Xia's POV:
Kinabukasan ng umaga, matapos kaming kumain, nagkwentuhan, at nagpahinga kagabi, dumeretsyo kami sa pool area upang magpicture. Mamayang hapon pa kami maliligo sa pool dahil tirik na tirik pa ang sikat ng araw.
Habang naglalakad kami ni love at iniikot ang pool na magkaholding hands, or let's say, HHWLL (Holding hands while lakad lakad) ay bumabalot sa aming katawan ang simoy ng hangin tapos idagdag mo na rin ang sikat ng araw. Nang makaramdam ng pagod ay niyaya ko siyang maupo na muna kaya naupo kami sa mga lounge diyan na nasa ilalim ng puno.
"Hay." Hikab niya at humiga sa lounge. Ginawa niyang unan ang braso niya at pumikit saglit. Napangiti na lang ako at tinignan ang mga sanga at dahon ng puno sa itaas na para bang sumasayaw dahil sa hangin.
"Alam mo bang nakakarelax panoorin ang isang beautiful scene?" Napalingon ako sa kanya na nakatingin pala sa akin.
"Oo naman. Bakit? Nakakarelax bang panoorin yang mga sanga ng puno na para bang nagswesway o yung pool?"
"Oo naman, siyempre. Pero mas nakakarelax kang panoorin. Napakaganda mo kasing senario." Natawa ako at napairap tapos napatingin ulit sa taas.
"Hindi ko alam na may tinatago ka palang pambobola, love." Natatawang saad ko. Naramdaman ko namang ipinatong niya ang kamay niya sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Nakapikit na siya ngayon.
"Hindi naman ako nambobola," Sabi niya tapos iminulat ang mga mata at tingin sa akin. "Totoo ang sinasabi ko." Napangiti na lang ako at tinitigan ulit ang mga sanga ng puno sa itaas. Napahigpit ang kanyang kapit sa kamay ko kaya napapikit na lang ako.
"Hindi ko talaga kakayanin pag nawala ka sa akin." Inidilat ko ang aking mga mata at tumingin sa kanya na nakapikit pa rin.
"And what kind of statement is that?" Nag-aalalang tanong ko. Bakit niya kailangang sabihin iyon? May problema ba siya?
"Wala. Gusto ko lang ipaalam sayo na akin ka lang." Sa halip na makaba ay napangiti na lang ako at napatango.
Hay. Sana nga, love. Sana.
***
Wala na kaming ibang ginawa kundi mag selfie dito, selfie roon. Ito kasi hilig namin, eh. Ang pagkukuha ng memories.
"Alam mo ba, love? Hindi na natin kailangang punuhin ang memory card natin upang magkaroon tayo ng mga memories. Kahit konti lang, as long as we keep all of it in our hearts." Nakangiting sabi niya habang tinitignan ang mga pictures namin sa gallery.
"Oh sige, delete mo na lang yung blurred, etc. Bawasan natin ang pagseselfie natin." Nakangiting saad ko habang tinitignan naman ang pictures naming magbabarkada sa camera.
Maya-maya pa ay bigla siyang nagsalita muli.
"Uy! Nakahanap na ako ng magiging bagong profile picture ko."
"Asan?" Pagkita ko doon sa picture ay napangiti na lang ako. 'Yun ay noong nagselfie kami sa garden ng resort na ito kanina. Hawak niya ang phone ko gamit ang kanyang left hand tapos yung nakainterwine ang mga daliri ng right hand niya at left hand ko. Nakapatong ang ulo ko sa balikat niya tapos naka peace sign ako.
"Bakit naman sa dinami-dami ng mga pictures natin, ayan ang napili mo?" Natatawang tanong ko.
"Ang ganda kasi ng background, wala pang photobummer. Tapos naka peace sign ka na ibig sabihin nun eh 'Sorry I'm taken' or 'Sorry his taken' " Natawa na lang kaming dalawa sa sinabi niya.
"Grabe ka talaga." Saad ko habang tumatawa.
Natigil ako sa pagtawa at napangiti na lang ako nang hawakan niya ang pisngi ko.
"Ang ganda mo talaga kahit anong gawin mo." Nakangiting sabi niya. Bumilis naman ang tibok ng puso ko at nagsimulang tumaas mga balahibo ko. Opo. Ganiyan kasi ako makilig. Hihi.
"Hmm. Nambobola ka nanaman, eh." Natawa naman siya tsaka ako hinila at pinaupo sa lap niya. Ngunit di naman ako nasaktan. Our eyes met and I cannot help it but to smile. Nakangiti rin siya at nakapulupot ang kamay niya sa waste ko tapos ako naman ay nakakrus ang aking mga daliri sa likod ng batok niya tapos magkadikit ang mga noo namin.
"Diba sabi ko sayo kanina, hinding hindi ako nagsisinungaling sayo. Totoo ang sinasabi ko." Nagpout na lang ako dahil sa parang nagjojoke siya. Pero naniniwala ako sa kanya.
"H'wag ka ngang magpout. Sobrang cute mo na tuloy. Lalo akong nasasabik na halikan ka." Sabi niya at inilapit na ang labi niya sa labi ko. Napapikit na lang ako ng maramdaman ang malambot niyang labi sa labi ko. Hinalikan ko naman siya pabalik. After a minute or two, we stopped kissing each other.
"I love you." Bulong niya. Niyakap ko naman siya tsaka sinagot.
"I love you too."
"Napakasweet talaga ng M&M. Mas sweet pa kesa sa M&M's na chocolates." Napalingon kami sa mga barkada naming may saltik. Natawa kaming pareho at tumayo na. Inaakbayan niya ako tapos ako naman ay nakakapit sa waist niya.
"Mga may saltik talaga. Nga pala, groufie nga tayo, pang cover photo ko lang sa Facebook o Twitter." Sabi ni Mark na tinawanan naming lahat. Mabuti't deluxe ang room namin kaya ang ganda ng background. Andito kami sa salas ng kwarto namin at naggroufie.
"Groufie!" Sigaw naming lahat tapos pinindot na ni love ang button sa monopad. Nakailang shots din kami bago makontento ang lahat.
At katulad ng posisyon namin kanina, nakaupo ako sa lap niya at nakaakbay sa kanya habang brina-browse namin ang mga groufies namin. Tinatawanan lang namin mga itsura namin duon.
"*haha*Tignan mo yun, oh." Turo ko sa mukha kong nakalabas ang dila at nakaduling. Haha. Nakakatawa mukha ko duon.
Napangiti siya at tinanggal ang mga nakaharang na buhok ko sa mukha ko at inipit sa likod ng tenga ko.
"Wala, eh. Ang ganda mo pa rin." Tapos hinalikan niya yung ilong ko. Pinisil ko na lang ang ilong niya at niyaya siyang magselfie.
"Magselfie nga tayo, love. Gusto kong ang selfie natin na to ang i-profile pic ko, eh." Nakangiting request ko sa kanya.
"Oh sige. Sabi mo, eh." Tapos pinisil niya ang pisngi ko.
"Wacky!" Sigaw ko. Nagmake-face naman kaming dalawa. He stick his tounge up and I, myself, crinkled my nose.
"Oy! Sali rin kami!" Well, iyon na nga lang ang icocover photo ko.
"Wacky!!!" Tapos nagmakeface nanaman kami. I just puffed my cheeks and crossed-eyes.
Naramdaman ko na lang ang pag-akbay sa akin ni love at paghalik niya sa gilid ng noo ko.
"I love you so much, love." Sabi niya.
"But I love you more..." Sabi ko.
///
#BeautifulScene
#Selfie
#Groufie
#Love
#Heart
#ProfilePicture
#CoverPhoto
#Wack
#StillBeautiful
#M&MA/N:
Oh ayan po, ah? Kapapanood ko lang ng horror story entitled 'Paranormal Activity 4' pero kinikilig ako sa M&M.
So, sa tingin niyo ba, mas sweet ang M&M ng TLB kesa sa M&M's na nakasanayan nating kainin? Comment down! ^.^
Upnext: VahNdrey
![](https://img.wattpad.com/cover/82334408-288-k299079.jpg)
BINABASA MO ANG
The Love Band (COMPLETED)
Teen FictionAnong kayang mangyayari sa isang barkadang magkakapatid ang turingan kung sila rin naman ang magkakainlove-an? (Original Version) New Version: The Love Band (Ongoing) Plots, Settings, and Conflicts are partly edited.