JB's POV:
"Guys! Alas tres na!" Dinig na dinig sa buong sulok ng kwarto namin ang sigaw ni Deric. Grabe talaga ang lalaking to. Kung makasigaw wagas! Kung ito ang magiging alarm clock namin tuwing umaga, magagawa niya yun effortlessly.
"Ano, b*tch? Bihis ka na." Sabi ko kay b*tch na naglalaptop pa. Hinalikan naman niya ako sa pisngi bago kinuha ang kanyang mga damit at nagbihis sa loob ng CR. Matapos niyang lumabas ay tinanggal ko lang ang shirt ko sa kama at isinuot ang sando ko.
"So? Shall we go now?" Natawa na lang siya at sinabing 'tara na.'
Pagdating namin sa salas na magkasama ay nadatnan naming nakaready na ang lahat lalong lalo na si Deric. Grabe talaga sayad netong lalaking to! Makapag sunblock naman wagas!
"Alex." Tawag ko kay Alex.
"Hmm?" Sabi niya na nakangiwi dahil na rin siguro sa itsura ng boyfriends niyang halos pagkamalan mo ng multo sa sobrang puti ng mukha.
Ngumuso ako sa direksyon ng boyfriend niya. Nag kibit balikat lang siya at kinuha na ang sunblock.
Pumalakpak naman ng tatlong beses ang kaniyang kasintahan at tumayo na mula sa pagsqusquat sa sahig.
"Tara na!" Nakatopless ang maluwag ang turnilyo na yun at nauna pang lumabas. Umiling na lang kaming lahat at sinunod na siya.
Magkahawak-kamay kami ni b*tch patungo sa pool.
May mga deluxe na shower sa labas at malapit mismo sa pool na nakapwesto sa mataas na parte. Mountain resort kasi ang pinuntahan namin kaya gano'n.
(A/N: Pagbasehan niyo na lang po ang background nila Andre at Avah sa past chapter [ 85. Corny ] Oryt?)
"Oh tara na." Sabi ko sa kanya at nagngitian lang kami. Nakapulupot ang kanang kamay ko sa bewang niya.
Magkahawak kami ng kamay at nagtanguan.
"I, 2, 3!" At tumalon kami sa pool na 6 feet ang taas. Marunong kaming dalawa lumangoy kaya ayos lang. Nagclasses din siya ng swimming kaya ang galing niya.
Tawanan, kulitan, at kwentuhan ang ginagawa namin habang lumalangoy. Minsan kapag napapagod kami, nagflo-float kami sa tubig at nagkwekwentuhan ng kung ano-anong bagay.
Matapos magpahinga ay nagpasiya nanaman kaming lumangoy. Bago kami lumangoy ulit ay inaya ko na muna siyang magfloat patayo.
Nakahawak siya sa magkabilang balikat ko at nakahawak naman ako sa bewang niya. Bahagyang nagtataka ang kanyang ekspresyon sa mukha dahil na rin siguro sa pag-aya ko sa kanya.
"Gusto ko lang ipaalam sayo na, kahit marunong kang lumangoy, kung malulunod ka, hindi ko gugustuhing kumapit ka sa isang palutang. Ok lang sa akin na malunod ako kung kakapit ka sa akin kaysa naman ikaw malunod." Mas lunawak ang kaniyang ngiti kaya mas sumingkit ang singkit niyang mata.
"Jerk, kung malulunod ka man, isusunod ko na rin ang sarili ko." Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Pero sigurado ako, hindi iyon mangyayari." Nakangiting sabi ko.
"Oh diba? Makasalita ka ng gano'n kanina sasabihin mo ring hindi yon mangyayari." Natatawang saad niya.
"Sinasabi ko lang naman sayo na ako ang knight and shining armour mo." Natawa kaming pareho.
"Asus! Daming alam nito!" Natatawa niyang asar.
"That's why I love you!" Sabi ko tapos hinalikan siya sa noo.
"And that's why I love you too."
***
Zachary's POV:Sinundan namin ni Hopie babe sina Zan at JB sa 6 feet pool.
BINABASA MO ANG
The Love Band (COMPLETED)
Genç KurguAnong kayang mangyayari sa isang barkadang magkakapatid ang turingan kung sila rin naman ang magkakainlove-an? (Original Version) New Version: The Love Band (Ongoing) Plots, Settings, and Conflicts are partly edited.