Andre's POV:
"Brad, pano ka ba dumiskarte kay Hope?" Kumunot ang noo niya nang tanungin ko iyon. "Wala lang, humihingi lang ng advice?" Napahalakhak siya at uminom ng tubig. Andito kami ngayon nakaupo sa bench. Tapos na kasi ang laro namin at nagpapahinga lang kami.
"Tinatanong ko ba kung papano ka dumiskarte duon sa inglesera?" Napairap ako at uminom ng energy drink. Napahalakhak na lang siya at tinapik ako sa balikat.
"Hmm. Sabagay, sino pa ba ang taong gusto mo, diba siya lang naman?" Natatawang tanong nito. Nakatingin lang ako ng diretso sa nagkukumpulang mga babae dahil sa tapos na ang kanilang klase.
Napatingin na lang ako sa kanya.
"Hmm. Tinitignan niya nanaman." Napairap ako at tumingin kay Zach.
"Ang hirap kasing umamin lalo na sa kanya. Siya kasi yung tipong ayaw mainlove dahil ang alam niya sa pag-ibig, iyon lamang ay isang sakit na magpapahina at magpapababa sa iyo. Alam mo yun?" Nakakunot noo kong tanong at napatingin uli sa kanya. Tinapik ulit niya ako sa balikat.
"Alam mo, Andre. Kilalang kilala ko na iyang si Avah. Kung magkakagusto man iyan sa isang tao, ang mga taong nasa paligid niya ang unang makakakilala nito bago sa sarili niya." Uminom uli ako ng energy drink at nagtanong muli.
"Eh? Ano namang kinalaman niyan?" Naguhuluhang tanong ko.
"Manhid siya at torpe ka. Malay mo magkagusto pala iyan sayo? Oh? Asan na narating niyo?" Napatawa na lang ako ng mahina at umiling.
"Malabong magkakagusto siya sakin." Sabi ko na lang at uminom sa energy drink ko.
Nakita ko naman sa aking peripheral view na nagkibit balikat siya at napailing.
"Sasagutin ko na lang ang unang tanong mo," Panimula niya kaya napalingon ako sa kanya. "Kung determinado kang gawin ang lahat upang ipadama sa isang tao ang pangangalaga at pagmamahal mo sa kanya, dapat gawin mo ang lahat. Hindi mo na kailangang mag isip pa ng paraan upang magpa impress para sa kanya, all you have to do is to sacrifice yourself for the woman you love. Kahit na madisgrasya ka pa, kung ayaw mo namang makitang masaktan ang taong mahal mo, eh di iligtas mo. Ako kasi, kahit malunod ako sa kalawaklawakang karagatan, mahulog sa napakataas na bangin o bundok, mauhaw sa paglalakbay sa disyerto basta maiiligtas ko ang taong mahal ko, eh di gawin!" Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Kahit papano eh nagbago din naman itong ugali ng mokong na to. Cassanova lang yan eh pero ngayon, kita mo naman, nagseseryoso na. Napakabuting impluwensya naman talaga nitong si Hope!
***
Hindi ako nagplano kagabi. Sa pagkakaintindi ko kasi sa advice ni Zachary kahapon eh just go with the flow.
At ito na nga ang ginagawa ko ngayon, ang pakikisabay sa agos ng buhay.
Mahirap man, buwis buhay man, gagawin ko ang lahat para kay Avah.
Ito na, tapos na ang klase nila. Tumayo ako at pinampag ang pants ako.
Ngumiti naman ako nang makita ko siya.
"Oh, andito ka pala." Sabi niya ng nakangiti. Ba't ba ang cute niya?
"Ah eh. Hinihintay kasi kita. Akin na yan." Sabi ko sa kanya habang tinutulungan siyang buhatin ang ibang books niya. Jusko! Nagagawa niyang basahin ang lahat ng mga ito sa iisang araw lang?
"Yeah. I can read five topics of each one of my books in just one day." Mind reader ba ito? Nakakakilabot naman siya. "And, just wanna remind you that, it's been 14 years since we became friends." Naintindihan ko na. Ang sabi niya, kilalang kilala niya na raw ako kaya gano'n. Oh well, di siya na ang matalino.
Pagdating naman namin sa student's park ay naulanan nanaman kami ng tukso.
"Maging kayo na!"
"Yiee!"
"Ligawan mo na!"
"Bagay talaga sila!"
"Opp! Diskarte alert! Diskarte alert!"
Umiling na lang ako tsaka inilapag ang tatlong makakapal na libro niya at sa tingin ko, Science dictionary, English dictionary, at Filipino dictionary ang mga iyon.
"Grabe ka naman, Lou. Andami mo namang binabasa." Napangiti na lang siya at natawa ng mahina.
"Eh sa kailangan, eh." Sabi niya habang ipinatong ang apat na textbooks niya sa mga librong nakalapag sa bench.
"Oh siya. Anong kailangan nating pag-usapan?" Tanong ni JB.
"Guys, bukas na ang last review namin ni Andy at sa susunod na araw na ang Semi-finals." Sabi ni Avah. Talaga?
"Goodluck." Sabi ko.
"Thanks." Sagot naman niya.
"Ahem." Napairap ako kay Hope at hinampas siya. Jusko! Pasalamat siya ayun lang inabot nya sakin kundi sinabi ko na lahat ng sikreto niya.
"*hahahah!*" Ang napakalakas na halakhak niya.
"Siraulo." Bulong ko. Hinaplos naman ni Zachary ang braso niya na hinampas ko. Jusko! Mga lovebirds nga naman.
"You're bad, Andre." Inirapan ko na lang si Zachary at nag de quatro.
"Goodluck!" Sabay-sabay nilang sambit na nakabungisngis pa.
Natawa naman si Andy ng napakalakas at sumagot.
"THANKS!" Haist. Nang-aasar nanaman ang mga loko. Hinampas hampas naman ni Avah ang braso ni Andy na grabe pa ang halakhak kaya napairap na lang ako.
"Alluh! Andy naman!" Sabi niya at nagcross arms. Hehe. Ang cute.
"May naiinlove." Napatingin ako ng masama kay Hope at inirapan siya. Jusko Hope! Sabihin ko kaya sa kanilang lahat mga sikreto mo? Ewan ko na lang kung ganahan ka pang mang-asar.
"Sabihin ko kaya mga sikreto mo." Bulong ko na mapang-asar. Tila natahimik naman siya at kumapit ng napakahigpit sa kamay ko.
"Alluh!" Kinuha naman siya ni Zachary at pumagitan samin. Napahalakhak na lang ako ng malakas at tinapik siya sa balikat.
"H'wag kang mag-alala, di ko siya aagawin." Natawa na lang kaming pareho at nakipagkwentuhan.
***
"La la la la la~ may dumidiskarte kay Avah." Inirapan ko ang kapatid ko at nilakasan ang volume ng TV. Masyadong nakakairita boses nito eh.
"Oyy ang ingay!" Dinig kong sigaw niya kaya hininaan ko ulit.
Pasalamat siya mahal ko pa din siya kahit na bruha.
"Uyy, kuya! Bestfriend ko si Avah kaya kung magiging kayo, please, h'wag mo siyang sasaktan." Napairap na lang ako. Sa tingin ba nila magiging kami? Labo.
"Hindi magiging kami. Malabong mangyari yun." Sabi ko.
"Tsk! If I know, kinikilig ka rin." Oo, nakakabading man pakinggan, kinikilig ako ngunit hanggang salita lang yun.
"Tsk!" Ang tanging nasambit ko at napangiti.
A/N:
Oh ayan, panimula pa lang yan, huh?
Hanggang kailan kaya ang katorpehan ni Andre? Ang pagiging manhid ni Avah?
Kamusta naman sila?
Abangan! ♥♥
#Diskarte
#GoodInfluence
#TheCassanovaPrinceIsGone
#Advice
#Books
#MindReader
#Secret
(P.S.: Irerevise, I-eedit, or papalitan ko ang mga chaps nila kasi masyadong mabilis ang nga pangyayari, oryt? :*)
BINABASA MO ANG
The Love Band (COMPLETED)
Novela JuvenilAnong kayang mangyayari sa isang barkadang magkakapatid ang turingan kung sila rin naman ang magkakainlove-an? (Original Version) New Version: The Love Band (Ongoing) Plots, Settings, and Conflicts are partly edited.
