Andy's POV
Pagkagising ko ay kinuha ko ang phone ko at chineck iyon. Tumambad naman sa akin ang 86 messages na galing lang sa iisang tao - Kevin.
Puro mga GM ang sinend niya sa akin. Tapos Hi, Hello, gising na. Nireplyan ko naman siya.
Oh? Problema mo? Umagang-umaga nakatanggap ako ng 86 messages galing sayo?
Bigla namang nag vibrate yung phone ko.
Simula kagabi hanggang 4:00 kitang tinetextan
OMO!!!!
Hoy kupal ka!! Wag na wag kang magpupuyat nang dahil lang sa iba ha?? Masama yan sa kalusugan!!!!
Hindi ko na talaga maisip kung ano ba yun? Kung alien ba o tao? Masyadong weird eh.
:D yiee thank you
Ha? Oh ayan na nga yung sinasabi ko eh. Napagalitan na nga lang ngingiti pa.
Oh? Bakit?
Wala... ang concern mo kasi... thank you ah damang dama ko yung pagmamahal mo xD
Ay pashneang palaka!!! Pakiramdam ko nag-init at namula ang mga pisngi ko nang mareceive ko yun. Malamang ba uminit at pumula dahil sa inis. Pinagsasabi nito?
Hoy! Wag ka ngang FILAM jan! Ang akin lang naman, baka kasi masanay ka na naghihirap ka para lang sa iba.
Alam mo Ands, joke lang naman yun. Tsaka, for me, di ka naman iba kasi ikaw lang.
Tameme. Tulala. Tunganga. Laglag panga.
Ayan na ang mga perfect description sa akin. Bakit ganito umeffect ang sira niyang ulo sa akin, ha? Hoy! Sumagot ka nga!
Oy oy Andy, tama na nga yang kilig. Mamaya na yan. Magrereview ka pa eh. ;-)
Bahagyang napatagilid ang ulo ko at napataas ang kilay ko. Ang FILAM talaga eh!
FILAM ka talaga eh noh? Excuse me, hindi ka si Choi Siwon para kiligan ko nuh?
5 mins. 10 mins. 15 mins. 20 mins.
Problema nun? Ba't ambagal magreply?
Hoy FILAM! Asan ka na?
Ansaket naman nun Ands, kay Siwon ka pala kinikilig. Aish. Oh how I wish that was me. Pero don't worry! Mapapakilig rin kita!!! Whahahahhaah!
Napailing na lang ako sa kabaliwan nito at nireplyan.
Hoy wag ka nga jan! FILAM ka talaga.
Teka nga Andy, kanina ka pa FILAM nang FILAM jn... ano bang ibig sabihin niyan? Filipino - American? :P
Iniling ko na lang yun. Slow masyado eh.
Half Filingero, half Ambisyoso lang yan for short Kev
Reply ko at napatawa nang mahina. Siya lang ata yung kilala kong di alam ang ibig sabihin ng FILAM.
Sinasabi ko lang naman ang totoo eh. Pero, Yiee. Sya lng tumatawag sa akin ng Kev... thank you Ands ha? Nang dahil sa iyo, kahit na nakatalikod ako, malalaman ko ring yung babaeng patay na patay sa akin ang tumatawag sa poging ako.
Tsk! FILAM talaga to.
Hoy FILAM!!! Ikaw lang naman tong patay na patay sa akin eh... di char lang.
Tama ka naman eh, patay na patay talaga ako sayo... ay di pala, baliw na baliw pala talaga ako sayo.
Napangiti ako sa sinabi ng loko. Pero ugh! Para kang baliw jan Andy!!! Umiling na lang ako at nireplyan sya.
BINABASA MO ANG
The Love Band (COMPLETED)
Teen FictionAnong kayang mangyayari sa isang barkadang magkakapatid ang turingan kung sila rin naman ang magkakainlove-an? (Original Version) New Version: The Love Band (Ongoing) Plots, Settings, and Conflicts are partly edited.
