Ann's POV
Dexter Oliveros sent you a friend request
OMG! Siya! Siya yung kumuha ng tumbler ko dati noong grade 6 kami. Tsk! Walang hiya talaga itong pinsan ni Joe. Haish!
Oh diba? OA lang.
Matapos ang pagiging OA sandali, nagpunta ako sa baba at nanood ng tv. Palipat lipat ako ng channels kaya lang walang interesting para sa'kin. Since naboboring ako, napagpasiyahan kong maglakad lakad muna.
"Mommy"- Tawag ko kay mommy nang makita siya na nakikipaglaro kay Shenna sa labas.
"Yes?"
"Maglalakad lakad lang ako"- Tinanguan lang niya ako kaya umalis na ako.
Huminto ako sa park ng subdivision namin. Buti wala masyadong mga tao. Hanggang sa may batang humawak sa binti ko.
"Yes, ba---"
Teka. Pamilyar itong batang 'to ah.
"Asan mga magulang mo?"- Inilingan lang niya ako. Hmm.
Binuhat ko siya at dinala sa mall at binilhan ng pagkain.
Dinala ko na din siya poloce station.
"Tito"- Tawag ko sa tito kong police rin.
"Bakit Ann?"
"Batang kalye ata 'to. Wala daw parents"- Sabi ko.
"Okay sige. Akin na 'yan at kami nang bahala"- Tinanguan ko lang siya at ibinigay na ang bata.
Palabas na sana ako kaya lang bumalik uli ako sa loob.
"Baby, anong pangalan mo?"
"...mi"
"Ha?"
"Yumi"
"OK"- At tuluyan na akong umalis. Yumi... Yumi...
Napatigil ako sa paglalakad nag maalala si Joe. Tama. Kaya pala pamilyar ang batang 'yan. Tumakbo ako papunta sa bahay nila Joe.
***
Joe's POVSimula nang sumakit ang ulo ni Ann, doon ko naisipang dumiskarte. Buti na lang at may Vodka. Kung walang Vodka, hindi siya iinom, kung hindi siya iinom, hindi sasakit ang ulo niya, kung hindi sumakit ang ulo niya, walang diskarte, pag walang diskarte, wala! Walang pag-asa!
Nung nasa dyip kami, buti na lang at inantok siya, kung hindi, hindi ko siya pinatulog sa dibdib ko. Buti na lang at 'di bumilis ang tibok ng puso ko, kung bumilis, siguradong mapapansin na niya 'to. At buti na lang tulog siya, kung hindi, hindi ko siya nalibre.
Nung naglalakad kami, inakbayan ko siya. Buti na lang at akala niya yung magpare na akbay 'yun, kung hindi, itinulak na niya ako. Buti hindi siya 'yung ganoong klase ng babae. At may bonus pa! Inakbayan din niya ako. Naks! Good job talaga ako. At nung nagprisinta ako sa mommy niya, mukhang okay na okay ako sa mommy niya, niyakap din ako ni Shenna. Galing ko talaga! Close ko din si kuya Vincent since mga bata pa kami nila Ann. Okay na ako dun. Okay na din ako kay Deric. Kay ate Jie na lang. Patulong ako kay Alex.
T*kte! Napakalalaki kong tao, kinikilig! F******t.
Bumalik ako sa katinuan nang niyugyog ako ni ate Jenna.
"Nakikinig ka ba!?"
"Hindi"- Inirapan lang niya ako at nagbuntong hininga.
"NAWAWALA PO SI YUMI! NAWAWALA PO SIYA!"
"Bakit ako sinisisi mo?"- At katulad kanina, inirapan niya ulit ako.
"Hindi kita sinisisi. Ayan kasi, 'di ka nakikinig..."- At kinamot pa niya ang ulo niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/82334408-288-k299079.jpg)
BINABASA MO ANG
The Love Band (COMPLETED)
Teen FictionAnong kayang mangyayari sa isang barkadang magkakapatid ang turingan kung sila rin naman ang magkakainlove-an? (Original Version) New Version: The Love Band (Ongoing) Plots, Settings, and Conflicts are partly edited.