80. Jealous Deric

88 4 0
                                        

Alex' POV:

Andito kami ngayon ni Deric sa park ng subdivision. Nilayasan ko na lang muna ang bahay. De joke lang. Andoon sila mommy at daddy. Ewan ko ba kay Zach bakit antagal tagal naman nilang magdate ni Hope. Nilayasan naman ni Deric sina kuya Vincent, ate Jie, Ann, at Shenna sa kanilang bahay. Ginawa lang niya yun upang makaiwas sa mga maloloko niyang kapatid. Pero kahit nang-aasar sila, ang saya nilang nagkakapatid. Kahit 'di na masyadong kadugo ni Deric sina Ann at Shenna, nagmamahalan pa rin silang lahat.

"Dito na lang tayo pumunta, maganda raw dito, eh sabi ng pinsan ko." Tinignan ko naman ang resort na sinabi niya. Nagkibit balikat na lang ako at umatras para makapagswing ulit ako.

"Ang sabi nila daddy, magbabakasyon daw tayo sa isang resort na sinuggest ng business partner niya na kasama rin natin sa pagpunta doon. H'wag na daw muna nating sabihin sa kanila kasi baka raw mawalan ng thrill." Napatango na lang siya kaya nagswing ulit ako. Napatigil naman ako sa pagswing nang magsalita siya.

"Eh di h'wag na nating ituloy yung pagbabakasyon nating dalawa. Okay lang ba sayo kung pupunta tayo sa mall ngayon?" Napatango na lang ako.

"Parang gusto ko ring magpalamig ngayon, eh." Napangiti na lang ako at gano'n rin siya. Tinulungan niya ako sa pagtayo at inakbayan ako habang naglalakad papunta sa sasakyan niya.

"Dito ka na muna, ah? Papalamigin ko lang yung sasakyan." Napatango na lang ako sa kanya at umupo sa bato.

Maya-maya ay tinawag na niya ako. Binuksan niya ang pinto sa passenger's seat at inilagay ang seatbelt ko. Isinara niya yun at pumunta na sa driver's seat. Isinara niya ang pinto at inilagay ang seatbelt niya. Inayos niya ang rear view mirror at kumapit sa manobela.

"Gusto mo bang magpatugtog ako o hindi na?" Tanong niya.

"H'wag na lang. Ikaw, baka gusto mo." Umiling na lang siya tsaka ako sinabihing 'Tara na lang'

Nakadungaw ako sa bintana at pinagmamasdan ang mga dinadaanan namin dito. 6:00 na kaya maliwanag na ang mga buildings na nadaraanan namin dito. Naka-on na rin ang mga makukulay na streetlights tsaka ang mga ilaw ng mga sasakyan.

Nang color red ang ilaw sa traffic light ay napatingin ako kay Deric na kanina pa tahimik.

"May problema ka ba? Sabihin mo sa akin." Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin tsaka ako nginitian at inilingan.

"Seryoso ka ba?" Pag-uulit ko tapos dahan-dahang hinawakan ang kamay niya. Naptingin siya sa akin at tsaka ininterwine ang mga daliri namin tas hinalikan niya kamay ko. Napangiti na lang ako nang tinanggal niya ang mga nakaharang na buhok sa mukha ko at inipit sa likod ng tenga ko. Hinaplos niya ang pisngi ko tsaka niya hinalikan ng medyo matagal ang gilid ng noo ko. Hindi naman sobrang higpit ang seatbelt kaya nakakaya pa rin naming lumapit sa isa't isa. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ang pisngi niya. Napangiti siya tsaka pinisil ang aking ilong.

"I love you..."

"I love you too..." Sagot ko. Umayos na ako ng upo matapos nun.

"Saan mo gustong kumain mamaya?" Tanong niya habang minamaneho ang sasakyan. Kaka-green lang kasi ng ilaw ng traffic light, eh.

"Sa Seattle's Best?"

"Oh sige." Nakangiting sagot niya.

Nang makapark na siya sa underground parking lot, nakaakbay siya sa akin habang naglalakad kami. Nakapulupot naman ang kanang kamay ko sa waist niya.

Pagdating namin doon ay siya na ang umorder at ako naman ang naghanap ng upuan.

Alam naman na niya ang hilig ko kaya there's no need to ask what I want.

The Love Band (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon