49. Confession - Like Him

96 5 0
                                    

Jane's POV

Bumalik ako doon sa matanda.

"Lola, kunin niyo na po"- Sabi ko nang lumuhod ako para pantay kami.

"Salamat, salamat apo. Napakalambot ng iyong puso. Salamat dito"

"Walang anuman po. Wala po ba kayong kasama?"

"W-wala. Mag-isa na lang ako ng-ngayon"

"Bakit po?"

"N-nawalay ako sa k-kanila. Da-dalawampung taon na ang nakalipas"

"Ah. Sige po lola. Kain lang po kayo. Baka hinahanap na ako ng mga kasama ko, eh"- Paalam ko sa matanda.

"Oo, sige. Salamat, salamat ulit dito. Mag-iingat kayo"

"Opo, walang anuman at salamat rin po"- Sabi ko tapos bumalik na sa cafè.

"Yow guys!"- Bati ko sa kanila nang makita ko na sila.

"Yow! Where have you been?"- Avah asked me and took a sip in her frappè.

"Wala, yung isang matanda, nanglimos sakin. Nag-order lang ako ng pagkain at ibinigay sa kaniya"

"Yung bang nasa tapat ng school ang matandang tinutukoy mo?"

"Ye"

"Ah, nakita din namin siya kanina. Binigay namin yung excess. Bale sakto na ang pera namin pauwi"- Singit naman ni Ann.

"Oh, I see. Guys, bili na ako ng drink ko. Since patapos naman na kayo, magtatake-out na lang ako"

"You don't have to. Binilhan na kita"- Tinaasan ko naman ng kilay si Wayne dahil doon.

"Wae?"- Napailing siya sa sinabi ko.

"Mag-eeffort ka pang pumila. Nga pala, binili ko yung favorite flavor mo ng frappè. Yung capuccino"

"Thanks"- Sabi ko sa kaniya at ngumiti nang inabot na niya sa akin yung frappè ko. "Nga pala, sa bahay---"

"No need. My treat"- Napailing na lang ako at napangiti.

"Kyaaaah!"- Tili ng mga girls

"Hahahhahahahahah!"- Kasabay kong tumawa ang mga boys.

***

Umupo ako sa sofa at ipinatong ang paa ko sa arm rest niya. Binabasa ko kasi ang libro ko Science dahil exam na namin bukas. H'wag kayong mag-alala, last month pa lang nagrereview na ako.

Last year, ako yung top 1. Pero ngayon, di ko pa alam. Haha.

Tinanggal ko ang glasses ko na 85 ang grado tsaka hinawakan ang gilid ng noo ko. Ipinikit ko saglit ang aking mata at wala pang limang minuto ay idinilat na rin yun.

Isinara ko ang akong libro at inilapag sa coffee table. Kinuha ko ang eyeglasses ko at pumunta sa kwarto ko.

Binuksan ko ang door gamit ang doorknob at isinara iyong nang makapasok na ako. Nagpunta ako sa study table ko at umupo sa upuan na nakatapat doon.

Kaya ko tinanggal ang glasses ko kanina para makapagpahinga ang mata ko saglit. Inilabas ko ang English book ko mula sa bag. Ibinalik ko ang glasses ko at nagsimula ng magreview.

Nang makaramdam ng pagod, iniligpit ko sa bag ang mga gamit na kakailanganin bukas. Tinaggal ko ang glasses ko at ibinalik sa case niya. Ipinasok ko naman ang case ng glasses ko na nasa loob niya ay ang aking salamin.

Matapos ko iyong ligpitin ay bumaba ako at tumungo sa kusina.

"Tapos ka na bang magreview, nak?"- Tanong ni mommy sa akin.

"Tapos ko na pong review-hin yung para sa kinabukasan. May mga iba naman po na para sa isang araw pa. Pero ok na po lahat. Natapos ko na rin po ang lahat ng mga requirements kaya pwede na po akong magchillax"

"Ayun ang mabuting bata. Yang kapatid mo, laging naglalaro ng video games. Ewan ko ba diyan, ayos na lang yata sa kaniya na laging yung passing grade o score na mismo ang puntos niya"- Napatawa naman ako sa sinabi ni mommy.

"Sige po, mmy. Pagsasabihan ko si kuya. Nga pala, mmy. Ayusin ko na po yung table"

"Sige, sige. Para makakain na tayo agad"- Tinanguan ko lang siya at inayos na ang lamesa.

Habang naghahapunan, sinitsitan ko si kuya.

"Psst. Kuya"

"Hmm?"

"Magreview ka kaya"

"Matalino naman na ako kaya di na kailangan"- Sinamaan ko na lang siya ng tingin.

Umayos naman na ako nang tinawag ako ni mommy.

"Jane"

"Yes, mmy?"

"Nagreview na yan pero di masyado. Yung rush lang. Ako ng bahala"

"K po"

***

Na eexcite ako pero at the same time, kinakabahan. Ngayon na ang exam namin.

Mabuti at medyo madali lang ang lumabas sa mga exams. Medyo nahirapan lang ng konti sa Math pero ayos na din.

Recess na namin ngayon at andito kaming lahat sa canteen na kumakain.

"Kumusta ang exams?"- Tanong ko.

"Hindi masyadong mahirap, hindi rin sobrang dali. Sakto lang"- Sagot ni Andy.

"It's not that easy but it's also not that hard. I think the exam is... ok"- Sagot naman ni Avah.

"Mahirap"- Ang sagot na ng iba.

"Haha. Ayos lang yan"- Tapik ko pa sa balikat ni Ann dahil siya ang malapit sa akin pero silang lahat anh aking pinagsabihan.

"Ayos lang dahil mas mahirap bukas?"- Natatawang tanong ni Andre.

"Baliw"

"Hahahahaha!"

***

Mabuti at natapos na din namin ang exams. Konting practice na lang para sa intrams at konting preparation na lang para sa school ang aatupagin this week. Ang aalalahanin na lang about sa grades ang problema tungkol sa academics.

Then someone nudge on my shoulder.

"Ikaw pala, bakit?"- Tanong ko.

"Upo tayo sa bench"- Sumunod naman ako sa gusto niya.

"Oh ano?"- Tanong ko sa kaniya na may kasabay pang taas ng kanang kilay.

"Inutusan lang ako ng kapatid kk kaya there's a no way na trip lang 'to"- Sabi ko.

"Promise?"- Tanong ko

"Promise, cross my heart, and hope to die"

"So ano na nga?"- Tanong ko.

She let out a deep sigh bago pa niya ako sagutin.

"I love your smile sabi ni bro"

"You must be kidding, Avah"

"No, I'm not. Nagpromise pa nga ako kanina na there's a no way na trip lang 'to"- Napangiti ako sa sinabi niya.

Feeling ko pa nga eh uminit ang pisngi ko. For short, nagblush.

"Nagblush siya. Haha. It's ok lang naman and it's normal. Pero... para lang naman yun sa mga taong gusto mo"

"I like him. I really do like him. I relly am. I like your bro, since we were grade 5. But I only love him as a friend. Medyo weird nga lang sabihin sa harap ng kapatid niya pero atleast, nagawa kong mag confess. And please, keep it as our secret. I trust in you"

'Okay, I will. Actually, I didn't expect that you're going to tell me that. By the way, alis na ko. May practice la kasi kami. Ba-bye!"

"Bye!"- Sabi ko.

Confession. Confession. Confession.

-_- *sigh*

#Confession
#LikeHim
#Helpful
#Frappè

2016.12.26
10:41 pm

The Love Band (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon