62. Mystery

92 7 0
                                    

Xia's POV

OMO! Mark?!

"A-ah M-ma---" Tumawa siya ng mahina. Geez! Ang cute lang niya.

"Hmm. Talaga nga ba? Crush mo ko?"

Tulala ako.

"Ah... eh... ano..."

"Oo." Hinampas ko naman si Ann dahil sa pagsulpot niya.

Tinawanan nila akong lahat kaya nagcross arms ako at tumingin sa labas. Hmmp. -.-

"Ah, okay." Salamat sa Diyos! Dipa nangulit tong si Mark kundi, patay ako ngayon sa kahihiyan.

Mommyyyyyyyyyyy! Kahihiyan ang bumabalot sa athnosphere ko ngayon kaya naman nang-aasar itong si Ann ulit ngayon. Huhu T.T

"Uuy! First time niyang mahiya!" At nagsitawanan ang lahat.

"May kahihiyan din kaya ako! Kaso, nasa talampakan lang." Kaya naman nagtawanan uli ang lahat.

"Congrats, fist time manahimik." At natawa nanaman ang lahat.

"Eh kung ikaw kaya ang manahimik ngayon." Saglit na natigilan ang lahat bago natawa nang kaylakas.

"Yiee. Galing mo." Pang-aasar pa ni Ann kaya inirapan ko na lang siya at di na pinansin.

Tahimik lang akong kumakain ng popcorn habang nanunood.

Sabi kasi ni manong driver Zach (peace pare koy!) na manood daw kami ng sine. Tapos horror pa na may halong romance. Tsk! Alam ko namang magdidiskarte lang siya kay Hope! At ito namang mga lalaki (except for Mark ^_^ ♡) gustong gusto naman nila. For sure papansin to the max nanaman sila.

Back to the present...

Medyo malayo kaming apat nila Andy, Kevin, at Mark sa 12.

Anim anim lang kasi ang bakante sa unang puwesto kaya nagpakalayo kami. Haha hugots eh!

Andito ako ngayon sa dulo tapos si Andy tapos Kevin tapos Mark.

Actually, pinatabi nila ako kay Mark ngunit naiilang ako. Nakakahiya kasi eh. Hihi. Ay pabebe! Haha!

Nang medyo sumakit ang ulo ko ay napahilot na lang ako sa sintido. Inikot ko ang aking paningin.

Bigla na lang nahagip ng mga mata ko ang lalaking kumakain rin ng popcorn.

Habang tinititigan ko ay nakikita ko nang di siya takutin. Kahit na ang lakas lakas ng sound ng movie ay walang ka emo-emosyong tinitignan lang niya ang screen. Minsan nga napapairap o napapangiwi na lang yun. Napataas naman ang mga balahibo ko ng napatingin siya sa direksyon ko kaya agad akong napatingin sa right side.

Kinakagat ko ngayon ang aking mga kuko. Sa totoo nga lang, sa kanya ako natatakot at hindi sa movie.

Masyado kasing malamig ang dating niya. Ewan ko. Ang cold niya lang.

Bigla naman akong nahimasmasan ng 5% ng makarinig ako ng napakagwapong boses.

"Ayos ka lang?" Napalingon ako sa kanya. Actually hanggang ngayon, naiilang pa rin ako at nahihiya. Tch! Ewan ko ba kasi kung paano sila nagpalit ni Andy ng pwesto.

"Dito ka nga sa gitna, ayokong may makatabi kang iba." Dinig kong bulong ni Kevin kay Andy na nagpairap na lang sa kanya at nakipagpalit na nga ng pwesto. Sus! Alam ko namang kinikilig ang bruha.

"Don't be shy..." Napatingin ulit ako sa kanyang napakaamong mukha.

Kung tinitignan mo siya, parang ang cold niya ngunit warm lang ang boses niya.

"... Alam ko namang trip trip lang to." Napairap na lang ako at nagkagat labi.

"Nakakatakot..." panimula ko. Bigla naman akong nagblush nang akbayan niya ako gamit ang kanyang kaliwang kamay at tinakpan ang mga mata ko gamit ang kanyang kanang kamay.

"Wala na." Napailing na lang ako sa sinabi niya at unti-unting kumalas sa posisyong iyon.

"It's not about the movie---" Naputol naman ang aking sasabihin ng bigla siyang nagpanic at sinagot ako.

"Sorry. Alam kong mukha akong bakulaw. I didn't mean to scare you." Sabi niya sabay kagat ng labi. Napairap na lang ako at natawa ng mahina.

"Di ka naman bakulaw. Gwap--- yung lalaking nakita ko sa kabilang side ang nakakatakot at di ikaw. Nakakakilabot siya." Muntikan na akong madulas doon! Buti di ko natuluyan yung pagsabi ko sa kanya ng gwapo!

"Asan ba?" Ngumuso na lang ako na para bang tinuturo kong yung lalaking nakakakilabot ang tinutukoy ko. He shrugged.

"Just don't mind him." Sabi niya sabay tingin sa screen. Bigla naman akong natunaw sa sinabi niya.. Oo na, filam ako (Feelingera - Ambisyosa).

"I just can't do what I want knowing that you're looking to someone else."

Tagos hanggang buto yung sinabi niya! Kyaah!!!! Para kasing ako yung sinasabihan ng bida eh! Pero yung babae pa la na leading lady niya ang sinasabihan pero kyaaah! Naging sila nung babae! ^_^

0///0

***

"Nakakakilig ang movie na yon!" Kinikilig na wika ni Avah.

At dahil sa katabi ko lang si Andre, narinig ko ang bulong niya.

"Balang araw, mapapakilig rin kita."

Natawa na lang ako. Tsk! Selos pa more!

"I know right? 'I just can't do what I want knowing that you're looking to someone else' daw kahit na tinitignan lang niya ng masama ang kalaban!" Pagsasang-ayon naman ni Zanea.

Tch!

"Todo bigay pa yung lalaki eh! Kyaah! Talaga yung lalaking conjurer na yun! Ginawa niya ang lahat para lang mapatahimik ang kaluluwa nung past ng babae!" Wika ni Alex na nagpakilig sa aming lahat. Imagine that? Nakiusap pa siya sa kaluluwang iyon na ibigay sa kanya yung babae.

Yung tungkol nama sa gusto daw niyang gawin, eh pagpipinta. Parang hinuhugutan lang niya yung pagpepainting niya:

Di daw niya kayang maipinta sa puso niya kung ang painting naman na nasa isip niya eh nakatingin siya sa iba.

Ganern! Kung nagets niyo, congrats. Nakaintindi kayo ng isang babaeng magulo katulad ko. Kung hindi, normal lang yan bessies!hahaha!

"Xia..." dinig kong tawag ng isang lalaki sa akin.

"Oh---" Saglit akong natigilan sa nakita ko.

This can't be. This isn't him.

A/N:

#Mystery
#Movie
#Kilig

Yow! Guys about sa akin:

Malapit na grad day. Kaya nga tinatapos ko na to para matapos ko na din yung dalawa pang libro na ongoing sa summer.

Yun pong:

Dear Fate

At

Breaking That Bad Boy Attitude

Nga po pala, di talaga ako sa love story ni Xia nahihirapan. Wala kasi talaga akong maisip na storya niya eh. Kaya pasensiya na sa kung ano mang kalalabasan nito kasi maski ako di alam ang kalalabasan ng mga pangyayari. Di ko nga rin alam kung sino yung mysterious guy na uun kasi nag-iisip pa rin ako hanggang ngayon kung sino siya.

Sana magustuhan niyo. Bahala na nga lang si Batman! Hihi!

Nga po pala:

After this story, di ko na tatapusin yung story ni Avah ay kasi:

Yad sloof lirpa yppah.

Sana maintindihan niyo...

Anyeong!

04-01-17
11:42 PM
1076 words

The Love Band (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon