13. Drama

218 6 0
                                    

Zanea's POV:

Matapos akong maligo ay sabay na kami ni Avah na tumungo sa labas ng bahay.

Nadatnan na lang namin doon ang mga unggoy na naglalagay ng kanilang mga bagahe sa likuran ng van ni Zach.

"Guys! Better help, Zanea here! My hands are so tired ang I cannot help her carry her things!" Sigaw niya at naupo sa upuan ng van ni manong driver Zach pero nakalabas pa rin mga paa niya dahil naka-open ito.

"Sus! Feeling tired daw." Gatong ni Zach nang matapos na niyang icheck ang mga gulong.

"Awat na, guys. Mauwi pa yan sa sapakan, eh." Tinawanan na lang namin si Hope.

"Ay sus! Pakipot lang ang bruha! If I know, selos ka lang diyan, eh!" Gatong ni Deric.

"Whoo! Rock n' roll!" Sigaw pa ni Andy.

"Aba bastos 'tong mga batang 'to, ah? Hindi kaya ako nagseselos." Bigla namang tumayo si Avah at tinanggal ang sunglasses niya at pinaglaruan ito.

"Hopie does not have to be jealous. Everyone knows that Zach's yours and you are his property *wink*" Malokong sabi ni Avah at sinuot ulit ang kanyang sunglasses tapos humiga ngunit nakalabas pa rin mga paa niya.

"Hopie..." Panimula ni Zach at inakbayan siya. "H'wag kang magselos sa mga taong nasa paligid ko, kasi lahat sila, alam nilang ikaw lang ang mahal ko."

"Yiee!" Gatong naming lahat.

Halatang naging kasing pula na ng kamatis si Hope kaya niya inalis ang pagkakaakbay sa kanya ni Zach.

"Bilisan niyo na nga diyan!" Sigaw ni Hope at sumunod pumasok na din sa loob.

"Hey. What was that?" Mapang-asar tanong ni Avah nang makabagon siya at nakatingin sa amin.

Nagkibit balikat na lang kami at nagtawanan.

"Zan." Napatingin ako sa lalaking tumawag sa akin.

Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin tuwing siya na ang kaharap ko. Halos pumutok na ang aking puso sa sobrang lakas ng kabog. Kahit mainit ngayon, nanindig ang mga balahibo ko at naramdaman ko ang lamig patungo sa spinal cord ko. Para ding may electricity na kumokonekta sa mga mata namin. Nag-iinit na rin ang pisngi ko tuwing nakikita ko siyang nakangiti. Katulad ngayon, nakangiti siya at lalo siyang gwumagwapo.

"Zan?" Napawi na ang kanyang ngiti at mukha na siyang nag-aalala.

"Ah, b-bakit?" Halos utal kong tanong nang mabalik ako sa realidad.

"Ako na ang magbuhat sa bag mo." Pagprisinta niya. Automatic ko naman iyon na ibinigay sa kanya.

"S-salamat." Hala. Ba't ba ako nauutal? Huhubells. Anu ba?

"You're always welcome." Sabi niya tapos inilagay na sa likuran ng van ni Zachary. Tinitigan ko lang siya hanggang sa isara na niya iyon at makipagkwentuhan sa mga boys.

Lalo siyang naging gwapo nang tumawa siya. Isama mo na rin ang paggulo ng kanyang buhok dahil sa hangin.

"Tunganga ka diyan?" Para akong nagpunta sa moon at hinulog ng alien pabalik dito sa mundo nang marinig ko si Andy at tumabi sa akin.

"Andy, ba't kaya ako kinakabahan tuwing malapit si JB sa akin?"

"Kinakabahan o kinikilig?" Tumingin ako sa kanya at halos magsalubong na ang aking kilay sa kanyang sinabi. Nagkibit-balikat na lang siya at pumasok na rin sa sasakyan.

Hanggang ngayon, hindi pa rin nagproprocess sa aking utak ang kanyang mga sinabi.

Posible nga ba? Posible nga bang gusto ko rin siya?

The Love Band (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon