61. Unexpected

99 4 0
                                    

Xia's POV

Shet! Gwapong gwapo talaga ako sa kanya.

Yieeee!!! Tinatamad na akong magkwento kaya i-iimagine ko na lang. Yieeee!

*Flashback*

"Haha! Talo!" Pang-aasar ni Ann sa akin.

Inirapan ko na lang siya at nilayasan sa computer shop. Tutal siya naman ang nanalo kaya siya nang magbayad sa shop.

Kunyari nag walk out ako pero hinintay ko lang siya sa labas. Nakakahiya naman kasi sa kanya kung iiwan ko siya.

5 mins. 10 mins. 15 mins. 20 mins. 25 mins. 30 mins.

Antagal naman nung babaitang iyon! Additional 5 minutes pa, ha? Kung di pa bubungad mukha niya in just 4 minutes and 50 seconds, ako ang bubungad sa kanya.

3. 2. 1.

Urgh! At dahil nga naman sa nakakahiya sa kanya kung siya pang lalapit sa akin, ako na lang ang pumasok.

"Hoy babaita! Ba't anta---" Natahimik ako nang biglang tumalikod yung kausap niya.

Gawd! I'm so dead. ×_×

He's so handsome! ♥_♥

"Hi, Xia!" Bati niya sa akin na nagpatunaw sakin.

--- Char!

OMG!!! Kyaaah! Ang gwapo talaga. Tititigan ko pa sana ang gwapo niyang mukha nang marealize ko na baka marindi siya sakin kaya sumagot na lang ako.

"Ah, h-hello!" Bati ko pabalik.

"Maupo ka na muna." Offer pa niya sa kanyang seat.

"Ah s-sige. Thanks." Pagtanggap ko at umupo na sa inuupuanan niya kanina habang siya nama'y kumuha ng bago niyang upuan.

"So... ano ng sumunod?" Tanong ni Mark kay Ann habang ako'y walang kaalam-alam sa pinag-uusapan nila.

"So ayun na nga, basta noong nangyari yung mga pangyayaring yun sa gabing yun, punong-puno na ang messages ko sa kakatext ng pres natin. Over protective kay Andy e. Kahit di PA naman niya gf." Sabi niya na inemphasyze pa ang "PA".

Tsk! Dami talaga nilang alam!

"Uhm, di naman po sa nang-iistorbo pero, meron pa po ako dito, hello?" Sabay kaway.

"Haha. Tungkol lang to kay Kevin." OMG!!! YIEE! WHAHA! Pinansin daw ba ako.

"Ah okay." ^.^

"Ahemm. Oh sige na, una na kami." Aayaw pa sana ako kaya lang nandito siya e kaya aww. T_T

"Sige, ingat. Kaw rin Xia." Awrermgry! Whehheeh!

"Ah, hehe. Sige ikaw rin." Ay pabebe!

Nang makalabas na kami ay hinampas ako ni Ann ng napakalakas sa braso.

"Oy pabebe!" Sigaw niya sabay tawa pa ng malakas.

"Duh!---"

"H'wag ka nga diyaan! Kita ko naman sa pananalita moooooow!" Inirapan ko na lang siya at hinila sa nadaanan naming sari-sari store.

"Ano nanaman? Kanina lang tayo kumain, ah."

"What's youe paki ba if I'm gutom?" Ngumiti siya ng kaylapad at inirapan din ako.

"Duh! Conyo pa more. Pero alam ko namang inlove ka pag kumokonyo ka!!!!"

"Edi wow! Ahh, ale, pabili nga po ng coke. Pakilagay sa plastic. Yung 12 oz po, ah?" Sabi ko sa tindera.

The Love Band (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon