Epilogue (Finale)

293 7 1
                                        

Jane's POV:

Matapos magshower ay nag-ayos kaming lahat.

Sinusuklay ko ang aking maiksing buhok nang dumating si mi amour sa tabi ko at itinuro ang longsleeves ko na off shoulders.

"Yan ang gamitin mo."

"Haha. Okay." Tapos kinuha ko iyon at pumunta sa loob ng CR. Pinalitan ko ang nauna kong damit at isinuot ang sinasabi ni mi amour.

Pagbalik ko sa kama ay andoon na siya nakaupo, naka de quatro at mukhang hinhintay ako.

"Saglit na lang, mi amour. Ibabalik ko lang ang damit na to sa bag." Pagpapaalam ko sa kanya habang ina-unzip ang bag. Itinupi ko na muna ang damit ko bago ipi asok sa loob ng aking bag tapos isinara iyon.

Naramdaman ko na lang ang pagpulupot ng kamay niya sa waist ko at pagpatong ng baba niya sa balikat ko.

"Anong problema mo?" Natatawang ko.

"Wala. Ang sarap mo kasing yakapin." Inalis ko ang kamay niya sa bewang ko at humarap sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit tapos gano'n rin siya.

"Still using the same signature perfume, huh?" Natatawang sabi ko.

"Siyempre naman. Ito yung gamit kong perfume noong sinagot mo ako, eh." Natawa naman ako.

Oo, naaalala ko pa ang perfume na to.

"Mi amour, h'wag mong papalitan iyang perfume mo, ah? Promise?"

"Promise." Sagot niya.

"Pati ikaw."

"Oo promise." Sagot ko naman.

"Wayne! Jane! Tara na bilis!" Sigaw ni Xia.

Nginitian niya ako at inilahad ang kanyang kamay. Tinanggap ko naman yun tapos ininterwine ko mga daliri namin at holding hands kami patungo sa restaurant.

Pagdating namin doon ay nakahanda na ang mga pagkain. Hinila ni Wayne ang isang upuan at pinaupo ako roon.

"Gracias." Tumango lamang siya at nginitian ako tapos umupo sa katabi kong upuan.

Kumain na kami tapos nagkwentuhan.

"Guys, parang kailan lang noh? Dati kwentuhan, lokohan, asaran, at paglalaro lang ang ginagawa natin. Pero ngayon, updated na! Tignan niyo, naging more than bestfriends. More than a band na." Natawa kaming lahat sa sinabi ni Alex.

"Pero peksman. Totoo talaga sinabi ni Alex." Sabi ni Ann habang iniikot-ikot ang can ng flavored beer niya. Pero 3% lang ang alcohol ng iniinom naming beer ngayon.

"Oo nga." Ang sabi naming lahat at nakangiti.

"Cheers para sa pagkakaibigan." Nakangiting saad ni Zach at itinaas ang can ng beer niya.

"Cheers para sa pagmamahalan." Sabi ni Joe at itinaas ang can ng beer niya.

"Cheers para sa hirap at ginhawa." At itinaas ni Kevin ang can niya.

"Cheers para sa kalungkutan at saya." Sabi naman ni Mark sabay taas ng lata ng alak niya.

"Cheers para sa barkada."- Wayne.

"Cheers para sa buong pamilya."- Deric.

"Cheers para sa pag-aaral."- Andre.

"Cheers para sa ating mga pangarap."- JB.

"Cheers para sa ating lahat." Ang sabi naming lahat at pinagtama tama ang aming mga lata.

Nagtawanan lang kami at lumagok dito.

The Love Band (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon