46. Unsure

90 6 0
                                    

Jane's POV

Nang makita ko 'yun, bigla akong lumamig, bigla ring tumibok ang puso ko at bigla ring may basa akong naramdaman sa pisngi ko.

Wait, Am I crying? Uh-oh! I don't know the reason why I'm crying right now but, the only thing I know right now is to run. Lakas pa naman ng hilik ko. Uh-oh, gotta go now!

Tip-toe na lang ang nagawa ko. Nang makalayas na ako sa mga bushes, tumakbo na ako. Tumakbo ako papuntang rooftop. Ewan ko kung bakit doon basta sinunod ko na lang mga paa ko. Mas alam pa nga ng mga paa ko ang tamang pupuntahan kesa sa sariling utak ko.

Basta ayun na, nang makarating na ako sa rooftop, tumingin ako sa baba. Pinipigilan ko na ang pag-iyak ko pero sa halip na tumigil ay lalo lang akong naiyak.

Grabe na 'to. 'Di ko na keri. Parang nauubusan na ako ng hininga. Yung para bang inaatake ka ng asthma. Hinigpitan ko ang paghawak ko sa railings nang makuha ng peripheral view ko sina Wayne at Chloe na nag-uusap.

Ilang saglit lang ay bigla ko na lang silang tinignan. Malay ko ba? Parang may sarili ng utak ang mata at paa ko.

Paa ko ang nagdala sa akin sa Student's park kanina at dito sa rooftop. Mata ko ang pumiling ilabas ang mga luha ko. Mata ko rin ang pumiling tignan sila.

Gusto ko nang iiwas ang tingin ko sa kanila kaya lang, 'di ko magawa. Parang nakaglue na ang mga mata ko sa kanila.

Kung gaano kahigpit ang hawak ko sa railings kanina, mas mahigpit nanaman ngayon.

Kung gaano katindi ang pag-iyak ko kanina, mas matindi nanaman ngayon.

At kung gaano kasakit ang nararamdaman ko kanina, mas masakit nanaman ang nararamdaman ko ngayon.

Parang may kumikirot sa dibdib ko. Para ding tumitigil na bumibilis ang tibok ng puso ko. If that's possible.

Paranh sasabog na rin ang utak ko. Sobrang sakit ng ulo ko ngayon eh.

Gusto ko nang tumigil sa pag-iyak, gusto ko nang h'wag maapektuhan, gusto ko nang umiwas ng tingin, gusto ko nang umalis dito sa kinatatayuan ko kaya lang, wala akong laban dito sa sarili ko.

Bakit nga ba naaapektuhan ako ng ganito? Crush ko ba siya?

Gusto ko ba siya?

Dahil ba sa naiinis ako kay Chloe?

O...

... Baka mahal ko nga talaga siya?

Mahal ko nga ba siya?

Bilang isang kaibigan, oo.

Pero, iba na 'to eh. Yung mahal mo talaga. As in yung mahal na mahal na yung kung anong naiintindihan mo sa mahal, ayun yun.

Basta ayun na yun.

Nang makita kong titingin si Wayne dito sa taas, napatalikod na lang ako at napaupo.

Napatigil na rin ako sa pag-iyak nung di ko na sila nakitang magka-usap.

Andaming tanong na pumasok sa utak ko nang matigil na ako sa pag-iyak.

Bakit ba ako umiyak?

Anong dahilan?

Nagselos ba ako?

Mahal ko ba siya?

Bakit ba ganito?

Isa-isahin ko ngang sagutin.

IDK

Ewan ko

Siguro?

Hindi ko alam. Sobrang gulo.

Ano bang malay ko?

Ano bang klaseng mga sagot iyan? Psh.

Napapoker face na lang ako at padabog na bumaba.

Psh. Bwisit naman. Sa 4 storey building na 'to, di pa ako nagpakadrama sa 4th. Sumobra pa ako. Sa 5th pa. Doon pa sa rooftop.

Dito sa 4th floor, may mga konting estudyante pa kaya medyo maingay.

Nang makaabot ako ng 3rd floor, wala ng mga tao. Yung mga estudyante kasi sa taas, sa taas na talaga sila. May mga konting rooms kasi doon na pinagawa kasi marami ng mga students dito. Di na kasi kasya sa dorm.

Mabalik nga tayo, yung mga footsteps ko lang at kalabog ko ang naririnig dito. Bigla na lang akong napatigil sa paglalalakad at natahimik nang may narinig akong babaeng umiiyak mula sa kaliwa.

Medyo kinilabutan ako nang marinig ko iyon pero, sinundan ko pa din yun.

Lakad pa rin ako ng lakad. Ewan ko ba. Gusto ko ng bumaba pero, dito pa rin ako dinadala ng mga paa ko.

Hanggang sa nakarating ako sa TLE room.

Nakatingin lang ako doon sa door knob. Andito lang ako nakatayo sa tapat ng pintuan.

Inilapit ko yung tenga ko sa door. Umiiyak pa rin yung babae. Hinawakan ko yung knob. Ipinipihit ko iyon ng dahan-dahan hanggang sa...


"Jane?"

"Ahh!"- Napalingon ako doon sa nagsalita.

Nagulat ako, siyempre. Binitawan ko na rin yung door knob. Si Deric lang pala yun.

"Jane? Anong ginagawa mo dito?"

"Ah, wala wala. Pumunta lang ako sa rooftop kanina para... ano... para... p-para mag pahangin. Oo, ano, magpapahangin sana ako eh napagpasiyahan ko na ring bumaba. Tapos, ano... umm... may narinig akong umiiyak. Kaya ito, sinundan ko?"- Biglang patanong yung tono nung huli kong sinabi dahil sa bumukas yung pinto.

Tumakbo ako kaagad kay Deric at niyakap siya. Takot na ako eh.

Bigla namang humiwalay si Deric at inakbayan ako tsaka niya ibinalik yung kamay ko sa balikat niya. Nakapikit pa rin ako. Ayoko na. My gawd.

"Deric?"

"Uhh, hi, pres"

"Sorry. Narinig ko yung pinag-uusapan niyo kanina. Pasensya na ha? Nagprapractice lang kasi kami dito ng acting"

"Ah, sige lang pres. Okay lang"

"Geh. Balik na ako sa loob"

Humiwalay naman na ako agad nang maramdaman ko ang pagtango niya.

"Sorry, ha? Kinabahan lang ako doon"

"Okay lang. Naiintindihan ko"

"Nga pala, ba't ka andito?"- This time, ako naman ang nagtanong.

"Hinahanap ka. Ikaw lang kasi yung hinihintay namin doon sa baba. Sabi ni Alex, hinahanap mo daw ako, kaya ito, ako naman ang naghahanap sayo ngayon"

"Ah"- Sabi ko while nodding.

"Tara na"- Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na ako pababa.

May mga tao sa 2nd floor na walang balak pumunta sa 3rd or 4th floor kaya medyo maingay dito. Sa Groundfloor naman, andaming mga tao. Siyempre 3:30 na at walang pasok ngayon.

Bigla naman kaming napahinto ni Wayne nang narinig namin na may announcement.

"Students, you can wear your sevillian clothes tomorrow until the last day of your preparation. Thank you. Ms. Ferrier speaking"

Ah, k. Sa speaker lang kasi pinaparinig mga announcements dito sa school.

"Jane"- Lumingon naman kami sa tumawag sa akin.

Psh. Sina Wayne at Chloe.

#Unsure
#Tears
#Again

Merry Christmas!

2016.12.18
11:35

The Love Band (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon