83. Kami na!

103 6 0
                                    

Kevin's POV:

Kagagaling ko lang sa CR at kakatapos maligo. Nakatapis lang ako ng twalya habang kinukuha ang damit ko sa cabinet nang biglang nagring ang phone ko.

Inilapag ko ang mga damit na nakuha ko sa kama ko at kinuha ang cellphone ko. Napangiti na lang ako nang makita ko kung sino ang tumatawag at sinagot ito.

"Hi." Nakangiti kong sabi.

[Hello. Anong ginagawa mo ngayon?]

Nakangiti pa rin ako.

"Uhmm, magbibihis sana kaso lang napatawag ka. Gusto mo bang tignan ang 6 pack abs ko?" Panloloko ko.

[Aish! Kevin!!!]

Natawa na lang ako.

"Oh bakit? Haha. Sige na nga. Oh bakit ka ba kasi napatawag ka?" Natatawa kong tanong.

[Wala! Mag-empake ka na lang diyan! Paki-inform na lang din family mo! Pupunta raw tayo sa isang resort. Tsaka convoy tayo. H'wag ka nang umasa na magkakasama tayong magbabarkada sa iisang sasakyan. Kaya ba-bye!]

Magsasalita pa sana ako kaya lang natapos na ang tawag.

Napatawa na lang ako at sumigaw sa labas ng kwarto ko.

"Mommy! Daddy! Ate! Mag-empake na daw kayo! Pupunta raw tayo sa isang resort!"

"We know right?" Irap ni ate at bumaba na. Pumasok na lang ako sa kwarto ko at nilock ang pinto. Nag-empame ako at nagbihis tapos nagpabango bago iniligay sa aking bag ang signature perfume ko.

***

Pagdating namin sa pagsta-stop overan namin ay nakita ko si Ands.

"Ands!" Sigaw ko at lumingon siya sa akin. Tumakbo ako papalapit sa kanya at inakbayan siya.

"Kumusta naman araw mo ngayon?" Tanong niya habang naglalakad kami patungo sa pagkakainan namin.

"Wala. Kulang, di kompleto. Ngunit nung nakita kita, ok na." Umirap siya at inalis ang pagkakaakbay ko sa kanya.

"Uy! Totoo promise." Sabi ko tapos inakbayan ulit siya.

"Hmm. Okay." Natawa kaming pareho at umupo na sa isang table.

"Hindi mo ba alam na nililigawan kita?" Kumunot naman ang noo niya at kumain ng espasol.

"What kind of question is that?" Kunot noong tanong niya.

"Basta sagutin mo na lang."

"Oo. Alam ko."

"Edi pwede mo akong sagutin ngayon." Umirap lang siya at tinupi ang papel na bumabalot sa espasol niya kanina.

Napansin ko namang may harina sa gilid ng labi niya kaya pinunasan ko yun gamit ang thumb ko at tinikman iyon.

"Hmm. Tasty." Napairap na lang siya at tumayo na.

"Tara na sa loob, loko ka. Kitakits na lang mamaya." At inunahan na ako. Natawa na lang ako bago pumasok sa loob.

***

Matapos ang lunch namin ay nagpunta ako sa isang table na kung saan maguusap-usap kami saglit na magbabarkada bago bumalik sa pagbiyabiyahe.

Magka-usap ang mga mag relasyon dito at si Ands ay nakatayo nakatingin lang sa isang direksyon. I came closer to her while tipping toes. I wrapped my arms around her waist. Ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya at nginitian siya.

"Anong ginagawa---"

"Ikaw, anong ginagawa mo dito?" Pagputol ko sa sasabihin niya at ipinikit ang aking mga mata. Parang bahay kasi ang restaurant na ito. Konti ang mga tao tapos hinaharap ng veranda ang garden kaya masarap langhapin ang simoy ng hangin - idagdag mo na rin ang sweet signature perfume ni Ands na ginagamit niya ngayon.

"Wala ang sarap lang langhapin ng simoy ng hangin." Sagot niya.

Napangiti na lang ako sa sinabi niya.

"Oo nga, eh. Idagdag mo na rin ang sweet scent mo ngayon." Bahagyang tumagilid ang ulo niya sa direksyon ko kaya natawa ako ng mahina.

"What?"

"Yiee. Gusto niyang pakinggan muli." Nagulat ako nang humarap uli siya sa garden at ipinikit ang kanyang mata imbes na kumalas sa posisyon namin ngayon. Ganoon kasi siya kapag inaasar ko, eh.

Lalo pa akong nagulat at lalong bumilis ang tibok ng aking puso nang hawakan niya rin ang kamay ko na nakapulupot sa bewang niya.

"Tara na. Baka hinahanap na nila tayo." Ang sabi niya at kumalas na.

Bahagyang bumuka ang aking bibig at natulala sa hangin.

What was that?

Unti-unti akong tumalikod at pinagmasdan siyang naglalakad patungo sa table ng mga kasama namin. Huminto siya at saka tumalikod. Nasilayan ko ang kanyang ngiti at nakakunot na noo niya na para bang natatawa sa reaksyon ko ngayon.

"Dalian mo na! Ano pang ginagawa mo diyan?" Nang mabalik ako sa realidad ay umiling na lang ako at naglakad na.

***

Ilang oras matapos ang aming biyahe ay nagising ako agad. Ganiyan ako ka sensitibo. Pag walang aircon o di kaya'y nararamdaman kong hangin mula sa electric fan o galing mismo sa nature, magigising ako.

Ako na ang nagbuhat sa mga bagahe ko.

"Una na po ako, kita-kits na lang sa restaurant." Tumango na lang sila kaya sinundan ko sila Joe at Mark na naglalakad.

Pagdating namin sa loob ay nakita kong busy si Ands na naglalaptop. Nakadapa siya sa kanyang kama at tutok na tutok ang mga mata sa laptop niya. Baka nanunood nanaman iyon ng Kdrama?

Dahan-dahan akong lumapit at bumungad sa akin ang pinapanood niyang Goblin.

"Sa 15 years kong nabuhay dito sa mundo, parang wala naman 'ata akong nasilayan na Goblin sa tabi-tabi?" Ang mapang-asar kong bungad sa kanya dahilan para magulat siya.

"What the?! It's just a movie, Kev. It's not all about the Goblin, it's all about the cursed fate of the two. Nakafocus lamang ako sa lovestory, tapos." Iritadong sagot niya at napangiti na lang ako. Since may space pa sa tabi niya, dumapa rin ako at nakinood.

"Oh? Akala ko ba wala kang nakitang Gob---" I cutted her off by kissing her soft lips. By the moment she responded it, I felt shocked. I froze for a moment or two until I felt her tears falling down from her eyes to her cheeks. Itinigil ko na ang paghalik sa kanya at saka pinunasan ang mga luha niya sa pisngi niya.

"I'm so sor---"

"You don't have to apologize. Normal lang naman 'yun kapag magkarelasyon diba?." Nanigas ako at bahagyang bumuka ang aking bibig.

"W-what? S-say that again." Napangiti siya at lalong bumuhos ang mga luha niya.

"Sinasagot na kita, Kev." Bigla naman akong ngumiti at hinawakan ang magkabila niyang pisngi.

This time, ako naman ang umiyak sa sobrang tuwa.

"T-talaga?" Napatango naman siya.

"Yes! Kami na!"

"Whaaaat?!"

"Kami na!" Natawa na lang kaming lahat. Niyakap ko siya ng maghigpit na mahigpit at gano'n din siya.

"I love you, Ands..." Bulong ko.

"I love you, too, Kev."

"Whoo! Team KAndy's sweeter than a candy!" Tinawanan na lang namin ang isinigaw ni Deric. Kahit kailan ang ingay talaga neto.

---+

#KamiNa!
#SimoyNgHangin
#SignaturePerfume
#SweetScent
#Goblin
#Lovestory
#KDrama
#Kiss
#YesSinasagotNaKita
#ILoveYouAnds
#ILoveYouTooKev
#Kev&Andy
#KAndy

A/N:

Haha! Taray ng lola niyo! Enebe kenekeleg eng ether niyo! Haha ether sa encantadia? Haha grabs kinikilig talaga ako.

Sa mga kinikilig din diyan, comment down!

So, how's the past few chaps and this one? Comment down!

Upnext: M&M (Mark Jon + Xia Maine)

The Love Band (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon