Andy's POV
Nagulat ako nang si Kevin ang bumungad. Maski siya at si Hope gulat rin.
Papalapit siya nang papalapit sa amin hanggang sa nakarating na nga sya sa lugar namin.
"Surprised?"
"I-ikaw..."- Ibinaba niya ang nakaangat ko na kamay dahil itinuturo sya.
"Yeah. Mukhang ngayon mo nga lang ako nakilala"- Parang nalunok ko ang dila ko nang marinig ko iyon. Seriously?
"Oh guys, kain na muna tayo"- Pagsulpot ni tita Tori. Kung paano ko nalaman, ayun ay naalala ko na.
Nagpunta kami sa dining room nila. Hihilahin ko sana ang upuan kaya lang nagprisinta si Kevin na hilain yun. Wala naman na akong magawa kaya hinayaan ko na lang.
Tahimik lang kaming mga bata sa hapag kainan. Sina mommy, daddy, tita Tori at tito Kenneth lang ang nagkwekwentuhan.
Nang matapos na kaming kumain ay nagpunta kaming mga bata sa labas ng bahay nila.
"Di ako lalaki pero tinatawag kitang noona, haha"- Dinig kong kwentuhan nila ate Belle at unnie Taylor. Tss. Umalis na lang ako sa aking kinaroroonan at lumapit kila Kevin at Hope.
"Kevin.."- Tawag ko sa kaniya at tumabi kay Hope.
"Oh?"
"Ba't 'di mo sinabi sa akin agad na magkakilala na pala tayo noon pa?"- Tanong ko sa kaniya.
"Sorry ba naman, di ko alam kung bakit"
"K fine. Ano nga pala yung sinasabi mo sa akin dati?"
"H-huh? Ang alin?"
"Yung magbabasa tayo? Yung 'I can't stop l...... .ou?' Tapos, ano nga pala yung meron doon sa bracelet at nagmamadali kang kuhanin yun?"
"Ah, yun ba?"- Sabay kamot sa batok niya.
"Oo! Tsk! Ano ba?!"
"Teka, andito pa po ako"- Lumingon kaming dalawa kay Hope. Psh.
"Teka, kailangan naming mag-usap"- Hinila ako ni Kevin pagkasabi at pagkasabi niya no'n.
Dinala niya ako sa may kung saan. Joke! Sa likod ng subdivision nila.
"Oh bakit?"- Inip na tanong ko.
"Yung libro, paborito mo yun. Binasa ko yung info niya at nagustuhan ko iyon. Kaya gusto kong basahin din. Tsaka isa pa, namiss ko ring magbasa na kasama ka. Yung bracelet, sinabi ko sa sarili ko na, kapag nakita muli kita, ibibigay ko iyon sayo. Pero nilamon ako ng hiya kaya di ko naibigay sayo. Yung sinabi ko, sabi kong 'I can't stop loving you' noon pa lang, gusto ko nang sabihin sa iyo 'yan. Pero, 'di ko masabi sabi. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para sabihin sayo ang mga iyan. At dahil nasabi ko na ilahad mo ang kamay mo"- Nanuyo ang lalamunan ko nang narinig ko iyon. Inilahad ko na lang ang kamay ko.
Naramdaman ko na lamang ang malamig na chain ng bracelet na inilagay niya sa wrist ko.
"Ayan, bagay sayo"- Sabi niya na nakangiti pa. And for the nth time, lumakas nanaman ang kabog ng dibdib ko.
"Balik na tayo at baka hinahanap na nila tayo"- Tumango na lang ako at sinundan siyang nakayuko.
Hanggang sa naramdaman ko ang kamay niya sa wrist ko. Tumingala ako para malaman kung anong nangyayari. May paparating pa lang motor. Salamat sa kaniya at niligtas niya ako mula sa kapahamakan. Masyadong mabilis ang pangyayari kaya nalaman ko na lang na nakadapa na kami sa gilid ng kalsada.
Nakita ko sa aking peripheral view na tumayo siya. Tinulungan niya akong makatayo at nang makatayo na ako ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.
"Okay ka lang ba?"- Tinanguan ko na lang siya.
"Thank you"- Nagbuntong hininga siya at niyakap ako.
Napapikit na lang ako at niyakap din siya pabalik. Tsaka ko lang nalaman na umiiyak na pala ako nang marinig ko ang pagsinghot ko.
"Shh... stop crying. Ligtas ka na"- Ngumiti na lang ako at tumango kahit na bumabagsak pa rin ang mga luha ko. I feel safe in his arms. Nang mahimasmasan kay kumalas na rin ako sa pagkakayakap namin.
"Okay ka na?"- Tinanguan ko ulit siya. Tinanguan niya din ako at nginitian. This time, kamay ko na ang hinawakan niya. Maglahawak ang aming mga kamay pabalik sa bahay nila.
Mabuti na lang at di nila kami nahuli.
Alam naman ni Hope na mababatukan at masisipa ko siya tsaka papalitan ko ang password ng wifi at di ko siya papansinin pag sasabihin niya kahit kanino ang nangyari. Oo tama kayo, ganiyan ko yun inaabuse! Alam niya kasing lumabas kami ni Kevin pero di niya alam na malapit na pala akong maaksidente.
Ilang minuto pa ang lumipas at umuwi na rin kami, pagdating namin sa bahay ay may na receive akong text.
Okay ka na?
- KevinNgumiti na lang ako at nireplyan siya.
Oo, okay na ko. Thanks and sorry nga pala kanina.
Pagkatapos kong i-hit ang send ay sinave ko sa contacts ko ang number niya.
No kaba? Okay lang yun. Atleast you're safe. Tulog ka na at baka mapuyat ka pa
K. Gud nyt
And hit sent.
Di ko na hinintay kung magrereply pa ba siya o hindi. Humiga na lang ako sa aking kama at tumingin sa dingding.
Kinuha ko ang phone ko nang marinig kong nagvibrate yun.
Nga pala, namiss kita noon. Nakagat mo ba yung dila mo?
Bigla kong naalala yung time na nakagat ko yung dila ko. Si Kevin pala yun.
Ikaw talaga. Oo nakagat ko. Pero baka naman si ate Kyla?
(Kyla = Taylor)
Pangtritrip ko pa sa kaniya.
Hindi nga! Ako yun. :( sige na bye
Haha. Stop pouting, you're getting even cuter
:)
Naniwala naman agad. Pft. Kunyari totoo na lang yun.
Haha. If I know, gwapong gwapo ka sakin. Haha geh baka mapuyat ka pa!! Bye!!
Di ko na lang siya nireplyan at nagbihis tsaka toothbrush at humiga na muli sa kama, inisip ko na lang ang lahat ng mga nangyari kanina hanggang sa dumilim ang kapaligiran.
(A/N:
Well, well, well! Here's a short update! @Blue_Rose yung wifi mo dalhin mo ulit sa school hahaha! Kailangan kong mag-update. Tsk! Haha!
Nga pala, di ko na nilagay yung kanta kasi di ko memorize yung lyrics. Yung please forgive me, I can't stop loving you lang ang alam ko hhahaha!
Hope 'ya like this chapter. Last na yung next chap. Aww. Joke. Last ng chapter ng KAndy yung nxt hee hee. Geh bye!
#Revealed
#Bracelet
#ICan'tStopLovingYou
#K_evin
#AlmostAnAccident
#FeelSafeInHisArmsAdios!)
![](https://img.wattpad.com/cover/82334408-288-k299079.jpg)
BINABASA MO ANG
The Love Band (COMPLETED)
Fiksi RemajaAnong kayang mangyayari sa isang barkadang magkakapatid ang turingan kung sila rin naman ang magkakainlove-an? (Original Version) New Version: The Love Band (Ongoing) Plots, Settings, and Conflicts are partly edited.