Dexter's POV:
Nagmumukha man akong stalker - stalker na nga pala talaga ako ngayon.
Andito ako sa likuran ng malaking paso na may tanim na malaking halaman at pinapanood sila nang makasakay ang lahat ay pumasok na din ako sa kotse ko at sumakay na.
Para di nila ako mapansin, dumaan ako sa isa pang daan patungo sa patutunguhan nila.
Itong cellphone ko kasi ngayon ay yung cellphone ko rin noong kami pa lang ni Xia. At ang GPS niya ay nakaactivate pa rin dito. Buti naman at di pa niya napapalitan ang phone niya.
Sa mall pala sila nagpunta. Nagulat na lang ako nang bigla ko silang nakita sa parking area at katabi ko pa ang van ni Zach na sinakyan nila.
Sana di nila ako mapansin dito sa loob ng sasakyan. Tsk!
I was so schocked when I saw a stranger talking to Xia. Okay lang sa akin kung yung mga kilala ko pero iba siya. Sino ba yun? Hindi ko namalayang dumudugo na pala ang kamao ko sa kakasuntok sa ipad ko at basag na yun.
Wala na akong pakialam dito. Ang pinapakialaman ko na lang ngayon ay si Xia at yung lalaking kausap niya.
Ba't ba parang ang daming nangyari? Meron nga din akong nakitang kasama ni Andy na kaharutan niya na lalaki.
May bago na ba silang miyembro ng barkada nila?
Kung sana di lang ako nagpakag*go noon, eh di sana di ako nasasaktan nang ganito ngayon. Di ko na sana ginagawa to ngayon.
Tsk! Masakit ang sugat ko ngunit sobrang sakit ng sugat sa puso ko.
Aaminin ko, sinaktan niya ako ngunit mas masakit ang ginawa ko sa kanya.
Malamang ba, pagdududahan niya talaga ang pagmamahal ko sa kanya kapag nakikita niyang parang may mahal pa akong iba.
May rason talaga ang pananakit niya sa akin. At ang rason nito ay, ang pananakit ko rin sa kanya. Hindi ko siya sinaktan physically. Never ko yung ginawa sa kanya. Ngunit sobrang sakit ang nagawa kong pananakit sa kanya emotionally.
Parang may hanging dumapo sa katawan ko ng manginig ako.
Umiiyak na pala ako.
Kinuha ko na lang ang first aid kit at ginamot ang sugat ko.
Paglabas ko nang sasakyan ay nilock ko kaagad ito at tinignan ang GPS.
Nasa pila sila ng sinehan.
Pumunta na lang ako doon. Mabuti na lang at saktong pupunta sa cr si Xia kaya nakahinga ako ng maluwag. Si Zachary lang naman ang nandito kaya madali ko siyang taguhan.
Di niya ako mapapansin kung iba ang galaw ko. Kilalang kilala na niya ako kaya alam na alam na niya ang estilo ko. Sa paggalaw kasi ng tao ang kinukuhanan niya ng pansin. Halimbawa, yung estilo ko, titignan niya ako tsaka ka na niya makikilala. Kapag naman iba ang estilo ko, wala na siyang pakialam.
Nakahinga naman ako nang maluwag nang makapasok na ako sa cinema house.
Ngayon ko lang napagtanto na horror pala ang genre ng movie.
Wala akong pakialam sa mga horror. May paki lang ako sa mystery/thriller.
Siyempre may popcorn rin ako. Para kahit papano, malibang naman ako.
Nasa puwesto ako na kung saan makikita mo pa rin si Xia.
Tumangkad lang siya ng lalo at lalo pang gumanda.
Napansin ko namang tumingin siya sa akin kaya napatingin ako sa screen at nanood na lang. Di ako nagugulat o natatakot sa movie dahil mas nakafocus ako sa aking peripheral view.
Napapangisi o napapairap na lang ako kapag nakikita ko yung lalaking di ko naman kilala na tinitignan si Xia.
Nagulat ako bigla nang makitang inakbayan niya siya at tinakpan ang mga mata niya.
Wala na akong pakialam sa sound mula sa movie na sobrang nakakatakot dahil mas nakakatakot ang nakikita ko ngayon.
Natatakot akong naka makuha niya siya.
She's mine. She's mine!!!
Galit na galit na talaga ako ngayon. Pasalamat siya meron akong respeto sa lugar,sa mga nanunood, at sa babaeng mahal ko.
T****** mo brad! Akin lang siya!
Matapos ang movie ay nakapagpasiya na akong magpakita sa kanya.
Nang makahanap ng tiyempo na wala ang lalaking yun ay lumapit ako at tinawag siya.
"Xia..." Halos pabulong kong saad.
"Oh---" Halata namang nagulat siya nang makita niya ako.
"Hindi ka siya. Iba siya sa iyo." Wika niya na nagpasakit sa aking damdamin. Nakamove on na ba siya sa akin? Di na ba niya ako mahal?
"Xia, ako 'to." Wala nang babackout kaya medyo nilakasan ko na ang boses ko.
Nasasaktan ako tuwing nakikita kong umiiyak siya.
Sa tuwing pumapatak ang luha niya ay lalo lang akong nasasaktan.
Mahal ko siya at ayaw kong masaktan siya.
Niyakap ko na lang siya. Baka sakaling maiexpress ko ang comfort at pagmamahal ko sa kanya.
Naramdaman ko namang niyakap niya ako pabalik kaya hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya.
Kung pwepwede nga lang na ganto ang posisiyon namin habang buhay...
"I don't love her anymore. You're the one I love, Xia. Sorry for hurting your feelings. I love you." Bulong ko sa kanya habang yakap yakap pa rin siya. Totoo ang sinasabi ko. Puro at walang halong biro.
Lalo siyang naiyak. At dahil doon, parang may sampung kutsilyong sumaksak sa puso ko.
"Sorry din sa lahat. Pero, paano ko mapapatunayang mahal mo nga ako?" Kumalas ako sa pagkakayakap namin at hinawakan ang magkabila niyang pisngi.
"Tignan mo ako sa mata," utos ko na sinunod naman niya. "Ikaw ang taong mahal ko, Xia." Niyakap ko siya. Gusto kong malaman niya na mahal na mahal ko siya di lang sa salita kundi dahil rin sa gawa.
"I love you..." bulong niya. Humigpit pa ang yakap ko sa kanya.
Nagkakaintindihan kami nitong si Xia. Tuwing may LQ kami, basta may 'I love you' siyang ibig sabihin nun ay okay na. Kami na ulit.
"Xia..." Napatingin siya sa lalaking nasa likod ko.
"Joe..." Bulong niya kaya napalingon
"Dexter?"
"Ikaw pala." Sabi ko habang pinupunasan ang luha ni Xia.
"B-bakit?..." We cutted him off.
"Nagkabalikan na kami." Sabay naming sambit. Kami na nga talaga.
"Ahh. Di woah. Sige, layas na ko, ah?" Tumango na lang kaming dalawa kahit ganon ang sagot niya.
Tumingin ako sa kanya at hinalikan ang gilid ng noo niya.
Napatingin din siya sa akin at parehas kaming nakangiti ng abot tainga.
"I love you..." sabi ko.
"And I love you too..." Sabi niya.
A/N
Oh ayan kinikilig na ako. Enebe?!
Bago ako magstorya eh gusto ko munang ipaalam sa inyo ang mga #'s
#TheComebackTwo
#TogetherAgain
#JealousMark
#PDA
(Ipapaalala ko lang po na nasa mall sila nung mga oras na iyon haha!)
Ano kayang susunod na mangyayari?
Gusto nga rin ba ni Mark si Xia?
Mag-aaway kaya sila? O tatahimik na lang si Mark?
Abangan! ;*
BINABASA MO ANG
The Love Band (COMPLETED)
Teen FictionAnong kayang mangyayari sa isang barkadang magkakapatid ang turingan kung sila rin naman ang magkakainlove-an? (Original Version) New Version: The Love Band (Ongoing) Plots, Settings, and Conflicts are partly edited.
