42. Sana 🎶

118 8 2
                                    

Wayne's POV

"Yieeeee!"- Kilig na kilig na tili ni Jane.

Sana, sana ako naman ang magpakilig sa kaniya. Sana ako naman ang magpablush sa kaniya.

"OH MY GAWD!!!"- Napatingin naman sa amin sina Ann at Joe na naka-interwine ang mga daliri nila kanina dahil sa pagsigaw ni Xia.

Hinila ko na ang mga kasama ko at pinapasok na sa bahay nila Joe. Mahirap na kapag bubugbugin ka pero, swerte mo kung hindi!

"Ingay mo kasi"- Irap ni Jane kay Xia.

"Wow ha? Accept ko kung 'yung mga iba ang nagsabi pero ikaw hindi. Parang 'di ka naman tumili!"

"Atleast 'di nila napansin. Eh, ikaw?"

"Paano kung napansin nila? Kahit na ba, tumili ka pa din"- Magsasalita pa sana si Jane kaya lang napatikom na lang siya ng bibig dahil kay Deric.

"Tama na. Awat na"- Nagbuntong hininga at umirap si Jane tapos bumungisngis naman si Xia.

"Nood na lang kayo"- Singit ni ate Jenna sa usapan.

Nanood lang kami ng "Miracle in cell no. 7"

Maganda naman 'yung storya niya. 'Yung lalaki kasing may pagkakulang kulang, may anak. Ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para makuha lang ang gusto ng anak niya na bag. Pagkarapos nu'n, nakulong siya dahil sa pinaghinalaan siya na siya ang pumatay sa batang tumulong sa kaniya.

Matapos manood ay nakakarinig ako ng mga singhot. Paano? Umiyak nanaman sila. Tsk!

"OA"- Bulong ni JB habang inaakbayan si Zanea.

"Anong sabi mo!!!???"- Napahiwalay naman si Zanea doon. Tsk. 😏😝

"Wala"- Binalik ulit ni JB ang pagpapatong ng ulo ni Zanea sa dibdib niya.

Habang umiiyak si Zanea at inaakbayan siya ni JB, pagpupunas ni Deric ng luha ni Alex, pag didiskarte ni Zachary kay Hope, pagtititig ni Andre kay Avah, pakikipag kwentuhan ni Avah kay ate Jenna, at pagsasariling mundo nila Andy at Xia, napansin kong kami lang ni Jane ang loner. Nilapitan ko naman siya at ginulo ang buhok niya.

"Oww?"

"Wala. May kaniya-kaniya kasi silang mundo"- Bigla naman niyang tinignan ang mga kasama namin. Tumango naman siya at tumawa ng mahina.

"Loko"- Tinawanan ko naman siya.

"NAKS!!!"- Inirapan naman sila ni Jane.

"'Di woah!"- Dagdag pa ni Jane.

Tahimik na lang ako dito. Baga dagdag asar pa.

"Nagtatawanan"- Pasimple pa itong si Deric na nang-aasar.

Tsk! Lakas ng boses!

Ang bulong niya kasi, parang normal na pananalita niya.

Pagka naman normal na pananalita niya, parang sumisigaw na.

Pagka naman sumisigaw, parang normal na pananalita ng isang higante! Hay nako!!!

"Epal mo, Deric"- Sabay tawa pa ni Xia at nag peace sign.

"Lalo ka na"- Depensa naman niya.

"Nye. 'Di kasi matanggap ang katotohanan! Wahahahaha!"

"Ikaw lang ah"

"Truth hurts, alam mo?"

"Tsk!"

"Oy! Makaasar naman kayo diyan! Wahahhaahaha!"- Alam ko lang, nang-aasar din itong si ate, eh.

The Love Band (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon