39. Sinasagot na kita

111 8 0
                                    

Joe's POV

Dapat presentable ako. Inayos ko ang sarili ko at nagpa-pogi points.

Matapos ayusin ang sarili ko ay pumunta na ako sa baba.

"Oh. Wow, ha? May kadate lang ang peg?"- Nginisian ko lang si Xia at lumabas na.

Paglabas ko ay nakita ko si Alex na nagsisignal na para bang sinasabi niya yung phone ko. Phone ko? Ano namang gagawin ko sa cellphone ko? Maya-maya ay nagring iyon. Ah, tatawag pala siya. Paglabas ko ay nauna muna akong pumunta kami ng kapatid ko sa bahay nila.

"Andito na siya!"- Sigaw ni Alex.

"Shh!"- Suway nila sa kaniya. Napatikom naman ang bibig niya at nagpeace sign.

"Tumahimik ka at katabi lang ng bahay niyo ang bahay nila"- Sabi ni Xia.

"Sorry naman"- Nginisian ko na lang siya at lumapit na kila Zach.

"What's up, bro?"- Inirapan ko lang siya at sumandal sa pader. Bakit? Babae lang pwede umirap? Tsk! 😒😏

"Joe, ito ang plan"- Sabi sa akin ni Lou nang lumapit siya sa akin.

"Ano?"- Chill kong tanong.

"Tsk * 😏*. Lumayas ka na dito at ihanda na ang phone mo. Tawagan mo siya pagka nasa harapan ka na ng door nila. Pag lumabas na siya, sabihin mo sa kaniya na sa porch nila kayo mag-usap. And then, ikaw na bahala. Basta pag nag I like you ka na, kakanta kami ng Terrified. After naming kumanta, kuhanin mo kay kuya Vincent ang gitara. Tapos pag balik mo sa porch nila, haranahin mo. Request ko lang 'yung Simpleng Tulad Mo. Pero kung may iba kang alam, sige, ayun na lang. After that, yes or no na lang ang niya ang aalahanin natin. Ok na?"- Buti naman at nagets ko lahat ang mga sinabi niya.

"Okay na"- Sabi ko.

"Okay"- Sabi niya. "Tara na guys!"- Sabi ni Avah.

"Geh. Nga pala, good luck sayo"- Sabi ni Zach at tinapik ako sa balikat tsaka sumunod na kay Avah.

"Goodluck"- Sabay-sabay na sabi nila Wayne, Andre, at JB. Tinanguan ko lang sila.

"Goodluck, Joey Rammy"- Sabi naman ni Jane. "Thanks"

"GL sayo"- Sabi nila Hope at Andy.

Tinapik lang ako ni Alex sa balikat at nginitian. Matapos nun ay sumunod na siya sa kanila na pumunta sa backyard nila. Lalabas na sana ako kaya lang nakita ko ang kapatid ko - si Xia.

"'Di ka susunod?"- Umiling lang siya.

"I just wanna let you know na, todo support kami sayo. Goodluck bro"- Nagfistbomb kami at nagyakapan.

"Thanks"- Bulong ko. Nang humiwalay ako ay humiwalay na din siya. Nag ngitian lang kami at nagpunta na sa sariling pupuntahan namin.

Pagdating ko sa bahay nila ay sobra ang kaba ko. Tsk! Kaya ko 'to, kaya ko 'to!

*ring ring*

Thank God at sinagot niya ang tawag ko.

"Hello?"

"Ann, may gusto lang sana akong tanungin"

"Ano?"

"Ano kasi... uh... pwedeng buksan mo na lang pintuan niyo?"

"Yung main?"

"Oo"

"K, wait"

Pagbukas niya ng pintuan nila ay mas nahulog pa ako sa kaniya. Masmaganda pala siya pag nagblublush siya.

The Love Band (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon