Xia's POV:
Mabuti na lang at umalis na siya bago ako napasinghot. Umiiyak na ako. Pinunasan ko ang luha ko at dumeretsyo sa cr at naghilamos.
Bakit gano'n ang naging reaksyon ko?
***
"Xia, sa tingin ko, mahal mo rin siya kaya gano'n." Napailing ako sa sinabi ni Ann.
Kumalas ako sa pagkakayakap niya sa akin at saka siya sinagot.
"Ann, imposible, si Dexter ang mahal ko." Sabi ko habang pumapatak pa rin ang aking mga luha.
Hinawakan niya naman ang balikat ko at nagsalita uli.
"Minsan, napangungunahan lang tayo ng pagkakamiss kaya ang akala natin, mahal na natin. Minsan, dahil sa akala mong crush mo lang, di mo napapansing mahal mo na pala. Gano'n lang yun Xia." Tinapik niya ako sa balikat at nginitian.
"Pumunta ka na kay Dexter. Salamat uli sa pagpunta." Tinanguan ko siya at nginitian.
Naghilamos ako sa lababo ng cr niya.
Matapos nun ay nagpasalamat ako sa kanya bago pumara ng taxi.
Siguro pag mag-eenjoy akong kasama siya mamaya, baka mahal ko nga talaga siya.
"Hi." Bungad niya sa akin at hinalikan ang aking noo. Hinalikan ko din ang kanyang pisngi tsaka siya niyakap.
"May problema ba?"
"Wala." Sabi ko nang nakangiti.
Pagpasok ko sa kwarto niya ay umupo kami sa sahig at naglaro ng video games.
Di ko pa rin talaga matanggal sa aking isipan ang sinabi ni Mark kanina."Dexter... may kailangan akong sabihin..."
"Ano yun?" Medyo malungkot niyang tanong. Pero kita ko pa rin sa kanya na handa siyang makinig. Inilapag niya sa sahig ang controller. Parang nasaksak ng isang daang kutsilyo ang puso ko nang makita syang napakuyom ng kamao. Pinapalakas niya ang sarili niya. Napalunok ako at inipon ang lahat ng lakas ko. Nang maramdaman kong okay na at handa na ako ay nagsimila na akong magsalita.
"Si Mark. Di ko inakalang uupo siya sa katabi kong desk habang ako ay kumukuha ng tulog. Di ko rin inakalang sasabihin niyang mahal niya ako at sinabi niyang nasasaktan siya dahil sa naging tayo. Pero alam mo ba Dexter? Napaiyak ako sa sinabi niya. Dexter, pakisabi kung ano na ba tong nangyayari sa akin." Napabunting hininga siya at saka ako niyakap.
"Xia, mahal mo siya. Alam mo ba kanina? Tulala ka. Alam kong siya ang iniisip mo. Alam mo din bang matagal ko na iyang napansin sa iyo? Hindi lang ngayon kundi last 3 months din. Xia, di ko lang sinabi dahil ayokong mawala ka sa akin. Ngunit ngayon na napansin mo na, papakawalan na kita. Ayaw ko kasing makitang napipilitan ka lang eh. Mahal kasi kita kaya gusto kong ipunta ka sa relasyong tama para sa iyo. Tatandaan mong andito lang ako para sa iyo ah? Mahal kita, Xia." Napahagulgol ako sa sinabi niya niyakap ko din siyang pabalik ng mahigpit na mahigpit.
"Ayoko, Dexter."
"Pero Xia, mahal mo siya."
"Pero mahal din kita at nasasaktan ako pag wala ka." Sabi ko uli.
"Xia, oo, mahal mo ako. Pero siya ang pinakamamahal mo, ok?"
"Ayokong masktan ka. Tsaka isa pa, nasasaktan ako ngayon." Sabi ko pa.
"At ayoko ring masaktan ka. Kaya nga kita isasauli kay Mark eh kasi siya ang pinakamamahal ko. Ayokong masaktan ka dahil sa iba ang taong makakapiling mo." Napaiyak ako ng napaiyak.
Nang mahimasmasan ay kumalas ako sa pagkakayap naming dalawa at hinalikan siya sa pisngi.
"Sorry. Hindi man ikaw ang pinakamamahal ko, minahal naman kita ng puro at totoo. Aalalahanin mo iyan ah?" Sabi ko. Bawat salitang pinapakawakan ko ay nasasaktan ako dahil alam kong nasasaktan ko din siya.
"I love you, goodbye." Ang nakakasakit na sabi niya.
"I love you too, goodbye." Masakit man, pinilit ko pa ring makipaghiwalay sa kanya.
Paglabas ko ng bahay nila ay dumeretsyo ako sa bahay nila Mark. Ito na ang pinakahihintay ko. Ito na ang panahon upang itama ko ang mga mali ko.
"Hi." Bakit ba ayn ang mga bungad nila sakin? Urgh.
"Mark, may kailangan akong sabihin." Tumango naman siya at pinapasok ako.
Nagpunta kami sa kwarto niya at umupo sa kama niya. Kaibigan ko naman to at inosenteng tao kaya ayos lang.
"Nagbreak kami ni Dexter."
"TALAGA?! BAKIT?! ANONG NANGYARI?! SINAKTAN KA BA NIYA?!" Napakunot noo ako dahil sa lakas ng boses nitong mahal ko.
"Chillax. Ganto kasi iyon..." Panimula ko at isinunod na ang ibang pangyayari. Matapos akong magkwento ay nakita kong tulala nanaman siya. Pinitik ko ang noo niya at tila nabalik sya sa realidad.
"Seryoso? Mahal mo ako?" Inosenteng tanong niya. Napangiti na lang ako at napatango.
"Eh, kung gano'n, pwede bang m-manligaw?" Nahihiyang tanong niya.
Ginulo ko na lang ang buhok niya at hinalikan siya sa pisngi.
Bumulong naman ako kanya.
"Magmula ngayon, ihanda mo na ang pera mo para sa pagpapalakas mo para sakin." Biro ko na nagpatawa naman sa kanya.
3 weeks later...
Andito kaming lahat ngayon sa classroom. Ewan ko ba kung bakit may mga design na mga hearts, etc. At kilig na kilig ang mga kaklase ko. Mapalalaki, mapababae, mapabakla, mapatomboy (kahit wala naman akong mga kaklaseng bakla at tomboy).
Bigla naman akong nakarinig ng tili kaya tumingin ako sa papasok na artista este manliligaw ko pala.
Lumapit siya sa akin at lumuhod.
"Xia, mahal na mahal kita. Alam kong alam mo namang totoo iyon kaya di ko na kailangang iexplain pa kung paano. Xia, sa mga problema mo, dadamayan kita. Pati sa pagpost mo, susuportahan kita diyan. Kahit di mo ko sagutin, ganon pa rin ako magiging suppirtive para sa iyo. Happy birthday Xia, I love you." Napairap na lang ako para kunyari di daw ako nakikilig.
Tinanggap ko ang bulaklak at hinalikan siya sa pisngi.
"Thank you. I love you too and you're now officially my boyfriend and officially taken." Sabi ko sabay kindat.
Tumayo naman siya at niyakap ako. Niyakap ko din sya pabalik kaya dinig na dinig ang tili ng aking mga kaklase at barkada.
I'll do anything to make you happy. I love you.
A/N:
Oh ayan. Ginawa ko na po ang lahat upang matapos ang 5 chapters in just one day. Hope you all like it.
Inform ko lng po kayo na ito ang last chapter ni Xia.
Ito nga pala ang hashtags:
#TheOneIReallyLove
#SecondGuy
#ThirdRelationshipThanks uli sa pagtitiis!
Upnext: Avah
BINABASA MO ANG
The Love Band (COMPLETED)
Teen FictionAnong kayang mangyayari sa isang barkadang magkakapatid ang turingan kung sila rin naman ang magkakainlove-an? (Original Version) New Version: The Love Band (Ongoing) Plots, Settings, and Conflicts are partly edited.