63. Second Chance

98 6 0
                                    

Xia's POV:

This can't be. This isn't him.

'Diba? Hindi siya 'to?

"Hindi ka siya. Iba siya sa iyo." Wika ko habang pinipilit na di maluha.

"Xia, ako 'to." 'Yung luhang kanina ko pa pinipigilang pumatak, pumatak na. Narinig ko kasi ang boses niya. Boses niya na nagpapatunay na siya nga yung ex ko.

Tila ba nag uunahang pumatak ang mga luha ko. Mga luhang hindi ko inilabas ng isang taon mahigit.

Matagal na noong nagkabanggaan kami sa cafè. Akala ko, kamukha lang niya pero totoo, totoo pala.
Totoo pa lang siya 'yun.

Ipinipilit ko kasing alisin 'yun sa utak ko. Pilit kong kinukumbinsi ang aking sarili na hindi siya iyon. Na kamukha lang niya. Na baka namalik mata lang ako.

Pero ito na nga siya. Nasa harap ko. Ang lalaking sinaktan ako. Na sinaktan ko.

Nagkasakitan kami.

Akala ko, ako lang. Pero may gusto pala siyang iba. Okay lang sana, eh. Kaso lang, sa pinakaclose ko pa. Sa bestfriend ko pa. Kay Ann pa. Pwede namang sa iba pero bakit si Ann pa?

Ako naman, pinakita ko sa kanyang di ko na siya mahal. Kahit may chance pang maayos binale wala ko na.

Naramdaman ko naman ang kanyang kamay na pumulupot sa akin. Humagulgol na lang ako at niyakap siyang pabalik.

"I don't love her anymore. You're the one I love, Xia. Sorry for hurting your feelings. I love you." Bulong niya sa akin habang yakap pa rin ako.

Lalo ako naiyak. Ang sakit. Ang sakit sakit. Bawat salitang binibitawan niya, parang tinutusok ang puso ko. Masyado niya akong sinaktan. Masyado ko din siyang sinaktan.

"Sorry din sa lahat. Pero, paano ko mapapatunayang mahal mo nga ako?" Kumalas siya sa pagkakayakap namin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Tignan mo ako sa mata," utos niya na sinunod ko. "Ikaw ang taong mahal ko, Xia." Kilalang kilala ko siya. Nakikita ko sa mga mata niya na seryoso siya. Niyakap ko siya at naramdamang niyakap rin niya ako agad.

"I love you..." bulong ko. Humigpit pa ang yakap niya sa akin.

Oo, totoo, mahal ko siya and everybody deserves a second chance.

I won't waste this second chance. I'll do anything to make our relationship last stronger - forever.

"Xia..." Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko.

"Joe..." Bulong ko.

Bigla namang napalingon ang boyfriend ko.

"Dexter?"

***

Joe's POV:

"My Ann, punta lang kami ni Mark sa CR, ah?"

Tumango naman siya.

"Sige." Sabi niya at nakitabi na kay Jane.

Pumasok na kami ni Mark sa CR. Nagpunta naman siya sa isang cubicle nang makahanap ako ng isa.

"Joe, kapatid mo pala si Xia?"

"Yeah. Half sister." Napatango siya. Tapos na kaming umihi. Naghuhugas na lang kami ng kamay.

"Bakit? Magpapalakas ka?" Biro ko na nagpahalakhak sa aking dalawa.

"Tch." Natatawang saad niya habang nag-ge-gel.

Nagsuklay na lang ako gamit ang aking mga daliri at pinagmasdan ang gwapo kong mukha.

Kaya nga nainlove sa akin si Ann, eh. Bukod sa mabait ako, nag-uumapaw pa ang kagwapuhan ko!

"Oo na, alam ko nang inlove sayo si Ann." Sabi niya habang nag-ge-gel.

Nag-isip ako ng dahilan kung bakit niya sinabi iyon. Para saan 'yun. Nang makaisip ako ay pinaningkitan ko siya ng mata.

"Alam mo, Mark. Subukan mo lang mainlove sa MY ANN ko, jusko, masasapak kita." Inis na sambit ko.

"L*tse! Hindi gano'n yun! Ang akin lang naman, tigilan mo na ang pagtitig sa mukha mo!!!" Biro niya at umalis na.

Napahalakhak at napailing na lang ako sa inasta niya. Pagdating ko sa labas ay nadatnan ko pa din siya sa door.

"Uyy, Mark. Ba---" Ngayon ko lang napansin na may tinititigan pala siya.

Tila wala na siya marinig at galit ang bumabalot sa kanyang athmosphere.

Napatingin din ako sa tinitignan niya at nakita ko ang kapatid kong may kayakap na lalaki.

Napatingin ako sa aking mga kasama na kasama niya. Ang iba naguguluhan, ang iba nagulat, at ang iba nama'y napapailing na lang.

"Mark..." Tawag ko.

"Sino siya?" Aba malay ko!

"Ano bang malay ko kung sino iyan ha? Ba't di mo kaya silipin? Tsaka isa pa, bakit ka naman nag-aalala? Tsaka baka yung ex niya iyan. Baka nagkabalikan." Halos sipain na niya ako nang marinig ang aking mga sinabi.

Wow! Para sa'n yun?

Nagseselos nga ba talaga siya?

"Tignan mo nga kung sino." Utos niya.

"Aba. At susundan pa kita, ah?" Binatukan naman niya ako kaya napakamot na lang ako sa batok.

Nakita ko namang masmabangis pa sa tigre ang kanyang aura kaya lumapit na ako sa nagdradrama.

"Xia..." Tawag ko sa kanya.

"Joe..."- Xia.

Napatingin naman sa akin iyong lalaki.

P**cha! Totoo nga! Yung ex niya!!! Yung pinsan ko (motherside) na si Dexter!!!

Diba nga, di niya kadugo kasi ako lang may pinsan sa mokong na iyan.

"Dexter?"

"Ikaw pala." Sabi niya habang pinupunasan ang luha ni Xia.

"B-bakit?..."

"Nagkabalikan na kami." Sabay nilang sambit.

Sabog! Buwahahah! Kumusta naman si pareng Mark? Whaahhaah!

"Ahh. Di woah. Sige, layas na ko, ah?" Tumango na lang ang dalawa kaya lunapit na ako kay Mark.

"Mark, mukhang may problema tayo."

Kumunot naman ang noo niya at tumingin sa akin.

"Yung lalaki, si Dexter, pinsan ko sa motherside na ex niya at higit sa lahat, sila na ulit." Nasipa naman niya ang paa ko kaya nagreklamo ako.

"Halimaw! Para sa'n yun?!" Pasigaw na tanong ko at di niya na lang ako pinansin. Galit eh. Haha. Selos yung mokong.

"Yiee. Selos si mokong." Umirap na lang siya at padabog na lumabas.

Whhaha! Anyo yun?

Author's Note:

#SecondChance
#SecondTime
#Comeback
#Jealousy
#Love
#Walkout
#Movie
#AyokongMayMakatabiKangIba
#JustDontMindHim

Ayan na mga hashtags ah? ^^^

Ayan, okay na.

Mabuti na lang at may nahanap akong dahilan para mapatagal ang storya ni Xia. Sa kanya kasi talaga ako nahihirapan ng storya eh. Pero buti na lang talaga at nakahanap ako ng paraan. Yay!

Nga po pala, special announcenent about my other stories:

Dear Fate:

- After nitong The Love Band ay iuupdate ko na.

Breaking That Bad Boy Attitude

- Iuupdate ko after Dear Fate

Paper Roses, Plastic Rings (Soon to be published)

- Ang di pa napupublish na story ay makikita niyo na after matapos ng Breaking That Bad Boy Attitude.

Ayun lang. TY!

8:45 PM
04-03-17
1039 words

The Love Band (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon