihagis ko na lang. Tinawagan ko na lang ang bestfriend ng kapatid ko. Si Ann na girlfriend ko.
Mark's POV:
Paglabas ko ng cr ay nakita ko si Xia na may kausap na lalaki. Holy crap! Ba't parang may kumikirot sa puso ko ngayon?!
"Mark..." Tawag ni Joe sa akin.
"Sino siya?" Iritadong tanong ko.
"Ano bang malay ko kung sino iyan ha? Ba't di mo kaya silipin? Tsaka isa pa, bakit ka naman nag-aalala? Tsaka baka yung ex niya iyan. Baka nagkabalikan." Sipain ko kaya to?
"Tignan mo nga kung sino." Utos ko sa kanya.
"Aba. At susundan pa kita, ah?" Sumeryoso ang aking paningin at akmang susuntukin na siya kaya siya lumayas at nilapitan sila.
Naghintay ako sa kanya. Nang matapos na ang kanilang usapan ay lumapit siya sakin.
"Mark, mukhang may problema tayo."
Kumunot naman ang noo ko at tumingin sa kanya.
"Yung lalaki, si Dexter, pinsan ko sa motherside na ex niya at higit sa lahat, sila na ulit." Nasipa ko naman ang paa niya kaya napasigaw siya sa reklamo.
"Halimaw! Para sa'n yun?!" Pasigaw na tanong niya at di ko na lang siya pinansin.!@#$/^&*() ano bang nangyayari sakin?
"Yiee. Selos si mokong." Umirap na lang ako at padabog na lumabas.
Tumambay ako sa fountains at nag-isip.
Gusto ko na ba siya?
Siguro gusto ko na siya.
Siguro gusto ko siya.
Oo nga, gusto ko na siya.
Kailangan kong gumawa ng paraan upang mapasaya ko siya at palitan ang sakit na ginawa sa kanya nung ex niya. Sinaktan na siya nung ex niya at handa akong pasayahin siya.
"Jon?" Napalingon ako dahil sa isang pamilyar na boses.
Siya nga ang tumawag sa akin. Bakit andito siya? Bakit nakita ko pa muli ang pagmumukha niya? Matapos ang lahat ng pangyayari, makikita ko nanaman siya?
"Ritzy..."
A/N:
#TheComebackS
#Problems
Uh-oh...
Ano ng mangyayari kila Dexter at Xia?
Magiging sila kaya forever o magiging si Mark din ang makakatuluyan niya?
Magtatagumpay kaya si Mark?
Sino si Ritzy?
Abangan...
xD
BINABASA MO ANG
The Love Band (COMPLETED)
Novela JuvenilAnong kayang mangyayari sa isang barkadang magkakapatid ang turingan kung sila rin naman ang magkakainlove-an? (Original Version) New Version: The Love Band (Ongoing) Plots, Settings, and Conflicts are partly edited.
